MALAWAK na ngiti ang pumaskil sa labi ni Vienna habang nakapikit dahil sa kaniyang panaginip ay isa na siyang kilala at sikat na model na hinahangaan ng lahat ng tao. Sa kaniyang panaginip nakuha na niya ang pangarap niya na maging kilalang modelo, maraming endorser at mga supporter. Walang mapaglagyan ng saya si Vienna sa kaniyang na achieve dahil alam niyang pinaghirapan niyang makarating kung nasaan man siya ngayon. Pero ang kaniyang magandang panaginip ay unti-unting naglalaho ng biglang lumitaw sa harapan niya si Ahmon na may malawak na ngising nakatingin sa kaniya. "I see, kung makangiti ka siguro ako ang nasa panaginip mo." Agad na nagmulat si Vienna ng kaniyang mga mata at paupong napabangon sa gulat dahil mukha ni Ahmon ang biglang nagpakita sa panaginip niya. Pakiramdam niya a