"Tell me Vienna, did he do something more on your body?" Hindi makapaniwala si Vienna na ganun lang kadali para kay Ahmon ang manakit ng tao ng katulad ng nakikita niya ngayon. Parang wala lang kay Ahmon ang ginawa nitong pagtatarak ng kahoy sa mata ng lalaki na muntik ng gawan ng kahalayan si Vienna, na ngayon ay umiinda sa nakuhang pagkabulag ng kanan nitong mata na patuloy na nagdudugo. "Answer me, Vienna." seryosong ani ni Ahmon na ikinailing ni Vienna. "Wa-wala na, hi-hindi niya natuloy ang balak niya kasi dumating ka na..." sambit na sagot ni Vienna ng bitawan na ni Ahmon ang lalaki na bumagsak sa sahig at agad tinakpan ng dalawang kamay ang nagdurugo nitong mata at naglulupasay sa sakit. Iniwan ni Ahmon ang lalaki at deretsong naglakad palapit kay Vienna na akap-akap ang sarili