Chapter 1

1415 Words
Three years later... Kitang-kita ni Taylor Mortiz mula sa kanyang sniperscope ang magandang mukha ni Cindy na nakatutok sa ulo nito ang baril ng kidnapper. Para naman siyang nakikita ng babae dahil mukhang nakatingin din ito sa direksyon niya. Na parang alam na alam nito kung saan siya naka pwesto. Ni hindi nga niya nakitaan ng takot ang mga mata nito kahit pa idiin ng gagong kidnapper ang baril sa sentido nito. "Do you have the shot?" a low voice asked in his ear. The earpiece wouldn't even be noticed by most people. Masyadong magaling lang talaga ang uncle Sony niya pagdating sa pag-imbento ng mga gadget nila. Kanina pang nasa gatilyo ang daliri niya ngunit hindi talaga siya makakuha ng perfect shot. "Negative, Alpha Boss," aniya sa team leader nila. "Cindy isn't clear." At pinagpawisan na rin siya ng todo. Sa mga nagdaang misyon nila, kailanman hindi pa siya nakaramdam ng takot. For him, there was no room for emotion on any of their missions. He worked with a group far off the grid. Hindi rin acknowledge sa Pilipinas ang grupong sinasalihan nila. Isa kasi itong sekretong Black Ops Division. They took the jobs that the rest of the world wasn't meant to know about. In particular, his team with the codenamed the Ghost Agents - had a reputation for deadly accuracy when it came to taking out their targets. At 'yong tarantado na lalaking 'yon na nanginginig pa ang kamay, madali lang naman niya iyon mapabagsak. Bilib din siya sa fighting spirit ng gagong kidnapper na 'yon ah. Anak pa mismo ng isang kilalang gobernador ang dinukot nito. Hiningan ng ransom ang opisyal at nang mapasakamay na nito ang naturang pera ay walang awang pinatay nito ang dalagang bihag. At sa tingin nito, ganun-ganon na lang nito matatakasan ang hustisya para sa pinaslang nito? Bopols talaga, hindi man lang nito ginagamit ang utak sa kapangahasan nito. Cindy's intel had led them to Jerome Baler. Cindy had volunteered to go in, to make sure that Baler was holding no civilians. Subalit ang dalaga na tuloy ang nadehado dahil sa halip ay ito ang naging bihag ni Baler. "He can't leave the scene. You know our orders." Ani Bryant Quirino sa pamamagitan ng earpiece. Dead or alive. Yeah, Taylor knew the drill, because the Governor's daughter hadn't been the first victim. Siguro naging hobby na ni Baler ang kidnap for ransom at pumatay ng tao. Pero subukan lang niyang saktan si Cindy ni dulo ng daliri nito dahil tatadtarin niya talaga ito ng pinong-pino. Nakita naman niya ang walang ka emo-emosyon na mukha ng dalaga. Na tila ipinaubaya na lamang sa gago ang buhay nito. Parang hindi na nga ito ang Cindy na nakilala niya. Dahil ang kilala niyang Cindy, hindi nito kayang itago kung ano man ang nararamdaman nito. It was only on the missions that she changed. Ilan pa bang misyon ang susuungin nito? Parang napapansin kasi niya na palagi nalang nitong inilagay ang buhay sa panganib nitong mga nakaraang misyon nila. Ayaw na ayaw pa naman niyang lagi nalang napapahamak ito. He shifted his position, testing the wind. Hindi naman siguro siya mamataan ni Baler. Masyado yatang malayo ang kinalagyan niyang pwesto mula rito. Ito rin kasi ang specialty niya, ang tumira sa malayo. Sabagay wala pang target na hindi niya naabot mula sa pagitan ng ilang distansya. Pwede naman niyang pabagsakin ang gago na 'yon oramismo. Subalit... "Gusto kong ilayo muna niya ang baril sa ulo ni Cindy." Taylor snapped into his mouthpiece. But even as he said the words, he saw Cindy's lips moving. Barilin mo na! Nasa labas ng isang bahay kubo si Baler at mukhang hindi ito kumpyansa sa sarili kasi alertong iginala nito ang paningin sa paligid kahit na ginawa na nitong bihag si Cindy. The man wasn't stupid. He'd eluded capture for over a year because he understood how the game was played. At sa tingin niya alam ni Baler na hindi lamang nag-iisa si Cindy. Hindi nga lang nakikita ng gago kung nasaan sila. But this time, gusto niyang magpakita sa target niya sa unang pagkakataon. Lilibangin lang naman niya ito sandali para mailayo nito ang baril sa ulo ni Cindy. Barilin. Mo. Na. Gumalaw ulit ang mga labi ng dalaga. Nakuha na nga niya ang sinenyas nito sa kanya kanina pa. Ngunit umiling-iling siya. Then he took two steps to the right. He knew that, in this particular position, the sunlight would glint off his weapon. When he saw that flash of light, he knew that Baler would fire. At ginawa nga nito. Inilayo na nito ang baril sa ulo ni Cindy para barilin siya. Pero huli na. Ang mokong ang naisahan niya. Taylor had already taken his own shot. Sa segundo pa lang na inalis ni Baler ang baril nito sa ulo ni Cindy ay kaagad na kumilos ang dalaga para sikuhin ito, dahilan din upang makalaya ito mula sa berdugong kidnapper. Pero bago paman makagawa ng maling kilos ang kidnapper ay naunahan na niya ito. Agad ito na bumagsak sa lupa at nakabulagta. "Converge." Bryant's hard order came in Taylor's ear. Nakahinga na rin ng maluwag si Taylor nang makita niyang ligtas na nga si Cindy. Ibinaba na niya ang hawak na sniper rifle para malinaw na niyang makikita ang dalaga. Pero sa totoo lang, kinabahan talaga siya kanina lalo na at si Cindy ang nalagay sa alanganin. A sharpshooter wasn't supposed to get nervous, hindi niya dapat iyon maramdaman sa isang misyon. Ngunit hindi talaga niya maiwasan na kabahan kapag kasama nila si Cindy sa naturang misyon. Iniligpit na niya ang mga kagamitan at saka nagmamadali na siyang pumanaog para puntahan ang dalaga. Day and night. Whether he was awake or asleep, he was obsessed with the woman. Edrian and Bryant had secured the scene by the time he got down to the front of the nipa hut, and Edrian was leading some sobbing woman from the hut. So tama nga si Cindy, may reserbang bihag pala ang gago. Kung hindi lang sila agad kumilos ay baka nagtagumpay ulit ang gago. "Good shot." Mahinang saad sa kanya ni Cindy. Putragis, na te-tense na naman siya sa tuwing pinupuri siya nito. Pero mukhang kailangan pala niya itong bigyan ng babala para hindi na ito mauulit pa sa susunod. He grabbed her wrist, pulled her against him. "Masyado mo ng inilagay ang buhay mo sa panganib." Napansin naman niya ang biglang pamumula sa mukha nito. Takti, galit kaya ito sa kanya o napahiya niya ito sa sinabi niya? "Ginawa ko lang ang trabaho ko," Mataray nitong saad. "I told you that my intel indicated a new hostage. Itinago siya ng kidnapper sa closet. Kung hindi pa ako kumilos--" He pulled her even closer. "Pero muntik ka na niyang mapatay." Her voice dropped. "Eh ano naman ang pakialam mo." Damn it, she did matter to him. A lot. "Cindy..." "You're the one who wants to be hands-off," she snapped with a hard flash of her eyes. "Kaya bakit mo ba ako hinahawakan ng mahigpit?" Oo nga, mahigpit nga pala siyang nakahawak dito. Mabilis naman niyang binitawan ang pala-pulsohan nito na parang napapaso siya. "Hindi na ako makapaghintay pa." Sabi ni Cindy na napapatuwid ng tayo. "Death can come at any moment, at minsan ko na itong sinabi sayo...I'm not crawling into the grave with Slater." Oo, sinabi nga ni Cindy iyon sa kanya. Nasa kasagsagan kasi sila noon ng bagyo nang ma trap silang dalawa sa isang cabin at ang tanging naisip lamang niya sa mga oras na 'yon ay ang makuha ito. But he'd barely managed to stop himself from taking what he wanted. He did have some self-control. Unfortunately, kung kasama niya ito palagi, darating talaga sa punto na mawawalan siya tuluyan ng self-control. "I'm going to start living my life on my terms," Sabi sa kanya ni Cindy. "Binabalaan din kita." Hanggang sa tinalikuran na siya nito. At sumabay na ito kina Edrian at sa babaeng biktima rin ng kidnaper. Taylor stared after Cindy, feeling...lost. Narinig na lang niya ang pagtikhim ni Bryant. "Nakita ko na 'yang mga titig mo dati." Sinamaan lang niya ng tingin ang kasamahan. Bryant might be their team leader, pero hindi ito dapat nakialam sa-- "Better watch yourself, buddy, baka meron pang mahalagang tao na mawawala sayo." Tuluyan na nga siyang iniwan doon ni Cindy. Hindi naman kasi siya naintindihan ni Bryant. Kailanman hindi naging sa kanya si Cindy kaya wala namang mawawala sa kanya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD