Chapter 1: Ang magandang alaala at masamang balita

1728 Words
NASA isang airport siya ngayon ng San Francisco, ngayon ang flight niya patungong Bangkok Thailand upang mamasyal at magbakasyon ng dalawang araw. Ito ang nakuha niyang reward sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Nilibot niya ang tingin sa paligid at 'di niya maiwasang mapangiti sa mga nakikita niyang mga mag nobyo, mag asawang at magkapamilya na masayang sinasalubong ang kanilang mga asawa o kamang anak. Napa-pa-tear eyes naman siya nang mapansin niyang umiiyak ang babae habang niyayakap ang lalaking kasama nito. Napabuntonghininga na lamang siya, sapagkat namiss niya din ang pamilya niya ngunit wala siyang oras para umuwi, kung 'di pa siya pinilit ng Boss niyang mag-leave hindi siya titigil sa katrabaho. Dahil siya si Chris Mariah Sigua isang kindergarten teacher sa isang private school sa San Francisco. Isa rin siyang housekeeper sa gabi, double ang kanyang trabaho sapagkat isa siyang panganay na meron binubuhay na pamilya sa Pilipinas. Kaya nga sabi ng iba ang pagiging panganay ay hindi madali, kailangan marunong ka mag unawa at magpakumbaba. Mas uunahin mo dapat ang pamilya mo kaysa sarili mong kaligayahan kahit pa ang ibig sabihin niyan ay nakakadena ka isang napakalaking responsibilidad na hanggang buhay ka kailangan mong gampanan kaya nga sa edad niyang 27 year old ay hindi man lang niya naranasan ang magkaroon ng iniibig o karelasyon. Bakit? Dahil noong nag aaral siya, tinuon niya lahat ng atensyon niya sa pag aaral. Noong makatapos naman siya, nawalan pa rin siya ng oras para makahanap ng pag ibig dahil kahit sarili ay napabayaan na niya, kung bakit? Dahil kailangan niyang pagsabayin ang pag aaral at ang pagtrabaho para matustusan ang kanyang bayarin sa eskwelahan at pang gastos araw-araw at nang makapasa siya, naging abala naman siya sa paghahanap ng trabaho. Noong makatrabaho na siya, lahat ng oras at atensyon niya sa trabaho na niya naman dahil naawa siya sa kanyang ama at ina, pinatigil niya ang mga ito sa pag tratrabaho noong makapasok siya sa eskwelahan na pinagtatrabahuhan niya ngayon. Matanda na kasi ang kanyang ama na dati ay driver ng jeep, pinatigil niya sapagkat natatakot siyang 'di nakakayanin ng katawan nito ang mag pagod habang ang kanyang ina ay masakitin kaya pinatigil niya rin ito sa pagtitinda ng mga kakainin. Ang mga kapatid naman niya ay purong nag aaral pa, dalawa sa kolehiyo, dalawa sa high school at isa sa elementary. Lahat ng gastusin ay shoulder niya kaya minsan wala na natitira para sa sarili niya pero ayos lang. Masaya na siyang malamang maayos ang pamilya niya sa Pilipinas, nakakain ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral ang mga kapatid niya. Napakurap-kurap siya nang may bumangga sa balikat niya, tumingin siya sa taong may gawa noon. Napatitig siya sa lalaking nasa gilid niya, nakatayo ito nakasout ito ng formal attire, na bumagay sa angking kagwapuhan nito. Never in her life na napatulala siya sa isang lalaki ngayon lang. "I'm sorry, Ms," malalim na boses na hingi nito ng tawad sabay yuko at humakbang papuntang unahan. Bumuka sara ang labi niya, sinundan niya ng tingin ang papalayong bulto ng lalaki. Parang gusto niyang hawakan ang braso nito para tanungin ang pangalan pero nahihiya siya. Napakamot na lamang siya sa batok at lumakad na rin. *** SA EROPLANO, pagdating niya sa loob nagulat siya nang may nakaupo na sa uupuan niya sana. Kaya tumayo na lang siya sa gilid hanggang may lumapit na flight attendant sa kanya. "Hi ma'am, how my l help you?" nakangiting tanong nito. "My seat is already occupied, I wonder if you can do something about it? Is there any available seat for me?" usisa niya. Nakita niyang nagulat ang babae, "Oh? I'm very sorry ma'am, maybe there's something wrong with the seat arrangement but don't worry, l will inform the supervisor for now, please come with me." Tumango na lang siya at kiming ngumiti, walang imik na sumunod siya sa babae, tumigil sila sa pinaka unahan ng eroplano. Napansin niyang walang masyadong tao dito tanging isang upuan lang ang may tao at tumigil sila sa gilid noon. "For the meantime you can stay here while waiting for the action of the management, again we are very sorry for the inconvenience. I hope you will be comfortable here." mahabang pahayag ng flight attendant at tumalikod na. Habang siya ay umupo na, nagulat siya ng magtama ang mga mata nila ng lalaking nakaupo sa harap niya. Walang iba kundi ang lalaki bumangga sa kanya kanina, matagal niya itong tinitigan na tila ba gusto niyang mamermorya ang mukha ng lalaki. Naunang bumawi ng tingin ang lalaki at binalik ang pansin sa binabasa nito habang siya ay parang mapapakanta pa ata ng, "Ikaw na ba talaga ang magbabalik ngiti sa aking mga labi? Ikaw na ba talaga ang kukulay sa mundo kong walang kabuhay-buhay? Ikaw na ba talaga ang gigising sa natutulog kong puso? Oh ikaw na ba talaga?" Napailing siya at napakurap-kurap sa kabaliwang naiisip, 'di nga niya alam kung saan niya nakukuha ang mga linya iyun. Nahagip ng mga mata niya ang dalawang sanggol na nakahiga sa baby stroller. Ang isa ay nakatingin sa kanya ng seryoso habang ang isa ay nakangiti. 'Di niya alam pero parang may humaplos sa puso niya habang minamasdan niya ang kambal. Oo, kambal ang mga ito, kambal na lalaki, 'di niya alam pero parang may humihila sa kamay niya para hawakan ang mga ito, umangat ang kamay niya para abutin ang pisngi ng dalawang bata ngunit may humawak sa kamay niya inangat niya ang tingin para tingnan ang may ari ng kamay ngunit puro liwanag na lamang ang nakikita niya at biglang may tunog siyang narinig. Napabalikwas ng bangon si Chris at napakurap-kurap siya at napabuntonghininga sapagkat napanaginipan na naman niya ang lalaki nakita niya sa airport at kasama niya sa upuan ng airplane. Matagal na iyun nangyari pero 'di mawala wala sa isip niya at 'di niya alam kung bakit. *** NAGLALAKAD siya ngayon patungo sa room kung saan naghihintay na maari ang mga estudyante niyang makukulit. Maaga pa ng mga oras na iyun pero panigurado marami-rami na ang dumating. Makaraan ang ilang minuto nakatayo na siya ngayon sa harap ng mga cute na mga bata. "Goodmorning class," nakangiting bati niya sa mga ito. Mabilis na bumalik ang mga bata sa mga assign seat ng mga ito at tumingin sa kanya. "Good morning ma'am, good morning classmate," sabay sabay na sabi ng mga ito. Ngumiti siya. "You my take a seat." Mabilis na sumunod ang mga ito, kumuha siya ng chalk sa gilid at sinulat ang pamagat ng aralin nila ngayon araw. Nang lumingon siya napatigil sa pag uusap mga ito. "Attention, the lesson that we will talk about today is about shapes and color, so kindly get your notebook and take down notes about the details that I'm writing here in black board." Walang imik na sumunod ang iba pero may mga pasaway nakatulala lang at nakikipag usap sa katabi. Hindi na siya ng abalang sawayin ang mga ito, dahil napagpasyahan niyang tatapusin muna ang sinusulat niya saka niya ito lalapitan. PAGDATING ng hapon, uwian na inaayos na niya ngayon ang kanyang gamit kailangan niya magmadali sapagkat may duty pa siya mamaya sa hotel. Tumungo muna siya sa apartment niya para kumain at magbihis, mamaya pa ay ramdam niyang nag vibrate ang cellphone niya kaya kinapa niya ito sa bulsa saka nilagay ang bag sa mesa. Napaupo siya sa upuan sa gilid ng makaramdam siya ng kaba matapos niya mabasa ang mensahe na galing sa kanyang nakababatang kapatid na si Marty. Ang sabi tumawag raw siya kaagad pag nabasa niya ang mensahe, hindi sinabi kung bakit pero masama ang kutob niya. Nanginginig ang kamay na tinawagan niya numero ng kapatid. "Ano ba Mat! Sagutin mo!" natarantang bulalas niya ng hindi sinasagot ng kapatid ang tawag niya. Huminga siya ng malalim ng sinagot na siya ng kapatid. "Ate si Tatay," umiiyak na sabi ng kapatid dahilan para mas lalo siyang nag alala at kinabahan. "Anong nangyari kay Tatay? Ba't ka umiiyak ha, Marty?" mahinahong tanong niya pero sobrang lakas ng t***k ng puso niya. "Na aksidente si Tatay, nasa ospital kami ngayon at nandun siya sa emergency room," umiiyak na sumbong nito. Napatulala siya at 'di alam kung ano sasabihin sa narinig, na aksidente raw ang kanyang ama at nasa loob ito ngayon ng emergency room. "P-paano nangyari iyun? Hindi ba't pinatigil ko na siya sa pamasada?" tumaas ang boses na tanong niya. "Kasi ate nahihiya na daw siya sa iyo–" "Ba't niyo hinayaan! P-paano na 'yan ngayon?" naiiyak na turan niya. Hindi sumagot si Marty iyak lang ito ng iyak. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili, walang maitutulong kung mag wala siya. "Ang nanay nasaan siya?" tanong niya maya maya. "Inaasikaso siya ng mga nurse, nahimatay siya kanina, 'te," boses na iyon ni Benz ang sunod sa kanya. Natahimik siya, pakiramdam niya parang kinukutsilyo ang puso niya sa sakit at kaba gustong gusto niya humiyaw at umiyak pero 'di niya magawa. Gustong gusto niya umuwi sa Pilipinas para makita ang Tatay at Nanay niya pero hindi pwede pag umuwi siya paano na ang gastusin sino ang magbibigay sa kanila ng pera? Wala kaya titiisin niya, para sa pamilya niya. "Ate? Nanjan ka ba pa? Huwag ka masyado mag-alala, malakas si tatay hindi iyun bibitaw." mahinahong turan ni Benz. Suminghot siya at tumango. "Oo hindi siya pwede mamatay 'di pa niya nakikita ang apo niya sa akin." Marahang tumawa ang kapatid. "Oo nga, ate." Huminga siya ng malalim. "Balitaan mo ako pag lumabas na ang resulta at huwag mo pabayaan si nanay, sabihan mo lang ako kung kailangan ng pera para sa gamot." "Opo, ate, ako bahala rito, ikaw mag-ingat ka riyan at huwag ka masyadong magpagod." "Salamat, Benz." aniya sabay baba ng tawag at napahawak siya sa kanyang bibig ng lumabas ang hikbing kanina pa niya pinipigilan. Kung ano-ano ang pumasok na masamang ideya sa utak niya, paano kung mamatay ang kanyang ama? Paano na? Hindi niya kayang tanggapin sapagkat marami pa siyang gustong gawin kasama ang kanyang ama at ina pati ang mga kapatid niya, iyun lang ang meron siya, ang kanyang pamilya. "Sana po ay maligtas si Tatay sa kamatayan, maawa po kayo sa amin, hindi ko po kakayanin mawala siya at 'di ko man lang siya makita o mahawakan," umiiyak na usal niya sa hangin. …. Binibining Mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD