chapter 1

1160 Words
musmos pa lamang ako ng mamatay ang mga magulang ko namatay sila ng lumubog ang barko na sinasakyan nila ng pauwi sila ng cebu dahil pupuntahan nila duon ang dapat nilang papasukan na trabaho pero nauwi sa trahedya. Pinalaki ako ng lola at lolo ko sa probinsya ng bicol nang tumuntong ako ng labing anim na taong gulang ay nag kasakit ang lola at tuluyan ng humina ang pangangatawan niya busy ako sa pag aaral nuon at ang kinabubuhay lang namin ay ang pag tatanim ni lolo ng mga gulay at pag bebenta naman ni lola ng gulay. Nang nag labing walong taong gulang ako tuluyan ng nanghina ang pangangatawan ni lola dahil sa biglaang pag panaw ni lolo inatake ito sa puso at kalaunan ay pumanaw din si lola dahil nadin siguro sa labis na pangungulila kay lolo. labis na lungkot at awa sa sarili ang naramdaman ko ng mga panahon na 'yon wala ng natira saakin mag isa na lamang ako. Tanging mga kapit bahay at ilang kaibigan ang nakiramay nuon saakin, walang sinabi saakin ang lola kung may kapatid pa ang papa ko dahil hindi niya daw ito masyadong kilala dahil busy sa mga trabaho basta na lamang daw akong dinala dito sakanila ng luluwas na ang mga ito papuntang cebu. Ang tanging naiwan saakin ng lola ko ay isang gintong kwintas at 20,000 na halaga na ipon ni lolo at lola sa isang kahon. Nakasulat duon ang pangalan ko napaluha pa ako ng mabasa ang simpleng sulat ni lola na sa aking apo na si olivia naka sulat lang 'yon sa ibabaw ng kahon. Nakita ko 'yon sa damitan ni lola dati ay wala 'yon duon sa tuwing mag tutupi ako ng kaniyang mga damit. Siguro ay nilagay niya 'yon ng napapansin n'ya na malapit na siyang mawala sa mundo. Panay lamang ang iyak ko ng mga panahong 'yon halos dalawang buwan akong nag kulong sa bahay. Lumabas lamang ako ng bisitahin ako ng malapit kong kaibigan na si janine. Inaaya niya akong lumuwas ng maynila para duon mag aral at mag simula muli. Duon ko naalala ang sinabi saakin ni lola. "Sa oras na mawala ako apo, lumuwas ka ng manila at duon mo tuparin ang pangarap mo matalino ka at masipag, napaka gandang mo ding bata alam kong matutupad mo duon ang pangarap mo." "lola dito lang po ako, Hindi niyo naman po ako iiwan hindi po ba?" malungkot kong saad. "Gustuhin ko man apo ay may hangganan ang buhay ng tao, at ayokong ipag patuloy mo ang buhay namin dito mas maganda ang kinabukasan mo kung lalayo ka dito. Mahirap ang buhay natin gusto kong makapag tapos ka ng pag aaral at makapag hanap ka ng magandang trabaho alam kong kaya mo 'yon." saad niya at hinaplos niya ang buhok ko. "ayos na po ako dito lola," mahina kong saad. Nang maalala ko 'yon ay agad akong nag tungo sa libingan ng lolo at lola ko at humagulgol. Nag paalam ako na aalis at mag sisimulang muli sa manila. Ipinangako kong babalik ako sa oras na matupad ko na ang pangarap ko at ipapagawa ko ang maliit naming bahay. TATLONG taon na ang lumipas ng mag tatapos na ako ng kolehiyo. Accountancy ang napili kong kurso, sa ngayon ay nag tatrabaho ako sa isang fast food bilang diswasher madami akong naging trabaho ng tumuntong ako sa manila. Ginamit ko ang Naipon ni lolo at lola nuon para mag hanap ng mumurahing titirahan hindi naman ako nabigo dahil katuwang ko nuon sa pag hahanap ang kaibigan kong si janine ngunit ang kaibahan ko sakaniya ay siya ay sinusustentuhan ng magulang niya at ako ay hindi kailangan kong mag working student para sa mga pangangailangan ko. "bilisan mo na diyan via ng makauwi tayo agad," saad ng kaibigan ko sa kabilang station na nililinis niya. "oo malapit na," Matapos ang trabaho ay sabay kami ni kira na umuwi siya ang kaibigan ko sa trabaho. Lagi kaming sabay umuwi dahil pareho lang ang bahay na tinutuluyan namin pag sakay ng jeep ay nilalakad nalang namin at hindi na kami nag tatryckle para makatipid. Mabuti na lang at may isa akong kaibigan na tulad niya si janine kasi ay bumalik muli sa aming probinsya para mag alaga sa nag kasakit niya na ina. Nahihirapan akong makipag kaibigan sa mga tao dito dahil malayo ang buhay at nila sa nakagisnan ko na simple lang. Kaya ang mga tulad ko din na simple lamang din ang pamumuhay ang napipili kong maging kaibigan. "Grabe nakakapagod ang daming tao sa store," daing ng kaibigan ko at nag hihilot pa ng balikat habang nag lalakad kaming dalawa. Natawa nalang ako sakaniya dahil hindi pa siya nasasanay at lagi padin nag rereklamo. "Ayos lang yan bukas ay off naman natin." Pam palubag ko, umingos naman ito. "bukas ay mag lalaba ako at mag rereview pagod padin," napatawa nalang ako ng makitang ang haba na ng nguso niya. Cute siya dahil mataba ito at morena hindi tulad ko na medyo payat at maputi na maputla ang balat madaming nag sasabi na maganda daw ang hubog ng katawan ko minsan ay may gustong kumuha saakin bilang modelo pero pinangunahan ako ng takot saka na siguro kapag nakapag tapos ako ng pag aaral. "hayaan mo na atleast makakapag pahinga padin tayo," sabay kaming napasalampak sa higaan ng makarating sa tinutuluyan. Nakapag meal na kami sa store kaya nag linis na lamang ako ng katawan at nag palit ng damit bago nag pasyang matulog. Maaga akong nagising dahil maaga ang pasok ko sa school. Si kira naman ay nag hihilik pa at mahimbing pang natutulog. Nag kape lang ako at naligo na tapos ay nag tungo na ako sa school na pinapasukan ko scholar ako at kailangan kong pag butihan ang pag aaral. Hindi na ako nag lagay ng kung ano pa man sa aking mukha natural naman na mapula ang labi ko at ayos naman na saakin ang itsura ko wala naman akong pakealam sa kung ano ang sasabihin ng iba mahalaga ay makapag tapos ako ng pag aaral. Malapit na ako sa may gate ng school ng maabutan ko si lander na nakasandal sa motor habang nakayuko. Nang mag angat siya ng tingin at nakita ako ay tumuwid siya ng tayo at lumapit sa'kin. "Hi! Via!" magiliw na bati niya sa'kin. "bakit? may kailangan ka ba?" tanong ko dahil isa siyang heartthrob sa school at madaming nag sasabi na babaero siya at nag tataka ako na lumapit siya saakin. "Hindi mo ba natatanggap ang mga pinabibigay ko?" tanong niya, napakunot ang nuo ko at naalala ang mga bulaklak at chocolate kung minsan ay milk shake. "a-ah ikaw ba ang nag papadala ng mga 'yon?" mahinang saad ko dahil ayokong marinig 'yon ng mga babae sa school. Narinig ko ang tawa niya. "oo." Nakangiti niyang saad. "Bakit?" naguguluhan kong tanong. "Gusto ko sanang manligaw," nakangiti siya pero alam kong may kakaiba sa mga ngiti niyang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD