bc

Blocking the Wedding: Stanley Montgomery

book_age18+
630
FOLLOW
3.1K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
kickass heroine
heir/heiress
bxg
kicking
enimies to lovers
cruel
like
intro-logo
Blurb

"Bago natin simulan ang pag-iisang dibdib nila Badong at Chezca---"

"STOP THAT F****NG WEDDING!!"

Halos mabingi ako sa napakalakas na boses na 'yon na bigla na lamang dumagundong sa buong simbahan na ito, kasabay nang tunog na tila ikinasang baril.

Kaagad kaming napalingon sa aming likuran at doon ko nabungaran si Stanley Montgomery na ngayo'y nasa gitna ng red aisle at may hawak na baril habang nakatitig sa amin.

"What the f**k? Stanley?" bulong ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon at ... pipigilan niya ang kasal ko?!

Ngunit ang panghihimasok niya sa araw ng kasal ko ay imahinasyon ko lang at pinapangarap na sana ay matupad, bago ako itali sa lalaking ipinagkasundo lamang sa akin.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01: Congratulations!
Chezca Sa wakas ay nakita ko rin ang sarili kong naglalakad sa red aisle habang suot ang isang napakagara at napakagarbong wedding gown, at the age of 28. Ipinikit ko ang aking mga mata habang ninanamnam ang napakagandang song ni Bruno Mars na pumapailanlang sa buong paligid. Rest Of My Life. Naririnig ko rin ang mga bulungan at mahihinang tawanan ng lahat ng mga taong sasaksi sa pinakahihintay kong araw na ito. Ang aking kasal. Idinilat kong muli ang aking mga mata at inilibot ang mga ito sa kanila. Naririto ang buong angkan ko, angkan ng lalaking pakakasalan ko, mga kaibigan ko, pati na rin ang mga tsismosa naming kapitbahay. Lahat sila ay nakatunghay sa akin at punong-puno ng paghanga ang kanilang mga mata. Nginitian ko rin silang lahat habang may luha sa aking mga mata. Marahan kong pinunasan ang pekeng luha kong ito bago suminghot-singhot. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa napakahabang aisle na ito na napapalamutian ng samo't saring mga bulaklak. Ngawit na ngawit na ang mga binti ko. Kailan ba ito matatapos? Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa unahan ay natanaw ko na nga ang lalaking pakakasalan ko. He was smiling so beautifully while staring at me. Tinatamaan ng mga ilaw ng simbahan na ito ang nangingintab niyang ulo. Sana man lang ay nagsuot siya ng wig. Lihim na lamang akong napangiwi. Binigyan ko rin siya ng isang napakatamis na ngiti. 'Yong tipong lalanggamin na siya pati ulo niyang kalbo. Napakaganda rin nang pagkakangisi sa akin ng Lolo niyang nasa tabi niya at isa ring kalbo. Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Mangiyak-ngiyak na ako nang lumapit na sa akin sila Mommy at Daddy at sinamahan ako sa paglapit sa pakakasalan kong lalaki. Pakiramdam ko ay hindi kasalanan ang pinuntahan kong ito, kundi lamay. Wala akong makitang kaligayahan sa kanilang mga mata habang nakatitig sa akin. Hindi yata swak dito ang white gown ko. Dapat siguro ay black gown ang isinuot ko. Tuluyan na kaming nakalapit sa kanila. Kinikilabutan ako sa paraan nang pagtitig sa akin ni Badong. Ngayon pa lang ay parang hinuhubaran na niya kaagad ako. Lumilibot ang mga mata niya sa kabuuan ko. Ano pa kaya pagtapos ng araw na ito? Kailangan ko nang ihanda ang lubid na pagbibitayan ko ng sarili ko. Ipinasa na ako ng mga magulang ko sa kanya. Makahulugan silang tumitig sa akin na para bang sinasabi nilang may oras pa para umatras. Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim. Hindi ko na gagawin pa 'yon. Buo na ang desisyon ko. Pakakasalan ko ang lalaking ito hindi dahil gusto ni Lolo, kundi dahil gusto ko na rin. Hinawakan na ni Badong ang kamay ko. Muli na naman akong kinilabutan nang bigla niya itong pinisil. Mabilis naman akong kumalas mula sa kanya at kunwari'y inayos ang gown ko. Ramdam ko naman ang paglingon niya sa akin at pagtitig. "Parang gusot ang gown ko. Hindi yata ito pinlantsa ng maayos," ani ko sa kanya. Kumamot naman siya sa ulo niyang kalbo. Nauna na akong nagtungo sa harapan ni Father. Bahala na siyang sumunod. "Umpisahan na po natin, Father. Para matapos na rin kaagad," ani ko sa kanya. "Excited ka ba masyado sa honeymoon natin?" bigla namang bulong ni Badong sa tainga ko. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko kasabay nang pagtaasan ng mga balahibo ko sa katawan. Pinigilan ko ang masuka sa sinabi niya. Nilingon ko siya at muling binigyan ng isang napakatamis na ngiti. "Of course. The handcuffs are ready on the bed. I'm hard. Baka hindi mo ako kaya." Namilog namang bigla ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, ngunit kaagad ding lumitaw ang nagdidilawan na niyang mga ngipin na parang kinilig ng bongga. "Bilisan na natin, Father," kinikilig niyang saad kay Father. Napatitig ako kay Father dahil sa kakaiba niyang pagtitig kay Badong. Para bang hindi siya makapaniwala na itong lalaking ito ang pakakasalan ko. "Bago natin simulan ang pag-iisang dibdib nila Badong at Chezca---" "STOP THAT f*****g WEDDING!!" Halos mabingi ako sa napakalakas na boses na 'yon na bigla na lamang dumagundong sa buong simbahan na ito, kasabay nang tunog na tila ikinasang baril. Kaagad kaming napalingon sa aming likuran at doon ko nabungaran si Stanley Montgomery na ngayo'y nasa gitna ng red aisle at may hawak na baril habang nakatitig sa amin. "What the f**k? Stanley?" bulong ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon at ... pipigilan niya ang kasal ko?! Napakadilim ng anyo niya at parang sasabog na lamang bigla. "Come on, baby. Babalik ka sa akin o pasasabugin ko ang simbahan na ito?" What? Nababaliw na ba siya? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Ang buong pamilya namin at mga tsismosa naming kapitbahay ay naghiyawan na sa takot. Nagsiyukuan na sila sa mga kanya-kanya nilang upuan. Ang iba ay kinukuhanan na siya ng video. "ANSWER ME!!" Bigla na lamang niyang pinaputok ng sunod-sunod sa kisame nitong simbahan ang baril na hawak niya! "Yes! Yes! Yes! Sasama ako! Oo!" kaagad ko namang sagot dahil sa labis na takot! "Oo na! Sasama na ako sa iyo!" Bigla namang sumilaw ang mala-demonyo niyang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. "Come on, baby. Let's leave this place together." Inilahad na niya ang kamay niya sa direksyon ko. Kaagad din naman akong tumakbo palapit sa kanya habang hawak ko ng mahigpit ang magarbo kong gown. "Chezca! Ano bang nangyayari sa iyo?!" "Chezca!" "Chezca!" Isang malakas na sampal ang nagpagising bigla sa akin. Pumaling ang mukha ko sa kanang bahagi. "A-Ouch..." napadaing ako at napasapo sa pisngi kong nananakit at nangangapal. Dahan-dahan akong bumaling sa mga taong nasa harapan ko ngayon sa mahabang mesa na ito. Nanlilisik ang mga mata ni Lolo habang nakatitig sa akin. Nasa harapan ko pa ang palad niyang mukhang ginamit niya sa pisngi ko! "L-Lolo naman, eh." "What the hell is going on with you?! Sigaw ka nang sigaw dyan! Ipinapahiya mo ako sa mga bisita natin!" Napalingon ako sa pamilya ni Badong na ngayon ay kaharap namin dito sa mesa upang pag-usapan ang aming kasal. Titig na titig din sa akin si Badong na ngayon ay nasa tabi ko. "Eh, nai-imagine ko lang po 'yong magiging kasal namin ni Badong sa simbahan. There was a man who wanted to take me away from him, but ... I didn't go with him. Ang sabi ko ay kay Badong ako sasama. Si Badong ang pakakasalan ko." Lihim akong napangiwi. Biglang ngumiti nang pagkatamis-tamis si Badong ganun din ang pamilya niya. Hinawakan pa niyang bigla ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. "A-Aray! Aray! Kinagat yata ako ng lamok." Kaagad kong inagaw mula sa kanya ang kamay ko at sumilip sa ilalim ng mesa namin upang kunwari'y tapikin ang hita ko. "Yon naman pala, Kumpare. Wala naman na pala tayong problema. Payag na payag na ang apo mong si Chezca. Matutuloy na rin ang kanilang kasal sa lalong madaling panahon," kaagad na pahayag ng Lolo ni Badong na labis din ang tuwa. "Sinasabi ko naman sa iyo, Kumpare. Napakabait ng apo kong ito. Napakamasunurin pa!" Gumuhit din ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Lolo na tila nagwagi sa isang paligsahan. "Sa lalong madaling panahon ay aasikasuhin na rin natin ang kanilang kasal. Kami na ang bahala sa lahat-lahat! At 'yong kasunduan natin, matutupad na rin sa wakas!" "Walang problema, Kumpare! Aasahan namin ang lahat ng 'yan!" Nagkamayan na ang mga matatanda. Samantalang sila Mommy at Daddy ay parang namatayan habang nakatitig sa akin. I just gave them a sweet smile and let them know I was okay. I can handle it. *** "WHAT??!! ARE YOU CRAZY?!" sigaw ni Sapphire habang kausap ko siya ngayon through video call. Mukhang nasa kanilang mansion siya sa ngayon, sa mga magulang niya. Nakikita ko ang napakalaki nilang mansion sa likuran niya mula sa kinaroroonan niyang patio sa garden. Ibinalita ko na sa kanya ang pagpayag kong pagpapakasal kay Badong. Ang lalaking gustong-gusto ni Lolo para sa akin. "Matagal na akong baliw. Pero matinong desisyon na itong ginawa ko ngayon." "Matino?! Nasaan dyan ang matino?! You're going to marry a man you don't love!" Bigla kong napansin si Stanley na lumabas ng mansion nila at naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Nakasuot lang ito ngayon ng robe at nakalitaw ang makinis at malapad nitong dibdib. May bitbit siyang isang tasa na umuusok-usok pa. Siguradong kape ang laman niyon. Napangiwi na lamang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "How did you say that? I told you that I would only marry the man I love. So, I'm getting married now. That just means--" "You're fooling yourself. 'Yon yon! Hindi ko nakikita ang saya sa mga mata mo! Geez!" Napansin ko ang pagtutok ng paningin ni Stanley sa screen ng phone ni Sapphire. Nagsalubong bigla ang mga kilay niya. Parang nagtama na rin ang aming mga mata. Naramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Kaagad din akong bumaling sa ibang direksyon. "Kagigising ko lang kasi kaya akala mo lang. May mga muta pa nga ako. Hindi pa ako nakakapaghilamos." Umalis si Stanley sa likuran niya ngunit feeling ko ay umupo lang siya sa harapan ng kapatid niya dahil tinitingnan ito ni sapphire. "I called Raina. I hired her as our wedding planner." "Imposibleng pumayag ang babaeng 'yon. She must have been surprised too." "She agreed, okay." "Siguradong pinilit mo lang siya. Stop your madness, Chezca. I know who you love--" "Shut the f**k up. Malinaw na 'yong sinabi ko sa iyo. I'm going to marry him because I love him--" Napahinto ako nang biglang gumalaw ng malakas ang camera. At segundo lang ay biglang mukha na ni Stanley ang nasa harapan ko. "Kuya!" Narinig ko ang tinig ni Sapphire mula sa background. Ngumiti naman sa akin si Stanley. "Congratulations. Finally, our world will have peace soon. I'll wait for that day." Muli siyang nawala sa screen at pumalit muli ang mukha ni Sapphire. Para naman tinusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. 'Yong imagination ko sa araw ng kasal kong 'yon ay siguradong malabong mangyari. Malabong malabo. Bago pa tumulo ang mga luha ko sa pisngi ay kaagad ko nang pinutol ang video call.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook