Chapter 2

1084 Words
"Nicole, tumawag sakin ang kaibigan ko na nasa maynila at nangangailangan daw sila ng makaka tulong sa mansion ng mga Ruiz, hindi naman ako pwedi kasi matanda na ako, kaya ikaw ang nirekominda ko." Sabi ng lola linda habang kumakain ng hapunan. "Ho..pano po ako makakapag aral lola?" malunkot na saad ng dalaga. "Wagka mag alala apo at nakiusap na ako sa kanila na kung pwedi ka pag aralin" nakangiting sabi ng matanda. "Hindi ba mahirap yun lola kasi malaking bahay po ang papasukan ko, pano po ako makakapag aral ng mabuti niyan?" nag aalalang sabi pa nito. "Mababait ang mga Ruiz apo, dimo kaylangan mag alala. Nung nakaraan lang ay pumasyal sila dito sa probensiya at may biniling lupa." pagpapa liwanag ng matanda. "Kaylan daw po ako luluwas lola?" nanong ng dalaga. "Sa susunod na araw na apo at kaylangan na nila nang makaka tulong sa Mansion" sabay tayu ng matanda at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay. Malungkot na natutuwa naman si Nicole dahil makakapag aral na siya, malungkot dahil maiiwan ang lola niyang mag isa dito sa bahay nila. "Lola aalis na po ako" paalam niya sa matanda. "Apo, magiingat ka ha, wag moko alalahanin at kaya ko pa naman ang sarili ko." Nagyakapan silang dalawa at umalis na si Nicole na mangiyak ngiyak. Pagka baba niya sa bus ay nagpag disisyunan ng dalaga na mag taxi na lang papunta sa address na binigay ng matanda sa kanya upang madali niyang matunton ang Mansion at hindi na magkanda ligaw ligaw. Pagbaba niya sa taxi ay namangha siya sa laki ng Mansion at ganda nito, marami narin siyang nakikitang mga malalaking bahay pero hindi katulad dito na sa unang tingin mo palang ay mama mangha kana sa laki at ganda. Agad siyang nag doorbell at my lumabas na Guard. "Kuya, ako po yung pinadalang katulong ni lola Linda na taga probensiya." Ngumiti at yumoko siya bilang pag galang. "A ikaw ba si Nicole Sarmento?" tanong ng guwardya sa kanya. "Tika lang ha" may pinindot na button sa gilid. At maya maya lang may isang may edad na babae ang dumating at agad siyang sinamahan sa loob ng Mansion. "Dito ka muna eha at tatawagin ko si Doña Carmen." sabi ng may edad na babae. Palinga linga naman ang dalaga sa ganda ng paligid, ang laki ng sala at may malaking Chandler sa gitna. "Welcome sa Mansion eha, ano nga ulit pangalan mo?" tanong ng dumating na babae na eligante tingnan. "Nicole Sarmento po Ma'am, apo po ako ni lola Linda." Nahihiyang yumoko ang dalaga, bilang pag galang. "Si manang Linda ay matagal na nanilbihan dito sa Mansion, sana ay tumagal karin dito eha." ngumiti ang Doña. At marami pa ang dinetalye sa dalaga tungkol sa mga gagawin at patakaran ng Mansion. "Mending ikaw na bahala sa kanya ha." Ngumiti at tumalikod na ang Doña. "Opo Doña, maraming salamat po" sabay silang yumoko sa amo bilang pag galang. Nagpahinga muna siya sa kanyang silid tulugan. Sa isang hallway ay may anim na kwarto, bawat isang kwarto ay may dalawang kama, may sariling palikuran. Sa limang kwarto ay pari paihong tig dadalawa ang katulong, ang isa ay bakante dito siya hinatid ng may edad na babae, nasa dulo eto. Kinabukasan ay hinanda niya ang sarili para sa una niyang trabaho, tinuro sa kanya ni manang Menda ang naka toka sa kanyang gawain. Si manang Menda ay Mayor Doma ng Mansion. May limang katulong, dalawang hardinero at dalawang driver. Ang tinuro na trabaho sa dalaga ay taga luto ng mga pagkain ng dalawang magkapatid, ang Señiorito at Señiorita. Dinetalye din sa kanya kung anong mga klaseng pagkain ang hindi kinakain at kinakain ng mga anak ng amo. Huminga ng malalim ang dalaga bago kumatok sa kwarto ng Señiorito Cobe. "Seniorito Cobe, ako po si Nicole ang bago niyo pong maid" sabay hinga ng malalim at nagtanong muli. "Itatanong ko lang po kung ano po ang gusto niyong breakfast?" idinikit niya ang tainga sa pinto ng kwarto upang pakingan kung may tao ba sa loob. Agad naman eto nag bukas at nasubsob ang mukha niya sa dibdib ng binata. "Ay palaka!" Gulat niyang sigaw. "f**k! What the hell are you doing?" Masama ang tingin ng binata. "S-sorry po Señiorito, hindi ko po sinasadya. Kanina pa po kasi ako kumakatok akala ko po walang tao." Habang napapakamot at yumoko pa ang dalaga, dahil sa hiya. Napahanga naman siya sa tindig ng binata, mala adones ang katawan nito. Napapa nganga siya na parang gusto niyang hawakan ang pawisan nitong dibdib. "Get lost! I'm not hungry!." Tumalikod at biglang sinara nang pabagsak ang pinto. Para naman siyang natauhan sa pag bagsak ng pinto ng binata. Naiinis na umalis nalang ang dalaga, hindi niya akalain na napaka yabang at suplado ang anak ng amo nito. Kabaliktaran sa isang anak na babae, napaka bait nito at magalang. "Siguro pinaglihi yun sa sama ng luob" inis parin nito. "Bahala siya magutom, wala akong paki." padabong niyang kinuha ang mga lulutuin sa refrigerator para sa Señiorita Charmaine. "What did you say? Who are you to say something like that? I will pay you, so fix your mouth if you don't want me to kick you out of my house." Nakatayo ito sa gilid ng dalaga at nakatingin ng masama. "S-sorry po señiorito hindi na po mauulit." Yumoko nalang ang dalaga at pinulot ang nahulog na karne sa sahig dahil nagulat siya sa biglang pag sulpot ng among binata. "Cook my breakfast, i want an Tortilla (egg omelette) and java rice and orange juice." agad naman gumalaw ang dalaga at kinuha ang dapat na lutuin. "Hurry up! I'm going somewhere important!" pasigaw na sabi ng binata. Agad naman binilisan ang galaw ng dalaga. Maya maya lang ay hinatid na niya ang pagkain sa lamesa. At inumpisahan ulit ang lulutuin para sa Señiorita. Nagpapasalamat naman siya dahil marunong siya magluto ng kahit anong pagkain dahil nakapag aral naman siya ng pagluluto sa highschool. Meron kasing 2 years Vocational Caurse, Colinary ang kinuha niya dahil hilig niya magluto. "Manang Menda, ang sungit naman po ng Señiorito." Pag susumbong ng dalaga sa Mayor Doma. "Iwan ko ba sa batang yan eha, hindi nman ganyan yan dati. Mabait yan pero biglang nagbago ang mood simula umuwi sila ng ama niya galing bakasyon." kasalukuyan silang naguusap sa hapag habang kumakain ng hapunan, nagsabay silang kumain dahil nauna na ang ibang mga katulong kumain. Pagkatapos ay agad na hinugasan ang pinagkainan at nagsinpanhik na sa kani kanilang mga silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD