Chapter 6

1007 Words
Biglang napa balikwas ng bangon si Nicole ng tumunog ang alarm clock niya na naka patong sa lamesita sa gilid ng kama niya. Agad niya itong kinapa upang patayin habang naka pikit pa ang mata, nang mahawakan na niya ito ay dinilat na niya ang kanyang mata. Agad siyang napa balikwas ng bangon nang makita niya na pasado alas otso na ng umaga, naisip niya na naka ilang alarm na siguro ito ngunit napasarap siya sa tulog kaya hindi niya narinig na tumunog ito. Agad naman siyang tumalima, nagtungo siya sa banyo at nag sipilyo, pagka labas ng banyo ay nag bihis lang siya ng unipormi niya at nag suklay saka tinali ang buhok. Maya maya lang ay nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at agad nag tungo sa kusina upang tingnan ang sticky note na naka dikit sa pinto ng refrigerator para malaman kung ano ang lulutuin niya. Nagulat pa siya nang wala siyang makita na papel na naka dikit dito, palinga linga siya sa sahig baka nahulog lang ito pero wala siyang nakita. "Nicole! Anong ginagawa mo? Bakit hindi kapa naka bihis?" tanong sa kanya ni manang Menda habang tiningnan siya at nagtataka ito na naka unipormi ito. "H-ho? e manang magluluto pa po ako, pero nawawala po ang recipe note hindi ko makita" Patuloy parin siya sa paghahanap kung saan man nahulog ang kaperasong papel. "Iha, binilin ni Doña Carmen na mag pa deliver nalang o kaya kumain nalang sa labas ang mga anak niya para hindi kana maabala" paliwanang ni manang Menda sa dalaga "P-po?" nagulat naman si Nicole sa naging turan sa kanya. "Hala mag ayos kana ng sarili mo at maya maya lang ay baka patawagin kana ng Doña." Agad naman naglakad pabalik ng kwarto ang dalaga habang magka salikop ang kamay. Naligo lang siya nang mabilis at agad na naghanap nang kanyang maisusuot. Kinuha niya ang maong pants at agad na sinuot habang naka balot ang buhok niya nang tuwalya at nakasuot palang ng bra, katapos maisuot ang maong pants ay kumuha lang siya ng kulay peach na polo shirt na may botones at nang maisuot na ito ay sinuklay niya lang ang lagpas balikat niyang buhok at naglagay ng moisturizer sa mukha saka lipbam sa labi. Nagmamadali siyang magsuot ng sapatos. Huminga muna siya ng malalim at lumabas na nag kwarto. "O Nicole, hinihintay kana ni Doña Carmen sa sasakyan." napangiti pa sa kanya ang mayor doma bago kumaway upang magpa alam. "Sige po manang kayo na po muna bahala, salamat po" lumabas na siya at nag tungo sa naka paradang sasakyan sa harap ng mansion, nakita niyang naka tayo sa may pinto sa tabi ng driver seat ang driver na si Limwel at pinag buksan pa siya, pagka pasok niya ay agad na isinara ang pinto ng kotse at patakbong umikot ang driver saka sumakay at pinaandar ang sasakyan. "Doña Carmen, andito napo tayo sa Emerson university." agad na bumaba si Limwel at pinag buksan ng pinto ng sasakyan ang among babae. Saka lumabas narin si Nicole sa sasakyan, namangha ang dalaga sa laki ng unibersidad na pinuntahan niya. "Ang ganda naman dito!" paghanga niya sa school. "Nicole, hali kana iha at kanina pa tayo hinihintay ng Dean." saka naglakad na sila papasok sa school. Si Doña Carmen ay isa sa nagbigay ng malaking donation sa unibersidad. "Good morning Doña Carmen, she's Nicole right?" tanong ng Dean at tumingin kay Nicole at ngumiti ito. Agad naman nag bow si Nicole "Good morning po" "Nagustuhan mo ba ang offer sayo ng Dean?" tanong ng among babae habang kumakain sila ngayon sa isang mamahaling restaurant, dumaan muna sila para kumain bago umuwi ng mansion. "O-opo Doña Carmen, gagawin kopo lahat para hindi ko po kayo mabigo at ang Dean." sagot ng dalaga sa among babae at itinaas pa niya ang kanang kamay. "Very good" ngumiti sa kanya ang among babae at saka sumubo ng piraso ng steak. Natutuwa at exited naman ang nararamdaman ni Nicole. Pagkarating sa mansion ay agad niyang hinanap ang mayor doma para ibalita ang nangyari. "Manang Menda!" Tawag niya sa mayor doma, lumingon naman sa kanya ang mayor doma habang tinuturoan ang maid kung paano linisin ng maayos ang sliding door, pag tanaw mo sa labas ay makikita mo ang malaking swimming pool. "O Nicole, andito kana pala" sabay turo kung saan banda ang maduming salamin. "Manang may ibabalita po ako sa inyo" tuwang tuwa na pagbabalita niya sa mayor doma. "O ikaw Fe ayusin mo pagpupunas diyan, para matuwa naman ako sayo." tinuro pa ng mayor doma ang salamin na nililinisan, saka umalis. Sumunod naman sa kanya si Nicole. "Ano ba ang ibabalita mo iha?" tanong ng mayor doma sa dalaga. Andito sila ngayon sa kusina ng mga katulong ng mansion. "Manang makakapag aral na po ako, at alam mo ba? napaka ganda ng eskwelahanang papasukan ko, excited na ako." kinikilig pa ito habang nagke kwento sa mayor doma. "Alam mo iha hindi na ako nagugulat sa ibinalita mo sakin ngayon, kasi kahapon kopa yan alam, hindi ko lang sayo sinabi para kahit papano ay masurpresa ka naman." Agad na nalungkot ang mukha ng dalaga. "Manang naman e" pagtatampo niyang turan sa mayor doma. "Pero manang seryuso, excited na talaga ako, gagalingan ko sa pag aaral para hindi ko mabigo si Doña Carmen at ang Dean." nakangiti parin siya habang nagsasalita. "O siya sige, at akoy may tiwala naman sayo alam kong may pangarap ka sa buhay kaya hindi na ako magtataka kung sa susunod na mga taon ay maganda na ang buhay mo at nakaka angat angat na, para lalong matuwa sayo ang lola Menda mo." Agad na naman nalungkot ang dalaga ng malala niya ang lola na mag isa lang sa probinsiya. "Sige manang magbibihis na muna ako at nang makapag luto na ng hapunan para sa Señiorita Charmaine at Señiorito Cobe." bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila ng among lalake kagabi, agad naman itong pinamulahan ng pisngi, kaya mabilis na nag paalam ulit sa mayor doma at patakbong nagtungo sa kanyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD