Chapter 4

988 Words
"Nicole, tawag ka ni Doña Carmen." Natigil ang ginagawa ni Nicole dahil sa pag tawag sa kanya ni manang Menda. "B-bakit daw ho?" Nilingon niya ang mayor doma at nagtatakang nagtanong. "May sasabihin daw siyang importante, halika na at naghihintay sayo ang Doña." Hinila na siya papunta sa sala, agad naman sumama ang dalaga dito. "Doña Carmen, andito na po si Nicole." Tawag pansin ni manang Menda sa amo na agad naman ito lumingon sa kanila. "Pinatawag niyo po ako Doña Carmen?" Lumapit ang dalaga sa among babae at yumuko ang ulo bilang pag galang at itinaas din ito bago nagtanong. "Mabuti nandito kana iha, may nai kwento sakin ang lola Linda mo na gusto mo daw makapag tapos ng pag aaral" "H-ho? U-upo Doña Carmen, pero nakaka hiya po kasi, dahil baka hindi ko po magawa ng maayos ang trabaho ko" nahihiyang sabi ng dalaga sa among babae sabay hawak sa laylayan ng unipormi nitong pangtaas. "Bukas sumama ka sakin at may pupuntahan tayo, o siya sige bumalik na kayo sa inyong trabaho at akoy magpapahinga na." sabay tayu ng amo nilang babae at pumanhik na ito ng hagdan. Samantalang si Nicole ay naiwang nagtataka at napanganga sa huling sinabi ng among babae. "Manang Menda, Saan kaya kami pupunta bukas? Kinakabahan ako" hinawakan niya ang kanyang dibdib at tinapik tapik pa ito, habang papa balik sila sa kusina ni manang Menda "Wagka mag alala Nicole mabait yan si Doña Carmen, mag pahinga kana at para maaga ka makapag handa at nang maka sama ka kay Doña Carmen." sabi ng mayor doma at sabay hinimas ang balikat ng dalaga. Ang iba naman na mga katulong ay nakatingin sa kanilang dalawa, habang si Fe ay tumaas ang kanang kilay. "Alam mo Mona, kabago bago ng Nicole nayan sumisipsip na agad sa amo natin." Sabi ni Fe kay Mona na isa rin maid, sabay turo kay Nicole bago sumipsip ng kapi. Si Fe at Mona ay matataray na katulong sa mansion. Hindi nalang nagsalita ang iba pang mga maids, yumuko at sumipsip nalang ng kape ang mga ito. Si Mona naman ay hinampas ang balikat ni Fe bilang hudyat na tumahimik ito,at sabay nguso sa kinarorounan nila Nicole at manang Menda, kaya biglang napaubo si Fe dahil sa lakas ng pag hampas ni Mona sa kanya. "Ano ba dahan dahan naman Mona, ang sakit nun ah" pag rereklamo nito kay Mona. "Sus inggit lang kayo kay Nicole dahil bata pa, maganda at sexy pa. Kayo kasi mga gurang at nagmiminupos na, tig dadalawa pa ang humps sa tiyan." Singit ni joel na tumatawa pa habang nagsasalita at parang idino drawing pa ang kamay sa hangin sabay nag tawanan ang iba pang kasamahang driver at hardeniro sa mansion. Si Joel ay 40 years old, ang personal driver bodyguard ni Don Bernardo Ruiz, at isang military na may ranggong Lieutenant colonel, kahit mataas ang ranggo ay simpleng tao parin ito na mahilig makipag biruan sa mga kasamahan nito sa mansion. Kahit saan mag punta ang among lalake ay kasa kasama ito,katulad na lamang sa mga business trip ng amo at kapag bumibisita ito sa malaking kompanya sa US. Si Don Bernardo Ruiz ay nagmamay ari ng dalawang pinaka sikat at malalaking wine company isa dito sa pilipinas at isa sa US, ang Ruiz wine Corporation. Nasa isang lamesa sila habang nagkakape, at nagpapa lipas ng oras bago magpa hinga sa kanilang mga silid. Samantala sa inis ni Mona at Fe kay Joel ay nag walk out nalang ang dalawa at pumasok na sa kanilang silid, magkasama silang dalawa sa isang kwarto. Agad naman sumunod ang iba pang mga kasamahang katulong para magpahinga narin sa kani kanilang kwarto. Naiwan ang mga lalake na umiiling at naka ngisi pa ang mga ito. Si Nicole naman ay walang kamalay malay na pinag uusapan na pala siya ng mga kasamahan sa trabaho at may galit pa sa kanya ang dalawang maid. Maya maya ay pumasok narin si Nicole sa kanyang kwarto dahil mag isa lang siya sa silid na ito ay agad niyang ni la lock ang pinto, pagka pasok ay hinubad niya ang kanyang unipormi at humiga muna sa kanyang kama, dahil sa di naman siya masisilipan ay nakagawian na niya na maghubad ng damit pagka pasok niya sa kwarto matapos mailock ang pinto, tumingin ito sa kisama. Isang linggo mahigit na rin siya dito sa mansion. Nang di niya maisip kung saan nga ba sila pupunta ng among babae ay agad siyang nag desisyon na maligo na lang at nang makapag pahinga na. Kinuha niya ang tuwalya sa likod ng pinto na naka sabit at agad na dumiritso sa banyo. Habang pinapatuyo niya ang buhok ay may nag doorbell sa kanyang silid. Ang bawat kwarto ay Sound proof para sa privacy ng mga ito. "Sino ba un?" Nagtataka siya kung sino ang nasa labas,10:12 na ng gabi at marahil nagpapahinga narin ang mga kasamahan niya sa trabaho kaya di niya maiwasan na magtaka. Agad naman siya tumayo at binuksan ang pinto. "S-señiorito Cobe?" nagtatakang sambit niya sa pangalan ng among lalake. "M-may kaylangan ka po ba señiorito? Nagugutom ka po ba? Magpapaluto ka po ba ng pagkain?" Sunod sunod niyang tanong sa binatang amo. "Yes i'm hungry!" matalim ang titig niya sa dalaga habang hawak nito ang pinto baka sakaling biglang isara ng dalaga. "A-ano po ang gusto niyong pagkain? Ipagluluto ko po kayo." kukuha na sana ng pangtali sa buhok ang dalaga para lumabas ng kwarto upang ipag luto ang binatang amo, nang marinig niyang sinarado ang pinto. Agad naman siyang nagmadali sa pag aakalang umalis na ang binatang amo para hintayin siya sa kusina. Nang hahawakan na sana niya ang kanyang buhok para itali ay nagulat siya bigla. Nang may maramdaman siyang tao sa likod niya, agad naman siyang lumingon dito at biglang na out balance ang dalaga dahil sa pag ikot niya ay halos mag dikit na ang kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD