“K-KUYA.” Hindi alam ni Estelle kung saan nakuha ng kapatid ang ideya na ‘yon. Pero sigurado siyang malapit kay Kurt ang nagsabi niyon. “Tang’ina! Sagutin mo ako, Estelle!” malakas na ulit ni Esper na ikinapitlag niya. Sa tanang buhay ni Estelle, ngayon lang siya nasigawan ng kapatid. Kaya ganoon na lang ang takot na naramdaman niya. Akmang sisigaw ulit si Esper nang sumagot na siya. “W-wala po, Kuya. W-walang namamagitan na po sa amin.” Napayuko na si Estelle. Nagulat din siya nang bigla siya nitong niyakap. “Mabuti, Estelle. Alam kong hindi totoo ‘yon. Hindi ikaw ang tipo na papatol sa mas matanda sa ‘yo, tama?” dinig niyang sambit ng kapatid. Humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya. Pero bumitaw din ito sa kanya, hinawakan siya sa magkabilaang balikat. “Ayaw ni Kuya na masakt