Ang lambot ng kama. Bumili ba ng bagong foam si Manang para sa tenants niya? Siguradong mahal yung isisngil niya dito. Saka malamig din. Parang may aircon. Oh? Bumili din si Manang ng aircon? Ganyan niya ba kamahal tenants niya? Di bale na ang bayarin basta masarap yung tulog ko!
Teka.
Wala akong perang pambayad. Inilabas ni Manang yung kagamitan ko, diba?
Agad kong minulat ang aking mata. The place is not familiar. Pangmayaman yung ceiling at hindi ako nagkamali na may aircon. This isn't the apartment where I used to sleep. Kikilos na sana ako nang makaramdam ng mabigat sa tiyan ko. I looked down and saw someone's arms, almost hugging me. Napakurap ako. Unti-unti kong sinundan yung kamay paitaas para makita kung sino yung kasama ko sa kama.
His arm is heavy and I know that he's been working out. Nahinto ang aking mga mata sa lalaking mahimbing ang tulog. Dali-dali kong pinikit ang aking mata. Hindi. Hindi ito totoo. Nananaginip lang ako. Tama. Paniginip lang ito.
I slowly opened my eyes pero wala pa ring nagbago. I pinched myself, slap myself on the face pero ganon pa rin. Nasa harap ko pa rin yung lalaki.
Anong nangyari kagabi? Oh my gosh! Did we?!
Agad kong pinaramdman yung p********e ko. Napahinga ako nang maluwag nang masiguradong wala naman masakit sa ilalim. But I'm sleeping in the same bed with this handsome man over here. May nangyari kaya kagabi?
Siningkit ko ang aking mga mata, pilit inaalala kung ano yung nangyari kagabi. I looked at the man and realized how familiar his face is. Sa bar kagabi. He asked me to be his company at naglasing kaming dalawa. 'Yun lang ang naalala ko.
I was staring at his face when he opened his eyes. Naestatwa ako. Sh*t! Naabutan niya akong nakatitig sa kanya!
He stared back at me. Gusto kong lumayo pero sa kung anumang dahilan ay hindi ko magawa. Nang matauhan ay saka na ako umiwas ng tingin at umupo mula sa pagkahiga.
"S-Sino ka? At ano ang ginawa ko dito?!" I asked. Super late ng reaksyon ko at nakakahiya 'yun!
"No 'good morning' or whatsoever?" He asked.
Ramdam ko ang paggalaw niya. Umupo na din siguro siya gaya ng ginawa ko. Hindi ako makatingin sa kanya kasi nakakahiya nga. Nakakahiya 'yung ginawa ko!
"G-Good morning," Mahina kong bati.
He lets me stay in his place kaya dapat lang akong bumati sa kanya ng 'good morning' diba?
"Good morning," He said and stood up. "Feel any better?"
Napakurap ako. I remembered drinking a lot pero wala akong naramdamang sakit sa ulo. Maybe because I am used to it. Ilang gabi na din akong umiinom mag-isa. Alam kong wala naman itong magandang idinudulot pero gusto ko lang makalimot. Panandalian lamang.
"I'm okay," sagot ko.
"Okay," He said. "I'm going out."
"Teka!" I stopped him before he could go out. Nagtapo ulit ang aming mga mata kaya kusa akong umiwas ng tingin. "Ano..."
"Itatanong mo kung may nangyari ba kagabi?" hula niya.
Tumingala ako ng tingin sa kanya at nahihiyang tumango. "May nangyari ba kagabi?"
Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Try to remember," he said before turning around. Isang hakbang nalang ay makakalabas na siya pero huminto siya bago makalabas. "After thinking about things, or whatever, lumabas ka na. Let's eat and talk about something."
Tuluyan na siyang lumabas at isinara yung pinto. I was left with nothing to say. Try to remember? Ano nga pala 'yung nangyari kagabi?
Flashback...
Hilong-hilo na ako at nakita ko nalang yung sarili na nakaupo sa tiyan ng isang lalaki.
"Miss, lasing ka na. I'm not gonna take advantage of you," Sabi nung lalaki.
I placed my index finger on his lips.
"Shh," I giggled. "No one's taking advantage to someone. At hindi ako lasing. Don't worry baby boy. Pananagutan kita."
"Pananagutan?" Mahina siyang tumawa. "Isn't it the other way around?"
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Maliit na kilos ay maglalapat na ang mga labi namin.
"Don't be scared. I'll be gentle," I said and inch our gap.
End of flashback...
"Fvck!" I slapped myself.
Sinabunutan ko yung sarili. Nakakahiya! Ano daw? Pananagutan ko siya? I'll be gentle? Pvtangina nakakahiya!
Bakit ko sinabi 'yun? Ako ba 'yung lalaki? At ako pa yung nag-initiate! Hindi ka na nahiya Kaia! Kinuha ko yung unan at sumigaw. Matapos kong mailabas yung sigaw ay napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame.
Wala na akong magagawa. Nangyari na ang nangyari at hindi ko na iyon mababago pa. Ang magagawa ko sa ngayon at harapin siya. I should face the consequences. Umiinom kasi. I didn't know that I can't control myself once I'm under the influence of the alcohol.
Once I finally composed myself ay saka na ako lumabas ng silid. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay naamoy ko na yung aroma ng kape. Sinundan ko yung amoy at napadpad ako sa kitchen kung saan ko nakita yung lalaki. Nakatalikod siya sa akin habang nagluluto.
Mas lalo pa akong nahiya sa ginawa. Pinagluto pa niya ako. Ngumuso ako at naupo sa upuan. I cleared my throat to get his attention. Nang mapansin ay saka niya ako nilingon.
"Oh. Malapit na ito. Just wait a sec," He said.
"T-Take your time," Naiilang kong sagot.
Ilang segundo lang ay inihain na niya yung niluto at inilapag sa mesa. Kumuha na din siya ng kanin at inihanda na.
"Coffee?" He asked.
"Ako na ang magtitimpla," I said and stood up.
"Okay. Nandun yung coffee. Help yourself," Turo niya sa pantry.
Lumapit ako sa pantry at nakitang may coffee nga dun. Mukha pa lang ng lalagayan ay mahal na. Its label is written in a foreign language. Hindi ko mabasa. Wala ba silang 3 in 1 dito? Feeling ko hindi ko deserve and ganitong kape.
Instead of complaining, nagtimpla nalang ako at agad bumalik sa inupuan ko kanina. Pagkaupo ko ay saka din umupo yung lalaki sa upuan across the table with me.
"Let's eat!" Sabi niya at unang sumubo.
Nahihiya man ay sumubo na din ako. Silence overpowered us so I initiated the talk.
"Ano nga pala 'yung pag-uusapan natin?" Tanong ko. "Sabi mo kasi we'll talk. Tungkol ba ito kagabi?" Tumayo ako at yumuko. "Sorry! Hindi ko alam yung pinaggagawa ko kagabi. Hindi ko intensyon ang lahat ng iyon!"
"So you remember what happened?" Tanong niya.
Tumango ako habang nakayuko pa rin. "Ilan lang yung naaalala ko. Paniguradong may mas malala pa akong nagawa. Sorry na talaga! Huwag mo akong i-demanda."
I heard him chuckled kaya kumunot yung noo ko. I raise my head and he's looking at me, amused.
"Calm down. Hindi natin pag-uusapan 'yung nangyari kagabi. I'm not gonna bite. Don't worry," He said.
"Kung ganun, ano 'yung pag-uusapan natin?"
"I have an offer kaya umupo ka na para mapag-usapan natin nang maayos," turo niya sa inupuan ko kanina.
"So hindi mo ako idedemanda?"
Umiling siya. "No."
Napahinga ako nang maluwag. Buti naman kung ganun. Mabait naman pala siya. Nag-o-overthink lang pala ako. Bumalik ako sa aking inupuan at nahihiyang ngumiti.
"About how you got here, dinala nalang kita dito sa condo ko kasi hindi mo na maituro kung saan ka nakatira sa kalasingan. Nothing happened last night kasi napigilan ko pa yung sarili bago pa may mangyari na pagsisisihan natin," he paused. "I'm sorry if I shared the same bed as you. Kagaya mo ay nalasing din ako. Sa sala sana ako matutulog but before I could get up ay black out na. We did drank a lot. I'm so sorry."
Umiling ako. "No. Hindi ka dapat mag-sorry. Ako dapat 'yung magso-sorry."
He smiled. "It's fine. Don't worry about it."
Hiyang akong ngumiti at napayuko. Wow. He's so considerate. Hindi ko iyon inaasahan.
"Anyway, moving on to my offer," he started. "I have an offer that both of us can benefit. Only if you agree."
"I will do anything. As long as I can do it," I said.
Nakakahiya na kaya 'yung ginawa ko kagabi. Doing his offer might compensate the things that I've done last night. Kahit sabi niya naman na okay lang, hindi iyon okay sa akin.
He smiled. "You are in a financial crisis, correct?"
I blinked twice. "Paano ko nalaman?"
"Ilang beses mo nang inulit kagabi. Don't worry. I don't judge," Sagot niya.
Napapikit nalang ako nang mariin. Sabi ko na nga ba may mas malala pa akong nagawa kagabi! Pati din pala yung mga sinasabi ko ay hindi ko kontrolado?
Wait.
Is he offering me something that I am thinking? Naalala ko 'yung lalaking manyak kagabi. He offered me a lot of cash para lang sa katawan ko. Nanlaki ang aking mga mata at tinakpan 'yung sarili.
"Hindi!" I exclaimed. "I know that I am in need of money right now pero hindi ko ibebenta 'yung katawan ko!"
Tama 'yan, Kaia. Sa buhay mo ngayon, ikaw lang ang makakapagtanggol sa sarili mo. Wala na si Auntie. There is no one by your side except yourself.
The man just stared at me with amusement on his eyes. Mahina siyang natawa at humigop sa kape niya.
"You're funny," komento niya.
Ano daw? Funny? Kailan pa naging funny yung ipagtanggol 'yung sarili? Bakit? Porket gwapo siya at mayaman, makukuha na niya lahat ng gusto niya?
"Hindi ako nagbibiro," seryoso kong sabi. "Matino akong babae at hindi mo mababayaran yung p********e ko."
He bit his lower lip trying to supress his laugh. "Matino din akong lalaki and I'm not planning something inappropriate," he chuckled. "Kung ako man 'yung klaseng lalaki na iniisip mo ay ginalaw na kita kagabi. I should've took the advantage of harassing you when I had the chance. Pero hindi ako ganun."
"H-Ha?"
"I'm not offering you to be my slvt in exchange of money. Chill," Sabi niya.
Napakurap ako. Sh*t! Pinahiya ko na naman 'yung sarili ko!
"S-Sorry! Pinangunahan kita." I mentally slap my self. Ano bang nangyari sa akin?! "K-Kung ganon. Ano yung offer mo?" Nahihiya kong tanong.
"Pretend to be my girlfriend," He said directly.
Nanlaki ang aking mga mata. "Pretend to be your what? Girlfriend?!" Sigaw ko. "Bakit?"
Yumuko siya saglit bago ako hinarap. "Kilala mo ba si Suri Jimenez?" He asked.
I nodded. "Yung model na si Suri Jimenez? Oo naman! She's all over the news. Trending 'yung announcement nilang magjowa na sila ni Andrew Martinez. Yung sikat na artista--"
Nahinto ako nang makitang nakayuko na siya. Nakita ko sa mga mata niya na siya ay nasasaktan. Hindi kaya?
I covered my mouth with my hand. "Don't tell me..."
"Suri was my girlfriend," he smiled sadly. "She chose that famous actor over me."
"I'm sorry. Napaka-tactless ko," I slap myself on the face.
"It's okay. Hindi mo naman alam," Ngumiti siya.
Nagawa pa niyang ngumiti kahit nasasaktan na siya. I suddenly feel pity. Kaya pala pumupunta siya sa bar lately. May gusto nga pala siyang kalimutan at ito na iyon.
"So you want me to pretend to be your girlfriend kasi?" Turo ko sa sarili.
"To make her feel jealous," Sagot niya.
Kumunot yung noo ko. "Huh?"
"I still believe that she loves me. Ginawa lang niya iyon para sa bagong project niya. Suri decided to join the acting scene and Andrew is her loveteam. Ginawa lang nila iyon para lumaki 'yung loveteam nila," he explained.
He still believes that the woman still loves him. Ang martyr. Gusto ko sanang itanong na paano kung hindi na pala siya mahal ni Suri? Pero pakiramdam ko hindi kami gaanong close para itanong sakanya.
"How long are we going to pretend?" Tanong ko sa kanya.
"Hanggang sa bumalik siya sa akin. I know that she can't resist me," Sabi niya.
I sighed. Naghahabol sa isang babae ang gwapong nilalang na ito. Nakakaawa naman.
"Is it a deal?"
Inilahad niya 'yung kamay niya sa akin. Napatitig ako sa kamay niya. Hindi na ako maghihirap. He's gonna pay me and in return, I only have to pretend to be his girlfriend. Pretend lang naman kaya walang mawawala sa akin.
"Deal."
He handed his hand at me. Tinanggap ko yung kamay niya at nakipagkamayan.
"Oh! Hindi pa pala tayo nagpapakilala," He chuckled.
"Oo nga pala! Nadala tayo sa usapan," I gasped. "I'm Kaia. Kaia Monteza. Ikaw?"
"My name is Vaugn Amor," Pakilala niya.
"Amor? You mean?"
"Yes! Amor," he smiled. "And for you, I want you to call me 'love'."