Chapter 5

1145 Words
"Kaia, I'm sorry. I know na ayaw mo akong makita. But please, kumain ka naman. Alas nuebe na ng gabi at hindi ka pa kumakain. I made dinner. Lumabas ka lang if you're hungry. Please?" I heard Vaugn said behind the door. Gabi na pala. Kanina ko pa kasi kinukulong 'yung sarili sa kwarto ni Vaugn. I refuse to go outside. Hindi ko alam kung paano ko matingnan sa mata si Vaugn. I can still remember how he almost r***d me because of his anger. Nakakatakot pala siyang magalit. He have his ways of dealing things. Nakita ko sa gilid 'yung bag ko kaya agad akong nagpalit ng damit. Nasa kama lang ako habang yakap-yakap pa rin 'yung sarili. Marami akong iniisip. Hindi mawala sa isip ko 'yung ginawa ni Vaugn. Mas lalong hindi mawala sa isip ko 'yung dalawang lalaki. Hindi ko masyadong nakita 'yung mukha nila kasi naka-cap sila. Ano kaya 'yung gagawin nila sana? I was cautious enough kaya ko sinabihan si Vaugn na umuwi na kami. Hindi ko inasahang magagalit siya sa akin. I was saving his life pero siya pa 'yung galit sa akin. Ang malala pa ay muntikan na niya akong gahasain. Good thing natauhan din siya. "Eat your food before it gets cold, hmm?" Dagdag niya. Wala na akong narinig mula kay Vaugn matapos nun. I stayed in the bed for about thirty minutes bago ko maramdaman 'yung pagkalam ng aking sikmura. Napahawak ako dito. "Gutom na ako," I said to myself. Naisipan ko nalang ang lumabas. Natatakot akong harapin si Vaugn pero mas natatakot akong hindi makatulog dahil sa gutom. I went out of the bed and headed straight to the door. Dahan-dahan kong binuksan 'yung pinto para hindi makagawa nang ingay. Sumilip muna ako bago lumabas ng silid. Wala si Vaugn kaya lumabas na ako. Nakita ko si Vaugn na nakatulog sa sofa so I tiptoed to get to the kitchen. Bumungad agad sa akin 'yung pagkain na tinabunan ng plato. There's a sticky note beside it kaya kinuha ko ito. Sa tabi naman ay may one thousand pesos bill. "I'm worried that you'd be hungry kaya kumain ka na. Hindi ako marunong magluto but I did my best. Kung ayaw mo sa luto ko, gamitin mo 'yang one thousand and order something online. Enjoy your dinner and I hope you can forgive me. I regret everything I did." Yun ang sabi sa letter. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Nag-effort pa siyang magluto. Kinuha ko yung platong nakatabon sa pagkain. I think it's a fried chicken. O baka baboy ito. Sinimulan ko nang kumain at hindi na nag-order online. Hindi lang dahil sa gutom ako kundi dahil I appreciate what he did. Hindi siya marunong magluto pero ipinagluto niya ako ng pagkain. Matapos kong kumain ay naisipan kong bumalik ulit sa silid pero napahinto ako nang makita si Vaugn na nakatulog sa sofa. His position looks so uncomfy. Paniguradong sasakit 'yung katawan niya pagka-umaga. Nakaupo lang kasi siya habang nakasandal sa sofa. Mukhang hinihintay niya akong lumabas. Now I feel bad. Naka-on pa naman 'yung airconditioner. I decided to get inside the room ang got some pillows and blanket. Hindi ko siya kayang buhatin but the best thing to do now is to make him feel comfortable. It's the least I can do. Nilapitan ko siya at dahan-dahan siyang inihiga. I also covered him in blanket para hindi siya ginawin. Napatitig ako sa natutulog niyang mukha. Sobrang amo. Ang tangos ng ilong niya at nakakaakit 'yung mapupula niyang labi. Bakit siya niloko ni Suri? Kahit sinong babae naman siguro ay mababaliw sa kanya. If I had met him in a different situation, paniguradong nagka-crush na ako sa kanya. "Suri, come back," he whispered while sleeping. Napalabi ako. He really loves her. Kahit sa pagtulog niya ay iniisip pa rin niya 'yung ex niya. I can't help but to envy Suri. Mabuti pa siya may nagmamahal sa kanya nang tunay. Ang bobo niya lang kasi sinayang niya. As I was looking at his sleeping face ay biglang bumukas ang kanyang mga mata at naabutan akong nakatingin sa kanya. Nang dahil sa gulat ay napaupo ako sa sahig. "Kaia," he called my name. "Kumain ka na ba?" Umupo siya mula sa pagkahiga at nag-inat. Naguguluhan niyang tiningnan 'yung unan at kumot saka ako tiningnan. "Kinumutan na kita," I said. "Mukhang hindi kasi komportable 'yung pagkahiga mo." Ngumiti siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. "Come here," he said. Tumingala ako sa kanya at nakitang inabutan niya ako ng kamay. "Get up. Malamig d'yan sa sahig." Saka ko lang naalala na nakaupo pala ako sa sahig. Tinanggap ko 'yung kamay niya at tumayo na. "Salamat." "Kumain ka na?" He asked again. I nodded. "Oo," I paused and took the one thousand bill from my pocket. "Ito nga pala. Hindi nagamit. Masarap naman 'yung luto mo." He smiled in relief. "Talaga? Masarap 'yung luto ko? Thank God!" Ngumiti ako pabalik saka kami binalot ng katahimikan. But then he broke the silence. "Listen, about what happened earlier--" "Kalimutan na natin 'yun," I cut him off. "Ayokong mag-iilangan tayong dalawa. And I understand that you were angry." Alam ko. Sobrang bait ko para sabihing kalimutan lang 'yung nangyari. Kung sinong babae man ang ginawan nun ay paniguradong hinding-hindi papapatawarin 'yung lalaki. Papatawarin siguro pero sobrang tagal pa. I am angry at him, oo. Sobrang nakakagalit 'yung ginawa niya but I saw how sorry he was. Siguro there is still a little bit of disappointment inside of me pero sino ba naman ako para hindi siya papatawarin? He respected my personal space after what he did. He even made dinner kahit hindi niya alam paano magluto. I appreciated those little things that he did. "Thank you, Kaia," ngiti niya. "Babawi ako sa'yo. Anong gusto mo? Kain tayo sa labas?" Umiling ako. "Gawin natin 'yung gagawin sana natin kanina." Kumunot yung noo niya. "At 'yun ay?" "Nood tayo movie. Horror?" I suggested. "Game!" Umupo na kaming dalawa sa sofa at in-on 'yung TV. Naghanap kami ng magandang horror movie. Bakit horror 'yung s-in-uggest ko? Ang sabi kasi nila na if you are sad you should watch a horror film. They said that it can help you forget kung ano man 'yung bumabagabag sa'yo. It depends siguro sa tao 'yun pero sa akin kasi effective. "Ah!" sigaw ni Vaugn nung biglang may jump scare. Imbes matakot ay natawa nalang ako. Akala ko ako lang 'yung matakutin. May mas matatakutin pa pala kesa sa akin? Sisigaw na sana kasi ako pero naunahan niya ako. In the middle of watching the movie, biglang tumunog 'yung phone niya. May tumawag. "Phone ko ba 'yun?" Tanong niya. Malapit ko lang kasi 'yung phone niya. "Oo." "Pakiabot nga," he said. Tumango ako at kinuha 'yung phone niya pero nagulat ako kung sino 'yung tumawag. "Suri..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD