Chapter 16 THEODORE... MASAKIT ang buong katawan niya, pero higit sa lahat masakit ang bandang sikmura niya kung saan siya nasaksak. Ang malas niya lang talaga, palagi na lang siyang bumabagsak sa ospital. Kahit na hindi siya lumingon sa pagilid niya alam niyang nasa isang private room siya at may kasama siya. At sa naaamoy niya alam niyang si Tin-tin ang kasama niya. Isa pa si Tin-tin naman talaga ang kasama niya mula pa kagabi. Alam naman niyang hindi siya basta iiwanan ng babaeng iyon. Kilala na niya ang ugali nitong masyadong matulungin sa kapwa. "Okay ka lang?" Gusto sana niyang huminga nang malalim pero hindi niya magawa. Masakit na masakit talaga ang sugat niya. Nakita na nga siyang nakahiga sa hospital bed, nakaswero at hindi makagalaw nang maigi, tatanungin siya kung