Paunang Sipi

291 Words
"ANA YABI INTY, Angen," Nangungusap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Namumula na ang mga iyon dahil sa nagbabadyang pagbagsak ng mga luha niya. "Mahal mo ako, Asyong? Ganon na lang kadali?" Hindi mapakali ang mga paa ko na tumatadyak sa kinatatayuan ko habang nagkukuyom ang aking mga kamay dahil pigil na pigil ko ang emosyon ko. "Mahal kita, Angen. Bumalik ako dito sa Kuwait hindi lang para sa trabaho kundi para balikan ka. Sana ay ibalik mo ang pagmamahal mo sa akin, pakiusap," lumapit siya sa akin at sinubukang hawakan ako. "Bitawan mo ako Asyong," pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa akin. Tumingin ako sa kanan dahil bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Asyong, hindi ganon kadali iyon. Hindi porke't bumalik ka para sabihing mahal mo pa rin ako ay nangangahulugan na okay pa ako. Kaya paano mo ako pipiliting mahalin kang muli kung ni minsan ay hindi ko nagawang hindi ka mahalin at kalimutan kahit nasa Pinas ka at nagpakasaya sa kanya," pinilit ko siyang tingnan sa mga mata kahit pa umiiyak na ako. "Patawarin mo ako, Angen. Nagkamali ako," "Oo Asyong, tama ka. Nagkamali ka," tumango ako. "Mahal kita, Angen. Mahal pa rin kita," at niyakap niya na ako ng mahigpit. "Mahal na mahal din kita," napahikbi na ako sa kanyang dibdib habang sinasambit ito. Matapos ang sandaling katahimikan ay kumalas ako sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata. "Mahal kita Asyong, pero mahal ko rin ang sarili ko. Hanggang dito na lang tayo. Uuwi na ako bukas sa Pinas. Mag-iingat ka," hinaplos ko ang kanan niyang pisngi. Hinawakan niya iyon at hinalikan habang nababasa na ng luha niya ang kamay ko. "Bakit Angen? Magpapasko oh," "Paalam Asyong. Paalam,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD