Anastasia Estelle POV...
Naglalakad ako ang nakikita ko lang ay madilim, walang tao, at may isang ilaw na maliit kaya tumakbo ako para makapunta doon sa liwanag na yun alangan naman magstay ako doon nakakatakot kaya ang dilim kaya doon takot ko lang sa multo.
Nang makarating na ako tumatakbo padin ako ng biglang may nadaanan ang paa ko kaya nadapa ako. Napapikit ako dahil sa sakit kayang madapa.
Pagmulat ko...
"Waaaaaa!!! Ba-bakit may patay dito?!" Napatingin ako sa paligid puro patay ang nakikita ko at napatingin ako sa harapan ko paano ako nakarating dito? May malaking palasyo, may mga nag aaway na mga nilalang at may mga patay!
May war ba? May World War 5 na ba?
Agad akong napatayo at napatingin ako sa apat na lalaki na pumalibot saakin mukhang pinuprotektahan nila ako.
My God ang gagwapo nila!
Pero itong nasa harapan ko ang type ko ang gwapo niya kasi at ang bilis ng t***k ng puso ko. Di ko alam na kinakabahan ako o nai inlab nako.
Nabigla ako ng humarap siya saakin at niyakap ako at may matalim na bagay na tumusok sa likod niya. Agad naman niyang pinatay yun at bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil saakin nasaktan siya.
"Ba-bakit mo yun ginawa? Teka paano toh gagamutin? Anong akala mo ikaw si superman na matigas ang katawan na pwede mong isangga. Sana di mo na ako niligtas." Naiiyak nako di ko alam pero ayoko siyang mawala.
Hinawakan niya ang mukha ko.
"Shh... stop crying... ginawa ko lang ang dapat gawin at yun ang iligtas ka. Dahil ganun kita kamahal. My lady." Nagulat ako bakit ganun? Di ko naman siya kilala pero bakit ganito ang tama niya saakin?
"Sino ka ba?" Sabi ko sa kanya.
"Ako si Prince Poen...."
"ANASTASIA!!! GIGISING KA BA JAN O KAKALADKARIN KITA PAPUNTA DITO SA KUSINA?" Sigaw ni Tita Silvia. Agad akong napatayo sa higaan ko nako naman makikilala ko na ang dream boy ko eh! Panira ka Tita!!
"Nandyan na po!" Sigaw ko din. At nagmamadaling bumaba at pinagluto sila.
"Mukhang napasarap ng tulog tung babaeng toh ha. Bakit saan ka galing kagabi?" Sabi ni Veronica. Anak ni Tita Silvia ang isa sa mga kontrabida sa buhay ko pero di naman ako magsasagot sa kanila takot ko lang mawalan ng bahay.
"Nag aaral lang." Sabi ko
"Nag aaral daw. Tsk.. tapusin mo na yan!" Sabi ni Tita Silvia at inihain ko na sa kanila agad at dumiretso na sa kwarto para maligo, magbihis at lumabas na!
Kumain din ako wala na sila umalis na sumakay na sa kanilang sasakyan at ako nito maglalakad nalang.
Habang papalapit sa university may naramdaman akong malakas enerhiya. Kaya tumakbo ako papunta sa loob ng school at nakita kong may mga estudyante na may mga banner na dala at may tatlong itim na sasakyan mukhang ngayon ko palang ito nakita. Lumapit ako doon ang daming estudyante ha.
'Omy gosh! Di ako makapaniwala dito siya mag aaral!'
'Oo nga sana kaklase natin siya.'
At biglang may lumabas na isang lalaki bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Hanggang sa nagtutulakan na at nawala ng balanse ang mga paa ko kaya ayun ako ngayon ang natumba.
"Aray naman mag iingat naman kayo!" Sabi ko at tumayo na at nagpagpag ng napansin kong tahimik ang mga students.
At doon ko narealize nasa harapan ko pala ang lalaking pinagtitilian ng mga ito. At nakatingin lang ito saakin ng malamig. At sa kanya ko rin naramdaman ang malakas na aurang kanina ko pa nararamdaman.
Nang macomplete ng pagkaloading ko agad akong napakurap para kasi niya akong kinakain ng mga tingin niya.
"Ay! Pasensya na nasira ko ang red carpet walk mo. Si-sige babye!" Sabi ko at tumakbo na napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa ginawa ko nakakahiya.
Artista ba yun? Di ko man lang siya namukhaan... kung hindi baka anak siya ng sikat na congresman ba ngayon o mayor o president. Teka ano ba tong iniisip ko?
Narealized ko na dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Hay mabuti natakbo ko ito 5th floor kaya ang tinakbo ko.
Inilagay ko ang bag ko sa isang bench doon at tumingin sa boung lugar at napabuntong hininga.
Hinawakan ko ang aking kwintas at tumingin sa malayo.
"Papa, Mama... saan ko ba kayo makikita? Bakit niyo ko iniwan noon sa pinto nila Tita silvia? Namili sana kayo ng mas mabait pa sa kanila. Hay... pero ganito na talaga ang nangyari kaya challenge accepted nalang ako kapalaran ko na ito. Sana sa debut ko ang tanging hiling ko lang ay ang makita ko kayo at makasama." Sabi ko nang may lumapad na colorful na butterfly.
"Eh? Wow ang ganda! Ngayon lang ako makakita ng colorful na butterfly." Hahawakan ko sana ng makaramdam ako ng malakas na aura sa likod ko at pagtingin ko sa butterfly nawala na. Hala saan yun pumunta?
Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko siya at mismong kaharap ko siya ngayon. Paano... teka di ko narinig ang footsteps niya di kaya.
"Na-nagteleport ka ba?" Kinakabahan kong sabi. Napakunot ang noo niya.
Mukhang di siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Kung ganun... Kaibigan mo ba si Casper the ghost o Kaibigan mo si Kim Shin na Goblin o yung kaibigan niya na Grim Reaper o di kaya~" nanlaki ang mata ko nang hinalikan niya ako sa labi mismo. Teka nanghihina ang katawan ko! Parang hinihigop niya ako at tinutulak ko siya ng hawakan niya ang leeg ko na mas lalong kinalaki ng mga mata ko kaya ayun sinuntok ko.
Nagulat siya sa ginawa ko eh sa ayaw kong hawakan niya ang leeg ko nakikiliti kasi ako. Napahawak ako sa labi ko... my precious first kiss.
"How dare you to punch my face!" Hala halimaw na siya siya siguro ang Beast sa Beauty and the Beast. Aish! Yan kasi ang hilig mo sa pelikula kaya napupunta dito ang storya na toh.
"Eh kasi... hinalikan mo ko at hinawakan mo ang leeg ko... TEKA BAKIT BA AKO NAGPAPALIWANAG! KASALANAN MO ITO KAYA IKAW ANG PAGBABAYARIN KO! WALANG HIYA KA KINUHA MO ANG VERY IMPORTANT KISS KO! Sa future husband ko pa naman yun ibibigay. Aish!!" Tiningnan lang niya ako ng malamig at lumapit saakin napalunok namam ako.
"Anong gagawin mo?" Napaatras ako ng macorner niya ako. At palapit ng palapit ang mukha ko kaya napapikit ako at bigla nalang niya akong binitawan kaya napatumba ako pero di matigas ang natumbahan ko kundi Sofa?
Teka nagteleport uli kami?
Napatingin ako sa opisina niya sa kanya ba toh?
Napaupo naman siya sa sofa nito at nagdekwatro.
"Your the only girl na sumampal saakin... di mo ba kilala kung sino ako?" Nanigas ako sa kinauupuan ko.
Hala sino ba siya?
"Pwes... magpapakilala ako. I'm Prince Phoenix Veneralla." Nanlaki ang mata ko Prince? Pangalan ba yun o isa talaga siyang prince?
"In your question... I'm a true Prince, Miss Wilson."
Ang masasabi ko nalang ay...
'I'm dead.'
******
LMCD