|CHAPTER ONE|
HINANG-HINA ako pagkatapos. Hindi agad makuha ng isip ko ang nangyari kanina.
Hindi ako makaimik hanggang sa umalis siya habang may metal parin na kumukulong saakin.
Sunod-sunod na luha ang bumalisbis sa aking mukha.
Ang dating sakit na iginawad niya saakin noon ay muling nanumbalik.
Muling nanumbalik ang mga alaala naming dalawa noon.
Mula sa panliligaw niya saakin, sa mga buwan na nagkaroon kami ng relasyon. Hanggang sa araw na nahuli ko siyang pinagtataksilan ako.
Alam kong sa mga oras na 'to ay mugto ang aking mga mata sa kakaiyak.
Kahit ang lamig na bumabalot saaking katawan ay hindi ko na halos mapansin dahil sa kakaisip sa mga nangyari.
Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon.
Walang emosyon ang kaniyang mukha habang naglalakad papalapit saakin na may dalang mga damit.
Kahit ang pagdating niya ay hindi parin pumigil sa pamamalisbis ng mga luha ko.
Lumapit pa siya saakin kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko at narinig ko nalang ang pagkakawala ng kamay ko mula sa metal na iginapos niya saakin.
Tinanggal niya lahat 'yon at inihagis ang damit sa gilid ng kama.
"Stop crying at magbihis ka." Malamig na boses nitong turan na ikinaangat ko ng tingin patungo sa kaniya.
Tinignan ko siya sa mga mata na may pahiwatig na tama ang mga sinabi niya kanina.
Yes, I hate him.
Galit ako sa kaniya. Sa mga panggagagong ginawa niya saakin noon.
Ni-hindi man lang siya nagparamdam saakin pagkatapos kong tumakbo mula sa kaniya.
"Magbihis ka na." Muli niyang sambit.
"G-gusto ko nang umuwi." Mahinang boses kung turan.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Magbihis ka Astherielle." May awtoridad niyang sambit.
"Magbibihis ako kapag pinangako mong pauuwiin mo ako." Matigas na boses kong sagot sa kaniya.
Pilit na nilalabanan ang kaba na namumuo saakin ngayon.
"Damn Astherielle! Magbihis ka na bago ko pa mapag disisyonang angkinin ka ulit!" Napaawang ang aking bibig sa kaniyang sinabi.
Really? Gusto niya pang maging marahas saakin?
Nag-init ang ulo ko sa naisip at nakaramdam ng inis.
"Bakit? Kasi gusto mo na namang maging marahas saakin? Sawa ka na ba sa mga babae mo kaya ako naman ngayon ang babalikan mo para maging parausan?!" Sigaw ko sa kaniya at tumayo.
Hindi ko na halos pinapansin na nakahubad ako sa harap niya.
Pumikit siya at marahas na nagbuga ng hininga.
"Before you shout at me, magbihis ka muna. I'll be back later." Turan nito at agad na tumalikod paalis ng kwarto.
Ako naman ay napatanga sa ginawa niya.
Inis akong napapadyak at pinulot ang mga dala niyang damit 'saka isa-isang sinuot ang mga 'yon.
Ilang minuto akong naghintay habang nakaupo sa kama nang may kumatok mula sa pinto.
Napakunot ang noo ko dahil hindi naman siya kumakatok kapag pumapasok.
Bumukas ang pintoan at pumasok doon ang isang matandang babae na satingin ko'y nasa singkwenta pataas ang edad at may dalang tray.
"Magandang gabi hija. Ako si Elena. Ang tagapag-alaga ng bahay na ito at ni Ashton." Itinaas nito ang tray na dala. "May dala po akong pagkain para po sa hapunan niyo. Utos saakin ni Ashton." Nakangiti nitong turan na nginitian ko rin.
Inilapag nito ang tray sa harap ng kama.
"S-salamat po. A-ako po si Astherielle." Mahinang boses kong pakilala sa kaniya.
Tumango naman siya. "Sige hija. Aalis na ako." Aniya at akmang aalis na sa silid ng tawagin ko siya.
"Bakit hija?" Tanong niya.
"A-ah si A-Ashton po?" Nauutal kong tanong.
Ang sabi niya kasi ay babalik siya. Pero hanggang ngayon ay hindi naman.
Hindi naman sa umaasa talaga ako pero gusto ko nang makaalis dito at lumayo sa kaniya.
Ayoko nang maranasan ulit ang sakit na pinaranas niya saakin noon.
"Nasa baba hija. May tinatawagan. Bakit? Sasabihin ko ba sa kaniyang naghahanap ka para makaakyat siya dito?" Tanong din nito na agad kong ikinailing.
"H-huwag na po. Salamat." Hilaw na ngiti kong turan.
Ngumiti siya ng malapad saakin at tumango. "Sige, aalis na ako." Aniya at tuluyan nang lumabas ng silid.
Napatingin nalang ako sa mga pagkain at sa aking gilid.
Tumayo ako at lumapit sa bintana.
Nang hawiin ko ang kurtina ay malawak na karagatan ang bumungad saakin.
Napaawang na naman ulit ang bibig ko at nagulat.
Nasaan ako?
Saan niya ako dinala?
Ano ba ang plano ng lalakeng 'yon saakin?
Habang tinatanaw ko ang karagatan ay muli na namang bumukas ang pinto at sa pagkakataong ito ay si Ashton na ang pumasok.
Bagong ligo na ito kaya basa ang buhok.
"Kumain ka na?" Tanong nito.
Hindi ako sumagot at muling tinanaw ang dagat.
"Nasaan ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Anong nakikita mo sa labas?" Tanong naman niya pabalik.
"Sagutin mo ako Ashton. Nasaan ako? Saan mo ako dinala?" Naiinis ko nang turan.
Nagkibit balikat siya. "Nakita mo ang dagat sa labas. So it means we're on an Island." Balewalang sagot nito habang ako ay nagulat sa sinabi niya.
"Ano?! Bakit mo ako dinala dito? So ikaw ang kumidnap saakin?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Chill baby." Aniya at isinuot ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.
"Huwag mo akong ma-baby Ashton! Bakit ako nandito?!" Sigaw ko na sa kaniya.
Para namang wala lang sakaniya ang sigaw ko at tumitig saakin atsaka lumapit.
Inilapit niya ang mukha saaking tenga.
"To win you back baby." Sagot nito na nagpatayo ng aking mga balahibo.
Hindi ako makagalaw. Napatanga ako at napatigalgal.
"B-bakit?" Mahinang boses kong tanong sa kaniya.
Ang mukha nito ay ilang dangkal lang saaking mukha.
"Do I need to answer that?" Tanong niya at nagtaas ng kilay.
Dahan-dahan akong tumango.
He smirked then kissed my lips. Pagkatapos niya akong halikan ay hinawakan nito ang aking mukha.
"Because you're mine Astherielle. And you're my property." Mataman nitong sagot na nagpakurap saakin.
"I-I'm not your property..." Mahina ang boses ko ulit na sambit.
He just chuckled. "Believe me baby. Since the day you gave yourself to me. I've already marked you as mine. You are my property. I don't really care if you hate me. I will win you back Astherielle."
_____________