|CHAPTER THIRTEEN| "MOM!" Pasigaw na saway ni Ashton matapos sabihin 'yon ng mommy niya. Pinasadahan ulit ako ng tingin nito. "You have a cheap taste Ashton. Why did you choose this girl over Blythe? Blythe is pretty and rich. And this girl?" Aniya at umiling-iling. "I want her out of my sight now." Turan nito at tinalikuran kami. Naglakad ito papalayo saamin. "Poor you." Napabaling naman ako kay Blythe na biglang nagsalita na may ngisi sa labi niya. "Tita is right. You're cheap." Dagdag pa niya at tumalikod narin para sundan ang mommy ni Ashton. Habang ako ay natulala sa nangyari. Hindi makapaniwalang ganito ang mangyayari sa una naming paghaharap. Nananakit ang dibdib ko at nagbabadya ang mga luha sa mata. "Hey, baby. I'm sorry..." Boses ni Ashton at naramdaman ko ang pagyakap n