CHAPTER SIXTEEN

1036 Words

|CHAPTER SIXTEEN| UMALIS kaagad kami sa ospital at hindi na namin nakaharap pa si Doc David. Si Ashton naman ay nanatili parin ang inis sa mukha na ipinagtataka ko. "Bakit ka ba naiinis diyan?" Tanong ko sa kaniya nang makasakay kami sa kotse nito. Hindi siya sumagot at ini-start ang sasakyan. "What happened to you? Ba't ka nasa ospital na 'yon?" Aniya nang umandar ang kotse at nagsimula siyang magmaneho. Hindi pala siya sinabihan ni Doc? Hindi niya pa alam ang dahilan? Para akong nakahinga ng maluwag sa isiping hindi niya pa alam. Gusto ko kasing ako mismo ang magsabi sa tamang oras. Itinuon ko ang tingin sa daan at sa mga taong naglalakad. "A-Ah nahimatay kasi ako kanina..." Pagsisinungaling ko. "Next time, be careful and don't you ever talk with that doctor again!" Tiim-bagang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD