NGUMISI si Gael nang marinig nito ang pagtawag ni Tallulah ng Kuya sa binata. Hindi na ito nagulat at tanging ang makahulugang tingin ang pinukol nito sa kaniya. "I know it's you, Tallulah Lopez! I won't never forget you and all the things you've done to me." Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng galit at poot. Tumalim iyon na nagbigay sa kaniya ng takot. "Tapos na ang pagpapanggap, Tallulah dahil kahit hindi kita nakikita at kahit hindi ka magpakilala sa akin, kilala kita." Suminghap ito at sarkastikong ngumiti. "Sa tingin mo ba hindi kita makilala? Hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!" madiin nitong sambit na nangangalit ang mga ngipin. Mahigpit na napahawak siya sa laylayan ng kaniyang suot na damit. Binalot siya ng kaba at takot sa pwedeng gawin ni Gael