"WHETHER you like it or not, Gael you should take your responsibility to my daughter," malumanay pero may diing sabi ni Gilberto sa binata habang kaharap ito at ang pamilya ni Tallulah.
"Gilberto is right, hijo hindi ka na bata kaya alam mo ang responsibility at ang consequence sa ginawa mong action. You're matured enough to understand everything," segunda naman ng ina niyang si Caroline.
"Pero Tito, wala akong ginawa. I don't know what happened last night but I know I didn't do anything to her at wala akong gagawin sa anak ninyo. Kahit pa maghubad siya sa harap ko, hindi-hindi ako papatol sa kaniya," balik ni Gael habang magkasalikop ang mga palad nito. Bakas ang frustration sa mukha nito. "Isa pa, I don't love your daughter, parang kapatid na ang turing ko sa kaniya," dagdag pa nito.
Nagkatinginan ang mag-asawa habang nanatili lang siyang nakayuko at pinaglalaruan ang sariling mga kamay. Natatakot siyang baka walang magawa ang mga magulang niya at tuluyang iwan siya ni Gael.
"H-hindi ako lasing that night Kuya Gael kaya alam kong may nangyari sa ating dalawa. I still feel the pain right now at alam kong dahil 'yon—"
"Tali, please stop," saway ni Caroline sa kaniya.
"But Mom, nagsasabi ako ng totoo kahit pa magpa-medical tayo, may nangyari sa amin ni Kuya Gael and he should take his responsibility. Hindi ako papayag na iwan niya ako pagkatapos niyon," nababahalang katuwiran niya.
Napasinghap si Gael at nasapo ang noo. Bahagyang itong kumiling. "Ok fine, may nangyari sa atin pero alam mong aksidente iyon. I was drunk and you're not pero bakit wala kang ginawa para pigilan ako, Tallulah?" baling nito sa kaniya.
Natigilan siya at hindi agad nakasagot dahil alam niyang sinadya niyang hindi ito pigilan. Yumuko siya saglit. "D-dahil mahal kita Kuya Gael. I really love you at gusto kong magpakasal sa iyo," diretsang sabi niya.
"Tali, ano bang sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?" nababahalang saway ni Caroline habang bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "Mahiya ka naman! Babae kang tao and you shouldn't talk like that," saway pa nito.
"Pero, Mom mahal ko si Kuya Gael at wala akong ibang lalaking gustong pakasalan," giit niya.
Napasimangot si Gilberto at saglit na napayuko dahil sa sinasabi ng anak nito. Maging ito'y nagulat at nabahala. "Are you out of your mind, Tallulah? You should act as a decent and respectable woman. Hindi babae ang naghahabol at nag-aalok ng kasal sa isang lalaki."
"Look, Tito kay Tallulah na mismo nanggaling na ginusto niya ang nangyari kahit kaya niyang pigilan iyon. I'm not the one who's responsible for this, it's her responsibility dahil hindi naman 'to mangyayari kung una pa lang hindi niya hinayaan," dahilan ni Gael.
Natahimik ang pamilya niya dahil alam ng mga ito ang punto ni Gael at ang ugat ng lahat ng nangyari.
"P-pero, Dad I tried to stop him pero malakas siya—"
"Shut up, Tallulah!" saway ni Gilberto na ikinagulat niya dahil napataas ang boses nito. Bumuntong-hininga ito at hinarap si Gael. "I'm sorry, hijo sa nangyari but now I understand everything. I'm sorry, pwede ka nang umalis," malumanay nitong wika sa binata.
Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata. "D-Dad, no! H-hindi pwedeng hindi ako panagutan ni Kuya Gael, dapat niya akong pakasalan sa gusto at sa ayaw niya," nababahala niyang sagot.
"Tali, stop this please," malumanay na saway ni Caroline sa kaniya.
Tumango si Gael. "Sige po, Tito thank you!" Tumayo na ito na bakas ang ginhawa sa mukha.
Nang humakbang na ito, mabilis siyang tumayo at hinabol ang binata. Niyakap niya ito mula sa likod. "Kuya Gael, please marry me! Pakasalan mo ako dahil wala akong ibang lalaking gustong pakasalan. I really love you! Please marry me! Gagawin ko lahat...g-gagawin ko lahat ng gusto mo para lang mahalin mo ako. Magiging mabuting asawa ako. Gagawin ko lahat ng gawaing bahay, mag-aaral akong magluto, aalagaan kita at mamahalin, pakasalan mo lang ako. Please! Nagmamakaawa ako!" pagmamakaawa niya sa binata na halos lumuhod na siya.
Hindi niya kayang tanggapin na hindi siya nito pananagutan sa nangyari. Hindi niya alam kung paanong mabuhay na wala ang binata. Wala siyang ibang gusto kung 'di ang maikasal kay Gael at mabuhay na kasama ito. Hindi niya nakikita ang sarili niya na ikakasal sa ibang lalaki.
"Tallulah, itigil mo na 'to!" Marahas nitong inalis ang braso niyang nakapulupot sa katawan nito. Dahil sa lakas niyon napaatras siya.
Nagmamakaawang tiningnan niya ang gwapong si Gael. Wala man lang siyang makitang konting awa o pagmamahal sa mukha nito. Galit ang nandoon.
"Sa tingin mo may lalaking gugustuhin ang ginagawa mo? Mahiya ka naman, huwag na lang sa akin pero sa pamilaya at sarili mo na lang. Don't ruin your life just for me. Maraming lalaki diyan na pwedeng mong mahalin and it's not me dahil kahit ano'ng gawin mo, hindi kita mamahalin," galit nitong sabi na may diin sa huling mga salita.
Sa likod niya'y nakatingin ang mag-asawa na nababahala para sa kaniya pero alam ng mga ito na hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya.
Umiling-iling siya. "No, Kuya Gael! Wala akong ibang lalaking mamahalin kung 'di ikaw lang! Hindi ko alam kung paano magmahal ng iba dahil ikaw lang ang alam kong kaya kong mahalin. Please, marry me! Pakasalan mo ako kahit hindi mo ako mahal dahil baka...b-baka kapag mag-asawa na tayo, matutunan mo rin kung paano ako mahalin." Naramdaman niya ang luhang lumandas sa pisngi niya. "D-dahil gagawin ko lahat para lang mahalin mo ako."
Nasapo ni Gael ang noo nito at bahagyang napakiling. Ngumisi ito. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Ganiyan ka na ba talaga kadesperada para ibaba mo ang p********e mo sa akin? You should know your worth as woman, Tallulah at hindi mo dapat ginagawa ito."
"Wala akong pakialam sa dignidad o p********e ko, Kuya Gael. Wala akong pakialam kung sa tingin mo desperada ako, kung mababa ang tingin mo sa akin. Wala na akong pakialam doon dahil kahit ano kaya kong gawin para lang mahalin mo ako." Nagpatuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata niya dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya. Wala man lang siyang maramdamang konting pagmamahal mula sa binata.
"Tali, stop!" Hindi na nakapagpigil si Caroline, nilapitan na nito ang anak at sinaway. "Please, don't do this, anak! Hindi mo 'to dapat ginagawa. Hindi mo kailangang ibaba ang p********e mo para lang sa isang lalaki. You're a gems! You should know your worth para malaman mong hindi tama ang ginagawa mo. You're gone to far, anak please, stop this," paalala ng kaniyang ina.
"I'm sorry, Tita, Tito pero hindi ko po kayang mahalin ang anak ninyo." Tumalikod na si Gael at naglakad palabas ng mansyon ng mga Lopez.
"K-Kuya Gael! Kuya Gael!" sigaw niya sa pangalan nito. Pinigilan siya ni Caroline nang akmang hahabulin pa niya ang binata. "Kuya Gael, please don't leave me! H-huwag mo akong iwan, h-hindi ko kaya." Humagulhol na pag-iyak niya.
"Tallulah, stop!" narinig niyang sigaw ni Gilberto na bakas ang galit sa tono nito. "Alam mo bang kahihiyan ang ginagawa mo, hindi lang sa sarili mo kung 'di maging sa pamilya natin. Hindi ka namin pinalaki, pinaaral sa magandang university para lang ibaba mo ang sarili mo, ang p********e mo. Nakakahiya ka, Tallulah! Binigay mo ang sarili mo sa lalaking hindi ka mahal 'tapos maghahabol ka at iiyak? You should blame yourself kung bakit nasasaktan ka!" galit nitong sermon habang nasa harap niya. Hindi naman lingid sa pamilya niya ang labis na pagkagusto niya sa binata.
"Hon, tama na, huwag mo nang pagal—"
"Iyan! That's the reason why she's like that, Caroline. Masyado mong ini-spoil ang anak mo. Masyado mong kinakampihan lahat ng kalokuhang ginagawa niyan kaya akala niya, lahat ng gusto niyang gawin, tama," putol ni Gilberto.
"P-pero, Dad mahal ko po si Kuya—"
"Damn that love, Tallulah! Ano'ng magagawa ng pagmamahal mo para kay Gael? Obviously that's not love, hindi pagmamahal ang nararamdaman mo, obsession 'yan na kailangan mong tigilan. Pagmamahal bang matatawag iyan, na ang sarili mong pagkatao ibinaba mo at nilagay mo sa kahihiyan? Tallulah, mag-isip ka! You're not a kid anymore, malaki ka na at alam mo na ang tama at hindi tama. Pag-isipan mo lahat ng ginawa mo dahil hindi kita susuportahan sa katangahan mo sa isang lalaki." Pagkasabi niyo'y umalis na ang kaniyang ama at iniwan siya.
Naiwan siyang umiiyak. Kahit ano'ng sabihin ng mga tao sa paligid niya, hindi niyon kayang baguhin ang pagmamahal niya para kay Gael. Kahit paulit-ulit siya nitong saktan, hindi pa rin siya bibitaw hanggang sa makuha niya ito. Magiging manhid din siya sa lahat ng masasakit na salitang ibabato nito sa kaniya.
Mabilis niyang niyakap ang kaniyang ina habang humahagulhol. Hindi niya kayang iwan si Gael dahil mahal na mahal niya ito. Mababaliw siya.
"I love him so much, Mom and I will do everything para lang pakasalan niya ako."