NAIHILAMOS ni Tallulah ang mga palad sa kaniyang mukha nang makalabas siya sa silid ni Gael. Habang kasama niya ito, pakiramdam niya'y nasa hot seat siya na ano mang sandali'y iiyak na lang siya dahil sa nararamdaman niyang sakit at konsensiya. Mahirap para sa kaniya na makita kung gaano kahirap para rito ang naging sitwasyon nito, na siya ang dahilan. "Hey! You ok? You look so stressed." Napapitlag siya nang marinig ang boses ng isang lalaki. Umayos siya ng tayo at nag-angat ng tingin dito. Kumunot ang noo niya nang tumambad sa kaniya ang kasama ni Gael nang nakaraang araw. Inalala niya ang pangalan nito. "Y-you're Hiro, right?" tanong niya. Ngumiti ito. Saglit itong yumuko habang nakapamulsa. "Ow! I'm glad you still recognize my name." Napakamot ito sa noo. "Ok ka lang ba talaga, T-Ta