Alexandra Chen Naglalakad kami ngayon papasok sa simbahan, magkahawak kamay tulad ng ibang magnobyo. Mababakas sa mukha namin ang kasiyahan. Ngayon ko lamang naranasan ang ganito kasaya, pakiramdam ko ay ako ang pinaka espesyal na babae. Dumaretso kami sa may altar ng simbahan, tutal wala namang tao rito. "Lord salamat." nakangiting sambit ni Alexis. Napangiti nalang ako. Sa simpleng katagang iyon ay nawala ang lahat ng galit sa puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya, at ngayon ko lang din naramdaman ang tunay na kasiyahan na 'to. Napaka sarap sa pakiramdam. "Alexis" tawag ko sakanya kaya humarap ito sa 'kin. "Mahal na mahal kita" nahihiya man ay nasabi ko nang may sinserong tono, bahagya niyang pinisil ang ilong ko. "Mas mahal