Alexandra Chen "Kyaahh! Nakakakilig naman!" "Sana ako din magkaboyfriend ng ganyan" Iyan yung maririnig mo pagkatapos nung ginawa ni Alexis. Kahit na sobra akong nahihiya kanina pakiramdam ko lumuwag ang pakiramdam ko,sobra akong natuwa at kinilig. Sino ba naman ang hindi kikiligin dun din diba? Yung asawa mo na sukdulan ang kagwapuhan tapos gagawan ka pa ng ganun. Sakto at uwian na. Nasaan kaya yun? Pagkatapos nilang kumanta hindi ko pa siya nakakasama. Nagtext lang siya at may aasikasuhin daw sandali. Ano to? Uuwi na naman akong mag-isa? Habang naglalakad ako sa corridor pakiramdam ko may sumusunod sakin. Lumingon ako sa likod pero wala naman tao. Maya-maya biglang may humawak sa braso ko. "Cholo?" Ngumiti lang ito.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books