Chapter 3

849 Words
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Nakakunot ang noong tanong ni Prince sa kaibigang si Rex. Si Rex ang kasalukuyang presidente ng Student Council dito sa Green Wood University at si Rex naman ang isa sa mga peace and order officer niya. Hindi naman mahihilig sa obligasyon ang mga mayayamang estudyante kaya sa kanilang mga iskolar napupunta ang mga ganitong pagkakataon. Simula first year college ay magkaibigan na silang dalawa. Magkaklase sila sa kursong Marine Engineering. Dahil hindi rin naman siya mahilig makipagbarkada kaya ito lang ang nag-iisa niyang kaibigan. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero talagang guwapo si Prince. Kinaiilagan lang siya ng mga babae dahil sa pagiging suplado.Paraan niya iyon para makapag-focus sa pag-aaral. Ayaw kasi niyang sayangin ang scholarship na nakuha niya noong gumradweyt siya sa high school bilang class valedictorian. Iyon na lang kasi ang tanging pag-asa niya para makatapos sa pag-aaral. Pangarap din ni Prince ang gumradweyt bilang suma c*m laude para hindi na siya mahirapang maghanap ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo. Gusto kasi niyang maiahon sa kahirapan ang mga magulang. Isang mangingisda lang ang kaniyang ama at simpleng maybahay naman ang kaniyang ina. At hindi iyon naging sapat para mapaaral siya sa kolehiyo kaya nagsusumikap si Prince na igapang ang sarili. Dahil hindi naman lahat ng gastusin sa school ay sakop ng scholarship niya 'tulad ng miscellaneous, mga libro, projects at kung ano-ano pa kaya kinailangan pa rin ni Prince ang kumayod. Ang allowance kasi na nakukuha niya buwan-buwan ay siyang pinapambayad niya sa boarding house at panggastos niya araw-araw. Gusto niya na kahit nag-aaral ay makakatulong pa rin siya sa mga magulang. Kaya sa mga bakante niyang oras ay nagta-trabaho siya bilang student assistant. Minsan sa library o di kaya ay sa computer laboratory siya naka-assign. Sa gabi naman ay nagtatrabaho siya bilang waiter sa isang restawrant. At ang kinikita niya dito ang siyang pinapadala niya sa mga magulang. Ganito ka-hectic ang schedules ni Prince kaya wala na siya halos panahon para maglibang at atupagin ang mga bagay na sa tingin niya ay hindi na mahalaga 'tulad ng pag-ibig. Hangga't maaari ay pinipigilan niyang tumibok ang kaniyang puso pagdating sa babae. "Pero sa tingin mo ano kaya ang dahilan ng Castle na 'yon at bigla na lang nagpapansin sa'yo kanina?" Napasinghap si Prince nang muling magsalita si Rex. At ang babaeng tinutukoy nito ay si Castle de Ayala. Isa ito sa mga tinaguriang prinsesa ng GWU dahil sa taglay na kagandahan at kasikatan. Unang pasok pa lang dito ni Prince ay crush na niya ang dalaga. Ito kasi ang unang diyosa na nahagip ng kaniyang mga mata. Pinakauna niya itong nakita sa parking lot. Simula noon ay hindi na naalis sa isip ni Prince ang maganda nitong mukha kahit pa dinedma lang siya nito. Ngunit kailangan niyang pigilin ang paghanga niya kay Castle dahil sa daming hadlang. Una, langit at lupa ang pagitan nila. Pangalawa, prayoridad niya ang kaniyang pag-aaral. Pangatlo at pinakahigit sa lahat, wala nga siyang panahon para sa pag-ibig. Pilit na lang niyang itinatatak sa kaniyang isipan na hindi ito ang nararapat na babae para sa kaniya dahil sa pagiging sosyalera nito, bulakbol at brat. "Mukhang affected ka sa kaniya kanina, Prince." May bahid ng panunudyo ang boses ni Rex."Crush mo pa rin siya, 'no?" "Hindi, ah!" Maagap na sagot ng binata. "Hindi daw. Eh, bakit pulang-pula ka kanina habang tinitingnan siya?" Giit ng kaibigan. "Gago!" Pabiro niya itong hinampas ng libro sa ulo. "Sadyang gentleman lang talaga ako! Paano pa ako magka-crush sa kaniya kung mismong harap-harapan ko na napatunayan kung gaano kasama ang ugali niya." "Sabagay." Sa wakas ay pagsang-ayon ni Rex. "Tawagin ba naman niya akong ugly nerd at kutong-lupa." Natawa si Prince sa narinig. Kanina pa sumasama ang loob nito dahil sa sinabi ni Castle tungkol sa suot niyang uniporme. Kaya ito masikip at bitin sa kaniya ay dahil hiniram lang niya kay Rex, na mas maliit kaysa kaniya. Nang talsikan kasi siya ni Castle kanina ay bumalik pa siya ng boarding house para maligo. Malapit lang naman kasi dito sa school ang tinutuluyan ni Prince. Pero dahil nag-iisa lang naman ang uniporme niya kaya kinailangan niyang manghiram sa kaibigan. "Nakakatameme pa naman talaga ang kagandahan niya."Dugtong pa ni Rex."Iyong tipong ang hirap isnabin." "Naku, huwag kang magpadala sa ganda ng babaeng 'yon. Siguradong may binabalak lang 'yong masama kaya tayo nilapitan kanina." Gigil na saad ni Prince. "Dimaano!" Napatingin sa kanan ang binata nang tawagin siya ng kanilang mga mayayamang kaklase."Sama naman kayo sa gimik namin mamaya." "Salamat na lang, Santos." Sa kanilang mga Marino ay required talaga na mga apelyido ang itawag nila sa isa't-isa. Puwera na lang kung sila-sila na lang na magkakaibigan ang magkakaharap. "Pero kailangan na naming maghanda para sa darating na exam." "Huwag mo ng yayain 'yan, dude. Alam mo namang walang pera ang mga 'yan, eh." Pang-iinsulto pa ng isa nilang kaklase. Napabuntong-hininga na lang si Prince nang makaalis ang mga kaklase. Nagiging tampulan sila minsan ng tukso dahil sa pagiging mahirap nila. Pero hindi sila nagagalit-lalo na siya-dahil hindi niya ikinakahiya ang estado niya sa buhay. Ginagawa na lang niyang inspirasyon ang pangmamaliit sa kanila para lalong magsipag sa pag-aaral at tuparin ang mga pangarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD