Lalong nadagdagan ang sama ng loob ng dalaga nang sumunod na mga araw ay nalaman ng kaniyang mga magulang ang pagkakadampot sa kanila noon ng mga pulis. "Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko kapag nalaman nilang troublemaker ang anak ko, ha? Castle?" Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa ang panenermon nito sa kaniya. Dahil kahit papaano, sa wakas, ay napansin na rin siya ng ina. "Na hindi sana mangyayari kung binabantayan mo 'yang anak natin kaysa puro pagka-casino ang inaatupag mo!" Pagtatanggol sa kaniya ng ama na noo'y kadarating lamang galing trabaho. "Why do you always put the blame me on me, Arsenio?!" "Because it's your obligation to take good care of her! Ikaw ang ina kaya dapat lang na alam mo lahat ng problema dito sa bahay." Napapitlag si Castle nang damputin n