Chapter 7

1290 Words
DAHLIA POV : "Anong ginagawa mo rito?" Malakas na sabi ko sa kanya. Ang kapal naman ng mukha niya para magpakita sa akin. "I'm sorry. Please, forgive me, Dahlia. Mahal na mahal kita. . ." Napanganga ako sa sinabi niya at tinignan siya nang masama. Umiling ako rito, "alam mo, Rome, umalis ka na lang. Nakakahiya, oh? Ang daming tao rito. Kung sanay ka sa mga eskandalo, ibahin mo ko." Malumanay na sabi ko rito kahit gusto ko na siyang murahin at hampasin. Nagtitimpi lang talaga ako dahil ayokong mag-eskandalo rito. Umiling ito sa akin, "one last chance, Dahlia. I'll promise hindi ko na uulitin. Balikan mo lang ako." Napatawa na ako sa sinabi niya, "once last chance, Rome? Seriously? Ilang chance na ba binigay ko sayo ha? Sobrang dami na nu'n, alam mo 'wag mo kong guluhin, guluhin mo iyong mga babae mo!" Ani ko rito at binangga siya. Ayoko na tumagal sa loob, nakaka-suffocate lang at nawalan na rin ako ng gana. Napahinto ako ng may humawak sa braso ko. Hindi pa rin niya ma-gets na ayoko na sa kanya. Inagaw ko ang braso ko at masama siyang tinignan, "ano pa gusto mo, Rome? P'wede ba lubayan mo ko! Please lang!" Malakas na sabi ko rito. Walang gaanong tao sa labas ng Padis kaya okay lang na magsisigaw na ako rito. Nakita kong lumabas na rin si Thana kasama iyong dalawa. "Bakit, Rome? Wala ka na naman ba mabingwit ha? Magpunta ka sa mga bar, marami roon! Kaya 'wag mo kong bwisitin!" Nilalabas ko na lahat ng sama ng loob ko rito. "Girl, tara na? Ituloy na lang natin sa bahay 'to." Pagpapahinahon sa akin ni Thana. "D-dahlia. . . Magpapaliwanag ako. Please, pakinggan mo ko. . ." Nanginginig ang kanyang boses. Magsasalita na sana ulit ako ng humarang si Thunder sa harapan ko. "Get lost. Are you deaf? Lubayan mo si Dahlia." Napa-angat ako ng tingin kay Thunder. Likod lang niya ang nakikita ko pero ang boses niya. Nakakatakot ang boses niya. "T-thunder. . ." Napakunot ako ng noo kay Rome, kilala niya ang bagong bodyguard ko? "T-tara na, D. Mauna na tayo, bahala na si Thunder kay Rome. Come on." Inaakay na ako ni Thana papunta sa parking pero tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Kilala mo siya?" Pagtatanong ko kay Rome. Never kong sinabi ang pangalan ni Thunder, at alam kong ngayon niya lang nakita si Thunder. Humakbang siya palayo kay Thunder, "he's T-thunder Villegas. . ." Nanginginig na sagot nito sa akin at tinuro si Thunder. Napakurap ako sa sinabi niya, "Thunder Villegas?" Tumango ito sa akin. Lumingon ako kay Thana na napakagat ng labi at yumuko sa akin. "Kilala mo rin siya, Thana?" Pagtatanong ko rito at tinuro si Thunder. Dahan-dahan siyang tumango sa akin, "he's my brother, D. . ." "W-what? S-siya iyong kuya mo? A-akala ko ba nasa ibang bansa siya?" Napamaang ako sa natuklasan ko habang salitan silang tinignan. Never ko pang nakita ang kuya ni Thana. Lagi niyang sinasabi na nasa ibang bansa ito at inaasikaso ang business nila abroad. Once in a year lang daw ito umuuwi sa Philippines. "Oo nga naman, V-villegas siya. D-don't tell me alam din nila Dad?" Walang sumagot sa tanong ko. I chuckled and umiling sa kanila, "seriously? Kaya ba agad-agad kang nilagay sa p'westo na iyan? Niloloko niyo lang ba ako?" Iritang sabi ko sa kanila. Nilingon ko si Thunder, "a-anong pakay mo sa akin, ha?" Nanginginig na ang buong katawan ko. Nanginginig ako sa galit dahil sa kanila. Nilapitan ko si Thana at hinawakan ang kanyang braso, "b-bakit hindi mo sinabi? A-akala ko ba mag-bestfriend tayo? Bakit hindi mo nagawang sabihin sa akin, Thana?" Sabay niyugyog siya. Narinig ko ang kanyang mahinang hikbi habang patuloy ko pa rin siyang niyuyugyog. "I-i'm s-sorry, D. . ." Ani nito sa akin habang mahina pa ring umiiyak. Binitawan ko si Thana at hinarap si Thunder na walang ekspresyon ang mukha habang nakatingin kay Rome. "Oh my gosh! Kung hindi pa dahil dito? Hindi ko malalaman ang tungkol sa'yo!" Galit na sabi ko rito at dinuro siya! Lumingon ito sa akin, "may rason ako. . ." Napatawa ako sa sinabi niya, "may rason ka? Sige, sabihin mo sa akin, Thunder? Ipaliwanag mo sa akin niyang rason mo!" Tumataas na ang boses ko, nanginginig na rin ako. Hindi ko alam na pati sila Dad alam ang tungkol sa kanya. Naghintay ako na magsalita siya pero umangat lang ang kanyang bibig at tumikom ulit ito. Napabuntong-hininga ako sa kanya at napailing, "ayaw mong sabihin?" Kinagat ko ang aking ibang labi at tumingin kay Thana. Umiiyak pa rin siya at hindi makatingin sa akin, "ikaw, Thana? Baka alam mo ang tungkol sa rason niya?" Sabay turo ko rito sa kapatid niya, "magkapatid kayong dalawa kaya paniguradong alam mo ang rason na sinasabi niya!" Agad itong umiling sa akin. "So! Walang magsasabi sa akin? Ayaw niyo. . . Ayaw niyong magsalita?" Bakas sa mukha ko ang pagkairita sa kanila. Idamay mo pa itong si Rome. Napailing ako sa kanila at saka tumakbo para pumara ng taxi pauwi sa amin. Paniguradong hindi ibibigay ni Thunder ang susi ng sasakyan. Magmamanigas ang isang niyon. "Manang, nandito na po ba sila Daddy?" Nang makarating sa bahay agad ko hinanap si Dad. Kung hindi ko makuha ang rason na sinasabi ni Thunder, sa kanya ko kukunin ang sagot para roon. "Nasa office room po niya, Ma'am Dahlia. . ." Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin, pinuntahan ko si Dad sa office room pagkabukas ko nandoon siya habang may binabasa sa kanyang laptop. "Daddy!" Sabay malakas na pagsarado ko ng kanyang pinto. Nag-angat siya ng tingin sa akin at binaba ang kanyang reading glass, "what happened to you, Dahlia?" Kinakagat ko ang aking ibabang labi habang palakad-lakad sa harapan niya, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, kung paano ako magtatanong sa kanya. "Ano bang nangyayari sa'yo, Dahlia? Maupo ka nga't nahihilo ako sa palakad-lakad mo sa harapan ko." Huminga muna ako nang malalim at saka humarap sa kanya. "Dad, bakit nag-apply si Thunder bilang bodyguard ko?" Umpisa ko rito. Gusto kong malaman kung bakit, mayaman na angkan ang pamilya nila Thana, at, lalong mayaman ang kuya niya dahil sa paglago ng negosyong tinayo nito. "Dahil nangangailangan siya ng trabaho, Dahlia." Ani nito kaya napatawa ako sa sagot niya. "Dad! Alam ko na ang tungkol kay Thunder! Kilala ko na siya! Siya si Thunder Villegas, kaya ang tinatanong ko kung bakit siya nag-apply bilang bodyguard ko kung mayaman naman siya!" Bumakas sa kanya ang gulat, "p-paano mo nalaman, Dahlia?" I chuckled, "so, totoo nga? Alam niyo nga rin? Sino pa may alam Dad? Si Mom or baka si Kuya?" Hindi siya umimik sa tanong ko, "dad. . . Bakit siya nag-apply bilang bodyguard ko? Gusto kong malaman ang totoo! Please. . ." Lumuhod na ako kay Daddy, desperado na akong malaman ang tungkol doon. Bakit siya magta-tiyaga bilang bodyguard ko? Kung kumikita naman siya ng milyon-milyo sa company niya. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa akin, "nasa kasagsagan ako ng pulong ng tawagin ako ng aking secretary, may nais daw kumausap sa akin. Hindi ako nag-aksayang puntahan ito ang inaasahan ko baka hihingi ng tulong para sa bill ng hospital niya, pambili ng gamot or else maging isa sa mga scholar ng bayang ito. Pero, nakita ko siya, nagkausap kami at sinabi niyang kapatid siya ni Thana, at nag-iisang anak na lalaki ng Tito Rio mo. . ." "Ano pa, Dad? Bakit ka raw niya pinuntahan?" "Ang sabi niya sa akin nagala---" nagulat kami ni Dad ng may nagbukas ng pinto at niluwal nu'n ang hinihingal na si Thunder. "I-i will tell her. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD