bc

If You're Not The One (Music of Love: Series 2)

book_age18+
373
FOLLOW
1.3K
READ
goodgirl
inspirational
drama
tragedy
bxg
heavy
female lead
realistic earth
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

Criselda met an accident. Nagising siyang walang maalala. And there was a handsome korean guy named Lee Namkyun, ang nagpakilalang boyfriend niya umano. Ito at ang kaniyang kapatid na si Dr. Javier De Vera ang nanatili sa kaniyang tabi at tumutulong sa kaniyang mabalik ang ala-ala. Namkyun is a sweet, caring man. So Criselda found herself really in love with him.

Sa mga araw na pinipilit ni Criselda na maalala ang lahat, isang masakit na katotohanan ang matutuklasan niya.

Hindi niya tunay na kasintahan si Lee Namkyun.

Paano niya matatanggap ang lahat kung lubusan na siyang napamahal sa taong inakala niyang parte talaga ng buhay niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Makikitang may isang tricycle na huminto sa labas ng isang bahay na gawa sa kahoy. Isang lalaking fifty six years old ang bumaba sa tricycle at masayang iniabot ang pamasahe nito. "Salamat Fredo. Kontakin na lang kita mamaya kung sakaling matuloy kaming magpahatid bukas sa ospital," ang wika niya sa tricycle driver na mas bata lamang sa kaniya ng limang taon. "Walang problema, Cruzaldo. I'm only one call away," makwela namang sagot ng tricycle driver na hinagod pa ng mga daliri nito ang sariling buhok. Natawa naman nang malakas si Cruzaldo. Kahit kailan ay hindi nabigo si Fredo na mapatawa si Cruzaldo. Magkasundo ang dalawa lalo pa at isang kanto lamang ang pagitan ng mga bahay nila sa isa't-isa. "O, siya, alis na ako at maraming pasahero ngayon. Alam mo na, alam nilang whole day ako sa pasada ngayon kaya tiyak ako ang hinihintay ng mga pasahero lalo na si Uding Sungit," ang paalam ni Fredo bago pumadyak sa tricycle nito. Napatawa namang muli si Cruzaldo. Wala kasing asawa si Fredo sa edad nito. Ngunit alam niyang tinatangi ni Fredo si Uding, ang biyuda na may isang anak na taga kabilang baryo. Ang kaso, suntok sa buwan yatang magustuhan ni Uding si Fredo. Maliit lang na lalaki si Fredo, may kalakihan ang mga mata at mahaba ang baba. Ngunit sikat halos si Fredo sa kanilang lugar dahil kahit maliit lang itong lalaki ay napakagaling naman nito sa larong basketball. Bukod doon, kilala ring maginoo at makwela ang lalaki. "Tigilan mo kasi katatawag mo sa kaniya ng Uding Sungit. Kaya ka lalong hindi pinagpapapansin eh," nagtatawang wika ni Cruzaldo bago pa tuluyang makaalis si Fredo. "Itay!" Napalingon naman si Cruzaldo sa tumawag sa kaniya. Ang nag-iisang anak niyang babae na si Criselda. Marami ang nagsasabi na magkamukhang-magkamukha sila. Ang mga mata nitong malalim kung tumingin ay nakuha sa kaniya pati na rin ang tangos ng ilong nito. Mahaba rin ang mga pilikmata ni Criselda kagaya sa kaniya. May kanipisan ang kilay na bumagay naman sa hugis pusong mukha ng anak. Maging ang manipis at mapula nitong mga labi ay nakuha rin sa kaniya. Tuwang-tuwa pa nga si Criselda dahil hindi na raw nito kailangang mag lipstick kapag may pinupuntahan dahil natural na umano ang pagkapula ng labi nito. "Maaga ka yatang dumating ngayon ah," nakangiting salubong niya sa anak. "Sumakit po kasi nang sobra ang ulo ko kanina kaya minabuti ko pong magpaalam na lang muna. Tatlong oras na lang naman bago matapos ang shift ko at napakiusapan ko naman ang kapalitan ko na maaga nga siyang papasok," ang magalang namang sagot ng anak ni Cruzaldo na bente sais anyos. Nagtatrabaho siya bilang shift manager sa isang fine dining restaurant. Kinuha ni Criselda sa kamay ng ama ang ilan sa mga bitbit nito. Galing kasing palengke ang ama upang bumili ng gamot para sa kaniyang ina. Nilagnat kasi bigla kaninang umaga ang kaniyang ina. Isinabay na rin ni Cruzaldo ang pagbili ng mauulam nila at iba pang pagkain. May malawak at sarili silang bukirin kaya naman may nakukuhaan sila ng panggastos. Mula pa iyon sa mga magulang ng ina ni Criselda. Nag-iisang anak ang kaniyang ina kaya naman solo nitong namana ang bukirin na iyon. "Sinabi ko naman sa inyo, wala lang itong lagnat ko. Naambunan lang talaga ako kahapon. Tingnan niyo at okay na ako," ang bungad naman ni Terry sa mag-ama niyang kapapasok lang halos. Nagngitian na lamang ang mag-ama sa narinig. Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ni Cruzaldo. "Si Javier," ang sambit ni Cruzaldo. Si Javier ay ang panganay na anak ni Cruzaldo. Anak niya ito sa dating kasintahan na hindi niya naman nakatuluyan dahil sa maraming bagay na hindi nila kailanman napagkakasunduan. Alam nina Terry at Criselda ang tungkol dito at maayos naman ang samahan ng dalawang pamilya. Maraming beses na nilang nakasalamuha sina Javier at ang mommy nito. Kagaya na lamang noong grumadweyt si Javier ng highschool at college. Hindi man kasal sina Cruzaldo at ang mommy ni Javier, dala naman ni Javier ang apelyido ng ama. Hindi tulad ni Cruzaldo, ang mommy ni Javier ay hindi na nakapag asawa pa. "May problema ba?" ang nag-aalalang mukha ni Terry nang matapos makipag-usap ni Cruzaldo sa anak na lalaki. Bumuntonghininga si Cruzaldo. "Pinapupunta tayo roon. Kung kaya raw sana bukas, kahit bukas na. At kung puwede rin daw ba tayong mag-stay doon ng kahit isang buwan lamang," wika niya. "Bakit po? Ano pong problema?" ang singit naman ni Criselda. "May sakit daw ang mommy ni Javier," sagot ni Cruzaldo kay Criselda, " may leukemia si Sylvia. At may taning na rin daw ang buhay niya kaya gusto raw ni Sylvia na makasama tayo roon kahit sandali lamang." Hindi kaagad nakapagsalita sina Terry at Criselda. Hindi dahil sa ayaw nilang pumunta kundi dahil nalungkot sila sa balitang iyon. Nagpasya nga ang pamilya na puntahan sa Maynila ang mag-inang Sylvia at Javier. Nagpaalam din ng araw na iyon si Criselda sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Pinagbigyan naman ang isang buwang hiningi niya dahil isa si Criselda sa masisipag na nagtatrabaho roon at wala halos absent o naging problema sa kaniya roon. Kinabukasan ay kaagad ngang lumuwas pa-Maynila ang pamilya nina Criselda. Isang maleta at isa pang malaking bag ang dala nila para sa isang buwang bakasyon. Ang kanilang bukirin ay pansamantalang ibinilin nina Cruzaldo at Terry sa mga pinagkakatiwalaan nilang tao kasama na si Fredo. Makalipas ang limang oras ay nagising si Criselda. Nakatulog kasi ito sa simula pa lamang ng biyahe. "Nasa Maynila na po ba tayo?" pupungas-pungas na lumingon si Criselda sa likuran niya kung saan nakaupo ang kaniyang mga magulang. "Malapit na tayo. Halos isang oras na lang at nasa terminal na tayo. Naroon na rin daw ang Kuya Javier mo," ang nakangiting sagot ni Cruzaldo. Ngumiti naman si Criselda. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya bahagyang inabot ang kamay ng ama mula sa kinauupuan niya. "Ano ba, Criselda. Magkalayo lang tayo ng upuan pero iyang mga titig mo at paabot-abot ng kamay mo akala mo'y hindi magkikita nang matagal," natatawang ismid ni Terry sa anak. "Pabayaan mo na siya. Baka kasi senyales na 'yan na mag-aasawa na siya. Baka sa pagtigil natin kina Javier ay makahanap na siya ng boyfriend niya," wika naman ni Cruzaldo na inabot din ang kamay ni Criselda at ang isang kamay ay inihawak naman sa kamay ni Terry. "Ano ba 'yan, 'tay," nahihiyang sambit ni Criselda dahil napangiti pang napatingin sa kaniya ang lalaking katabi sa upuan. "Malay mo naman," ang hirit pa ni Cruzaldo. "Basta't tatandaan mo, anak, pag-iisipan mong mabuti pagdating sa pag-ibig. Huwag kang padalos-dalos. Pero kung sigurado ka naman talagang siya na nga ang gusto mong makasama, mahalin mo lang ng buong puso. Huwag mong sasayangin ang mga araw kasama siya. Dahil walang permanente sa mundo. Kagaya namin, hindi panghabang buhay kasama mo kami," pagpapangaral naman ni Terry sa anak. Sasagot pa sana ng pabiro si Criselda upang pigilan ang emosyon sa biglang ka-dramahan ng mga magulang nang bigla na lang may bumangga sa bus sa parte kung saan nakaupo ang kaniyang mga magulang. At ang mga sumunod na nangyari ay hindi niya na alam dahil nilamon na rin siya ng kadiliman...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.7K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
29.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook