Kabanata-1: Greyson University

1411 Words
Jenny's Pov Tilaok ng manok ang nagpagising sa akin. Agad akong napabangon at tamad na ininat-inat ang aking katawan. Binuksan ko ang bintana at tumambad sa mukha ko ang sikat ng araw na mataas na. "Late na ako!" taranta kong sabi sabay bangon at nagtatakbo patungong banyo upang maligo. Sino ba naman ang hindi matataranta e, first day off school ko ngayon bilang college students tapos late ako! Mabilisang pagligo lamang ang ginawa ko, at nang matapos ay agad akong nagbihis at tumungo sa kusina upang mag-almusal. Naabutan ko roon sina Inay, Itay at ang nag-iisa kong kapatid na si Enton. Kasalukuyan silang nag-aalmusal. "Nay, naman e! Bakit hindi niyo po ako ginising?" inis na reklamo ko habang iniumang ang gatas sa bibig na tinimpla pa ng tatay ko para sa'kin. Gano'n nila ako kamahal na ultimo gatas ko ay sila pa ang nagtitimpla. Kung ako lang ang masusunod ay mas gusto ko ang kape, pero dahil nga sa kasabihan ng tatay ko na 'uminom ka ng gatas nang buhay mo'y umunlad' ay okay na rin ang gatas sa akin. Ewan ko nga kung saan pinulot ni Itay ang kasabihan niyang iyan. Pero gusto ko ang salitang 'umunlad' dahil iyon ang gusto kong mangyari. Ang umunlad ang buhay namin. "Naku, huwag ka nang magbusangot riyan. Ang aga-aga e, para kang bangus na inasinan." "Itay!" inis kong sabi sa kan'ya. Tinawanan lamang nila akong tatlo kaya lalong humaba ang nguso ko. "Maaga pa naman, anak e. Kalmahan mo lang ha. Masyado kang highblood e." komento ni Inay na lalo ko lang ikinaismid. "Nay naman e! Alam mo namang ang habol ko e, makasakay ng libre kay Mang Karding." Ang tinutukoy ko ay ang mangtitinda ng strawberry sa bayan. Mayroon kasing sasakyan si Mang Karding at puwede akong makisakay sa kan'ya ng libre patungong bayan, dahil doon ang Unibersidad na papasukan ko. "Kumain ka na lang d'yan, 'nak. Nang sa gano'n ay makaalis ka na. Naghihintay sayo sa labas si Karding." wika ni Itay. Hindi pa sana ako maniniwala na nasa labas pa nga si Mang Karding, pero nang silipin ko ito sa bintana ay totoo nga ang sinasabi ni Itay. Kasalukuyang naglalagay ng mga strawberry si Mang Karding sa likod ng sasakyan nito. "Hay salamat!" ani ko. Mabilis kong inubos ang laman ng baso at pinggan. Hindi pa man tuluyang nakababa ang mga kinain ko sa bituka ko ay mabilis na akong tumayo at tinungo ang lababo para mag-tootbrush ng ngipin. "Dahan-dahan naman, Jenny! Itong batang 'to talaga!" suway ni Inay sa akin. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Nagmadali ako sa aking ginagawa at nang matapos ay mabilis pa sa patak ng orasan na lumabas ako ng bahay. Ngunit nang may maalala ako ay muli akong bumalik sa loob ng bahay. "Bye po, Inay, Itay, enton!" aniya ko at isa-isa silang hinalikan sa pisngi. "Akala namin nakalimutan mo na e." natatawa at sabay na sabi nilang tatlo. Iyon pa ba? Naku, hindi ko puwedeng kalimutan ang magic kiss ko. Na para lang sa kanilang tatlo. Greyson University College ang pangalan na nakaukit sa bakal na gate ng paaralang papasukan ko, na ni sa hinagap ay hindi ko inaasahang makatapak rito. Isa lamang ito sa pinakasikat na University sa bansa na ang mga mag-aaral ay mga mayayaman. Laking pasalamat ko dahil nakakuha ako ng scholarship, dahil iyon sa mataas na grado ko. Kaya naman ipinangangako ko sa aking sarili na mas pag-iigihan ko pa ang pag-aaral para naman hindi masayang ang pagkakataon na ito. Sa labas pa lang ng University ay napahanga na agad ako sa taglay nitong laki at ganda. Maraming estudyante na ang naroroon. Sa itsura at porma palang ng mga ito ay masasabi mo talagang anak-mayaman. At ako? Simpleng skinny jeans lang ang suot ko na niregalo pa sa akin ng ninang ko noong nag-graduate ako sa highscool. Simpleng t-shirt na kulay pink na nabili ko lamang sa ukay-ukay, at flat shoes naman ang sapin ko sa paa na tulad sa damit ko ay doon ko rin nabili. Habang naglalakad ako patungo sa hallway ay may iilang kababaihan na masama ang tabas ng mukha habang nakatingin ang mga ito sa akin. Mula ulo, hanggang paa. Naka-arko ang mga kilay. Gano'n sila kung tumingin. Binalewala ko na lang ang mga iyon at nagtuloy-tuloy patungo sa aming silid. "G-good morning, Sir." nahihiya kong bati sa aming professor na kasalukuyan nang nakaupo sa kan'yang silya. Natatabunan ng libro ang mukha nito kaya naman hindi ko iyon nakikita. Pero alam kong lalaki siya dahil sa nakalagay na pangalan niya sa labas ng pinto ng room. Mr. Sandoval. Iyon ang pangalan niya. Ibinaba nito ang hawak na libro saka ako binalingan ng tingin. Ang guwapo... Agad kong iwinaksi sa isipan ang bagay na iyon. Pag-aaral ang pinunta ko rito hindi ang humanga sa aking professor. "You're late, Ms. Delavin." anito sa akin. "P-pasensya na po, Sir." magalang kong paumanhin. Tumango lang ito at itinuro sa akin ang upuan tanda na pinapaupo na niya ako. "May nakaupo ba rito?" tanong ko sa babaeng may malapad na salamin sa mata. "Mukha bang may nakaupo?" supladang sagot nito sa akin na ikinatawa naman ng mga kaklase namin. Napailing na lang ako at naupo sa bakanteng silya na iyon. "Okay, class, quite. Mag-ready kayo dahil meron tayong bisita ngayon. Siya lang naman ang nagmamay-ari nitong University na inaapakan natin ngayon. And guess what, kasama niya ang anak niyang lalaki." wika ng professor namin. Nagbulong-bulongan naman ang ilang kaklase ko. May iba na tila kinikilig pa. "Nakita ko na ang anak ng may-ari nitong University. Naku, ang guwapo niya sobra!" kinikilig na wika ng isang babae. "Oo nga! Gusto ko siyang ligawan!" saad rin ng isa pa na tila naiihi na sa saluwal nito. "As if naman magugustuhan kayo no'n? Tse! Ang papanget niyo kaya!" komento ng isang magandang babae na sopistikada kung tingnan. Nahuli ako nito na tinitingnan siya kaya tinaasan niya ako ng kilay. Napayuko na lang ako at ibinalik ang atensyon sa librong hawak ko. Ngunit muli akong napaangat ng tingin nang magsalita ulit si Sir. "Class, eyes up here." Agad naman kaming napatingin sa harapan. Isang lalaki ang naroon katabi ni Sir. Sa tantiya ko ay nasa forthy plus na ito. Malaking tao at matikas ang katawan, at guwapo. "I want you all to meet, Mr. Greyson. The owner of this university." Nagsitayuan naman kaming lahat at nagbigay paggalang kay Mr. Greyson. "Thank you, Students!" anito sa amin. Kumaway pa ito sa amin. Mabait si Mr. Greyson at mapagmahal sa mga mahihirap. Marami na itong natulungang mag-aaral na hindi kayang pag-aralin ng nga magulang nila. Katulad ko, isa ako sa pinalad na mabigyan niya ng scholarship kaya naman sobra akong nagpapasalamat kay Mr. Greyson. "Study hard, Students. All I want is for you all to finish your studies so that you can reach your goal in life." "Thank you, Mr. Greyson!" wika naming lahat. Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Mr. Greyson. Bi-biyahe pa raw ito patungong U.S kaya naman hindi na ito nagtagal sa university. May mga kaklase akong tila hindi nakontento sa pagbisita ng ginoo. Bakit raw kasi hindi nito kasama ang anak na lalaki. "Ang lalandi." mahinang sabi ng katabi kong babae na may malapad na salamin sa mata. Ang tinutukoy nito ay ang mga kababaihan na nagrereklamo kung bakit hindi kasama ni Mr. Greyson ang anak nito. Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Natawa ka? Malandi ka rin no?" Halos mahulog naman ang mukha ko sa sahig sa itinuran niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay bago ko siya sinagot. "Excuse me? Pag-aaral ang pinunta ko rito hindi ang manglandi. E, ikaw? Ano ang pinunta mo rito? Ang manghusga ng tao?" inis kong sabi sa kan'ya. "Mabuti naman. Heto naman parang hindi na mabiro." natatawang sabi nito na ikinagulat ko pa. "Marunong ka palang tumawa?" aniya ko. Umismid naman ito bago sumagot."Oo naman! Ako pa ba. By the way ako si Joy." nakangiting pakilala niya sa akin sabay abot ng palad niya. Tinanggap ko naman ang pakikipag-kamay niya. "Ang layo naman ng pangalan mo sa aura mo. By the way, ako si Jenny." saad ko naman. Mahina itong natawa,"Don't mind my name. Nice meeting you, Jenny. Bestfriend na tayo ngayon at huwag ka nang tumutol." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sino ba kasi ang mag-aakala na ang babaeng ito na mukhang pasan ang buong daigdig e, may pa-bestfriend na nalalaman. Napailing-iling ako. "Sige na nga. Bestfriends!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD