Nang malaman kong kuya pala ni Suzzete si Lyzander ay tinuldukan ko na ang pagkakaibigan namin. Ayaw ko man gawin ay mas nanaig ang isipan ko kaysa sa puso. Sa isipin na baka malaman ni Lyzander na narito ako sa Palawan dahil kay Suzzete ay pinili ko na lang na hindi na kausapin ang aking kaibigan. Katulad na lang ngayon, aalis na siya maya-maya lang at kanina pa siya tawag nang tawag sa akin mula sa labas ng gate ng bahay na ito, pero sinabihan ko si Nanay Celia na huwag siyang papasukin. "Anak, talaga bang ayaw mo siyang kausapin kahit sa huling pagkakataon na lang ito?" malungkot na tanong sa akin ni Nanay Celia. Napabuntonghininga ako. Hinawi ko pasara ang kurtina kung saan ko tinatanaw si Suzzete, at hinarap ko si Nanay Celia. "Ayoko po. Mas maigi na rin ito 'nay. Hangga't maaga pa