Vian Flora Ignacio’s P.O.V.
My mind is flying away and it dances through the air. I am thinking about what's wrong with me. Why does anyone can't love me? Why does no one can't pursue me?
"Uyy," Xena, my friend, snapped at me.
"Ah?" wala sa sariling tanong ko.
We are here at her restaurant here in Pampanga kung saan kami lumaki.
Ilang taon na ang nakalipas ng matapos kami sa pag aaral. Twenty five na kaming parehas. She owns a restaurant while me, I am a liscensed engineer now.
"Kanina ko pa sinasabi sa'yo na invited ako sa birthday ni Gia," kwento niya.
Si Gia ang nakababatang kapatid ni Briane.
Si Briane ang kanyang asawa. Kasal na sila ng tatlong taon.
"Talaga? E'di babyahe pa niyan kayo papuntang Manila?" tanong ko. Doon kasi nakatira si Gia.
Tumango siya. "Yup. Pinapasabi niya rin pala sa'yo na pumunta ka," abiso niya.
Naging ka-close ko na rin kasi ito. Madalas din namin kasi siyang nakakasama kapag nagbabakasyon siya rito sa Pampanga.
"Ah? Tignan ko muna schedule ko," saad ko. Hindi kasi ako sure kung free ba ako sa day na iyon. Nagtatrabaho kasi ako sa isang firm.
"Whatever, Manang Vian. Magtatampo sa'yo iyon. Isa pa huwag kang masyado magpakalunod sa trabaho. Kaya tuloy hangga ngayon ay wala ka pang nagiging nobyo," she said and glared at me.
Truth to be told, I am "No boyfriend since birth" imagine that ilang taon na ako sa mundo at wala pa ring pumapatol sa akin. Nakaka-frustrate tuloy. Nakakawala ng self confidence. Ganoon na ba ako kapangit?
"Gustong gusto ko ng magkanobyo," mahinang saad ko.
"Ikaw naman kasi, bigyan mo ng time ang pag-ibig. Masyado ka kasing babad sa trabaho. Napag iwanan kana tuloy," sambit niya at tumawa.
Tama siya. Apat kaming magkakaibigan. Ako, siya, si Entiny, at si Ingrid.
As what I've said, Xena is married for three years. Masaya ang relasyon nila ni Briane. They met noong college days pa namin. Nagtagal ang pagiging magkasintahan nila hanggang sa na uwi na nga sa kasalan.
Next is Entiny. Naging roller coaster ang experince sa love pero sa bandang huli ay sumaya. Imagine that nagkatuluyan rin sila ng first boyfriend niya noong highschool pa siya. And now they have a baby boy.
Tapos ay si Ingrid na naging desperada sa kanyang nakilalang tycoon. Paano ba naman kasi ay full package. Nabingwit niya nga at ngayon ay nagreready na sila para sa magiging kasal.
Lastly, here, my self, still no experience in a relationship. Nagsisi nga ako kung bakit tinaboy ko ang mga manliligaw ko noong college days pa dahil sa sobrang busy sa school. Ikaw ba naman magpasa ng iba't ibang plates. Ayan tuloy napabayaan ang love life at wala ng nagtangkang manligaw sa akin. Ni isa wala.
Napag iwanan na nga talaga ako ng mga kaibigan ko. Lahat namumukadkad ang love life. Eto ako at lantang lanta pa rin. Well at least I'm successful at work.
"Grabe girl ikaw na lang walang love life. Ano magiging mag isa ka na lang ba forever?" asar pa niya.
Inis na tinusok ko ang manok. "Anong magagawa ko? Ni walang nagtatangkang lumapit na lalaki sa akin."
Natawa siya ng mahina. "Hanap ka sa birthday ni Gia. For sure ay maraming bigatin na bisita iyon. Malay mo may mabingwit kana," she suggested.
Tumango na lang ako at hindi siya pinansin.
"Ilang araw ba tayo mag i-stay roon?" tanong ko.
"One week," sagot niya.
Kinabukasan nga ay napapayag na niya ako. Kaming dalawa lang sa apat na magkakaibigan ang makakadalo. Syempre busy si Entiny sa baby nila at si Ingrid naman busy for preperation. Ako naman busy lang sa pagtunganga.
Balak ko pumunta mamayang gabi sa bar. Baka naman may pumatol na sa akin.
Sa ngayon ay tatapusin ko muna ang trabaho ko. May nakuha kasi akong deal sa isang pamilya na nagpapagawa ng building para sa magiging grocery store nila. Malaki laki ang kikitahin ko roon kaya naman pak na pak.
Kumain lang ako saglit ng lunch at bumalik na ulit sa pagtatrabaho.
Pagkatapos ko roon ay umuwi muna ako sa condo unit ko.
Ulila na ako at nag iisa lang na anak kaya mag isa lang ako sa buhay. Walang pamilya at walang kasintahan. Iyong mga ibang kamag anak ko naman ay nasa ibang bansa at may kanya kanyang buhay.
Bago mamatay ang magulang ko ay nakapagtapos pa ako sa kolehiyo. Nakakapanghina lang at hindi ko nasuklian ang pagod nila. Heto nga at sumusweldo ako ng malaki. Pero para kanino?
Naligo na ako at sinuot ang fitted na black dress. Hindi naman masyadong revealing pero kita pa rin ang kurba ng katawan ko. Hindi ako palasuot ng ganito pero trip ko lang ngayon at baka sakaling nay pumatol na talaga sa akin.
Twenty five na ako at tumatanda pa. Kailangan ko rin ng makakasama sa buhay.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinasibad iyon sa isang sikat na high end bar sa lugar namin. The retro.
Pagkapasok doon ay sinalubong ako ng malakas na tugtog. May mga sumasayaw na rin sa gitna.
Dumiretso ako counter at umupo sa stool. "Martini please," pinalambing ko pa ang boses ko sa bar tender.
Binigyan niya nga ako at hindi man lang ako kinausap. Bumaling siya sa isang babae at iyon ang kinausap niya. Life sucks!
Akala ko ay buong gabi lang akong tutunganga roon. Mabuti na lang at may lumapit na. Nabingwit ko na yata sa pagkabesa ko at pagpapakita ng legs.
"Hey," he said and smiled at me. Umupo siya sa tabi ko at tumitig sa akin.
"Hi," mahinhin ko namang sambit.
"Why are you alone? Pretty girl like you deserves attention," malandi niyang sambit.
Napatawa naman ako ng mahina. Sa wakas ay may nagandahan na sa akin. Thank you, thank you!
"Really?" I asked. Pinadahan ko pa ang bibig ko sa baso. Mabuti na lang at sinearch ko sa google kung paano lumandi.
"By the way, I'm Kari," pagpapakilala niya.
"Vian," inabot ko ang kamay ko at nakipag shake hands sa kanya. Ang lambot sis!
Natigil kami sa pag uusap ng may sumigaw.
"Karina!" matinis na sambit ng isang bakla. Lumapit ito sa amin kaya naman nagtaka ako kung sino ang tinatawag niya.
"Oops, I gotta go. My friends are here now," nawala ang malalim niyang boses at napalitan ng pambabae.
Napahilamos ako sa mukha ko ng marealize na hindi siya straight. Siya si Karina!
At ayun siya nakikipagtawanan na sa friends niya. Samantalang ako lugmok na lugmok na rito. Sinubsob ko ang mukha ko sa island at napapadyak. Nakakainis naman. Akala ko pa naman ay hindi na ako magiging single! Wala na nga yata talagang papatol sa akin. Forever alone na talaga.
Dahil sa nawalan na ako ng gana ay naisipan ko na lang na umuwi. Ano pa nga bang magagawa ko.
Sumakay na ako sa kotse ko at binuksan ang radyo.
"Lonely oh I'm still lonely~" kanta mula roon.
Kainis! Pinatay ko na lang tuloy. Pati radyo ay inaasar ako. Oo na ako na ang single. Ako na ang magiging forever alone.
Nang magkita kami ni Xena sa sumunod na araw ay napagkwentuhan namin iyon. Aba't ang loka tinawanan pa ako ng bongga.
Ngayon naman na gabi na ay nagreready na ako. Nakapagpaalam na rin ako sa firm na mawawala ako for one week.
Inayos ko na ang dadalhin kong gamit sa back pack at pagkatapos ay natulog na.
Nagising na lang ako ng mag ring ang cellphone ko.
"Mag ready kana girl," saad ni Xena sa kabilang linya.
Napatingin ako sa oras at isang oras na lang ang natitira bago nila ako sunduin dito. Sasabay na ako sa kanilang mag asawa.
Naging tahimik ako sa byahe. Nakatitig sa labas habang iniisip kung saan ako nagkulang. Kung saan ako naging mali.
Syempre emote emote lang muna. Ang sweet ng nasa harapan ko eh. Na-bibitter tuloy ako.
Nakatulog na ako sa kakaisip. Nagising na lang ako ng tumigil kami sa isang fast food chain. Ginutom na kami.
Mabilis lang kaming kumain doon at nagpahinga saglit. Pagkatapos ay bumyahe na ulit.
Hapon na ng makarating kami sa Manila. Sinalubong kami ni Gia mula sa gate ng mansyon nila. Dito rin gaganapin ang birthday party dahil malaki naman ang lugar.
"Finally nandito na kayo!" masayang saad nito at lumapit na sa aming tatlo.
Yumakap lang siya sa kuya niya tapos ay humalik sa pisngi ni Xena at pati na rin sa akin.
"Excited kana ba?" tanong ko habang naglalakad kami papasok.
"Yup. Sana nga ay nandito ang boyfriend ko," saka siya ngumuso.
Nasa ibang bansa kasi ang nobyo niya. Nagbakasyon sila roon ng pamilya niya.
Oh 'diba, mas bata pa siya sa akin pero mas na una pang nagkanobyo.
Galaw galaw rin Vian Flora!
Dumating ang dinner at kumain na kami. Tahimik lang ako dahil may gumugulo sa isipan ko. Kagabi ko pa ito iniisip.
Natapos kami at lumabas muna ako sa may garden nila. Magpapahangin muna habang nagdedesisyon.
"Bakit mag isa ka rito?"
Napabaling ako sa nagsalita. Si Xena pala. Umupo siya sa kabilang upuan.
Humarap ako sa kanya. "May desisyon na ako," saad ko.
Kumunot ang kanyang noo. "Desisyon? Tungkol saan?" naguguluhan niyang tanong.
Nagsalukbaba ako at nagsalita. "Well, kagabi kasi ay may na-realize ako. Sa tagal ko na sa mundong 'to wala pa ring pumapatol sa akin. Tumatanda na rin ako at kailangan ko ng makakasama."
"So ano nga?"
"I realized na wala talagang nakatadhana sa akin. Therefore I decided that gusto kong magka anak."
"Ah? Akala ko bang walang nakatadhana sa'yo? Paano ka mabubuntis no'n girl?" saka siya tumawa na para bang nagbibiro ako.
Tinaasan ko siya ng kilay kaya siya tumigil. Nagsalita muli ako. "Iyon nga ang plano ko. Magpapabuntis lang ako. Hindi na kailangang panagutan o malaman pa ng magiging ama niya."
"Ano? Shunga kaba?!" sigaw niya sa akin.
"Duh, uso na kaya ang gano'n ngayon. At least 'diba wala siyang responsibility. Ang gusto ko lang naman ay ang may makasama," sagot ko.
Napatango naman siya at tila nakuha na ang point ko. "So ano? Kanino mo balak makipagjugjug?"
"Tutal nasa Manila naman tayo ay sasamantalahin ko na. Dito ko hahanapin ang may good genes. Syempre dapat gwapo para naman may mamanahin ang magiging baby ko," inimagine ko pa ang magiging itsura ng mabibibgwit ko.
"So ano? Para hindi ka na niya makita la ulit? Para malayo sa'yo ganern?"
"Tumpak!"
Dumating na nga ang birthday ni Gia. Naka ready na ang lahat. Nakabihis na rin kami. Naka fitted beige dress ako, off shoulder iyon at may ribbon sa gitna. Pinartneran ko rin ng black block heels. Naglagay rin ako ng light make up sa mukha ko.
"The birthday girl is here!" the emcee announced.
Lumabas na nga si Gia. Wearing her fitted sequence gown. Her beauty is glowing.
And to her surprise hindi niya alam na magiging escort niya ang kanyang nobyo. Planado ang lahat. Kahapon pa 'to umuwi.
"Oh my!" rinig ko pa ang kanyang pagsinghap. Napatakip siya sa bibig niya at mabilis na yumakap sa kasintahan.
Halos kaming lahat ng bisita ay napangiti.
How I wish that I'll experience that. But no, my decission is final. Someone just need to plant a seed on me then voila, tapos na. Hanggang doon lang iyon.
Umupo na kami at nagsimula ng makihalubilo ang lahat ng tao. Gumagalaw na ang mundo ng bussiness.
"Pahinga muna ako," saad ni Xena at tumabi sa akin. Kanina pa kasi siya nakatayo kasama ng asawa niya.
Magsasalita sana ako ng biglang maglingunan ang halos lahat ng babae sa may entrance. Napasunod na lang din kami ni Xena.
Doon ay nabungaran ko ang lalaki na ang lakas ng karisma. From his brown eyes, matangos na ilong, mapulang labi, at sa matipunong katawan. Mapapanganga ka talaga sa taglay niyang halindog.
Kamukha ng ibang babae ay ganoon din ang reaksyon ko. Nakanganga at nakatitig sa naglalakad.
Nadaanan nito ang pwesto namin. Tumigil siya ng kaunti at bumaling sa akin. Tumitig siya ng ilang segundo at sigurado akong may nabuhay sa pagkatao ko.
Natigil lamang ako ng makita ko ang kamay niyang pumalupot sa bewang ng isang babae. Mukhang may jowa na yata.
"Nakanganga ka diyan girl. Baka tumulo laway mo," tinawanan pa ako ng bruha.
"Hmm... Sino 'yun?" tanong ko. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang lalaking aking nasilayan.
Napanganga siya at napapiling. "Don't tell me natamaan ka sa kanya?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ah? Nagtatanong lang naman eh," ngumuso ako at napakamot sa batok.
"Well, ayways, He is Viernuen Xavier. The famous playboy in town. Halos lahat yata ng babae ay nakuha na niya," kwento niya.
Napatango ako ng mabagal. Imbis na maturn off sa nalaman ay parang nasindihan pa ang light hulb sa utak ko.
If he is a playboy, madali siyang pumatol sa babae. Perfect for my plan.
"Hey. What's with that smile?" kumunot ang noo ng aking kaibigan.
Mas lalo pa akong napangisi.
Piniling niya ang kanyang ulo. "Huwag mong sabihin na siya ang gagawin mong sperm donor?"
I slowly nod my head. "Exactly," matagumpay ko pang sambit.
Napanganga siya at napainom sa wine na nasa kanyang harapan. "My gosh, Vian Flora. Ang naughty mo pala talaga."
Sabay kaming natawa dahil doon.
"Well, kung siya nga ang binabalak mo. Suportado kita girl. Knowing na makakakuha ng ganyang features ang magiging anak mo. Pak na pak na!"
"Yeah, I just need to be under him. Let's just see tomorrow if I will suceed," I spilled out of my tounge.
Tumitig ako sa lalaking gusto kong makaniig. He is busy talking to others. Ang paggalaw ng kanyang bibig ang aking mas tinitigan. How does it feel to be kissed by that kissable lip?
Pinaikot ko ang bibig ng kopita sa aking labi. Napabaling ito sa lugar ko at muli ay nagkasalubong na naman ang aming paningin.
I smirked at him and bite my lip seductively after that. Nakita ko ang pagtigil niya at tila napalunok.
Wow google! Thank you. Wala naman talaga akong alam sa mga ganito. Buti na lang ay na-search ko.