Kabanata 65 PAGBABA KO SA BABA AY NAGULAT ako dahil ang daming pagkain sa baba at iisang brand lang saka grocery. Nakita naman ako ni Kawhi at inalok niya akong kumain. " Kain." " Bakit ang dami? Saan ka pumunta?" Sa halip ay tanong ko sa kanya saka cheneck ang mga pinagbibili niya. " Nagpalipas lang ng sama ng loob." Sagot nito habang kumakain kasalo ng anak ko. Ganadong ganado naman ang baby ko kasi paborito niya iyon. Sinamaan ko naman siya ng tingin. " Ikaw pa may ganang magsama ng loob?" " Mamaya na tayo mag-usap." At kinindatan pa nga ako. Napaawang naman ang labi ko sa ginawa niya kaya kinilig ang kipay ko. Bweset. " Busog ako." Kapagkuwan ay pag-iinarte ko saka akmang lalabas ng kusina. Nagulat naman ako ng pumulupot sa beywang ko ang kamay niya kasabay ng pagbulong sa tenga