Kabanata 73 KAWHI SMITH ( POV ) LUMABAS AKO NG KWARTO AT BUMABA sa kusina para kumuha ng beer. Inaabangan ko si Rosana na lumabas ng kwarto niya dahil sabi niya sa kwarto siya matutulog pero wala pa siya. Alas diyes na ng gabi pero hindi parin nalabas. Tinawagan kona pero hindi sinasagot ni Ana ang phone niya. Mukhang tinulugan na ako ng babaeng 'yun. Paakyat na ako sa taas ng may narinig akong naglalaro sa labas ng bahay kaya pumunta ako sa may pintuan at binuksan 'yun. Madilim sa labas at hindi binuksan ang ilaw kung sinoman ang naglalaro. Pero isa lang ang nasa isip ko, si Ron-ron. Ito lang naman mahilig maglaro ng online games. Binuksan ko ang ilaw kaya napalingon si Ron-ron sakin. " Bakit gising kapa?" Anang ko saka tumabi dito ng upo. " Naglalaro pa ako eh." Sagot nito habang t