Kabanata 60 NAGISING AKO NG MAY HUMAHALIK sa balikat ko. Kaya napangiti ako ng pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko agad ang mukha ni Kawhi. Madilim pa ng mga oras na iyon at mukhang alas singko na ng madaling araw kaya gising na ang baby ko. " Moaning." Bati niya sakin sa baritonong boses. " Moaning 'din." Sabi ko ng akmang hahalikan niya ako ay umiwas ako. " Hindi pa ako nagsesepilyo." Saad ko sa kanya. " So what? Mabango naman hininga mo." Wika nito na gusto talaga makahalik. Kadiri ang lalaking 'to. Kahit bagong gising ako at walang toothbrush ay hinahalikan parin niya ako. Alam ko hindi naman mabaho ang hininga ko dahil walang sira ang ngipin ko. Pero nahihiya parin ako dahil bagong gising lang ako. Mamaya amoy laway ako nakakahiya. " Manahimik ka." Pinandilatan ko siya ng mga m