My Dangerous Lovers — MAFIA WRITING CONTEST
#MyDangerousLovers
Falling in love is one of the most beautiful feelings that one could ever have. And being loved in return is what makes the feeling truly a bliss.
But how do you keep the fire of love burning when painful reality gets in the way? How do you shield your heart from all the agonies that comes despite your deep affection?
Si Candace, 19 years old at namuhay na puno ng pagmamahal mula sa mga magulang. Ngunit sa di inaasahang mga pangyayari, tuluyan siyang naulila at napunta sa kapahamakan.
Si Morgan, bagama’t gusto ng kapayapaan, ay hindi mapigilan ang nagbabagang damdamin na makaganti sa mga taong naging sanhi ng kanyang miserableng buhay.
Sa gitna ng kapahamakan, pinagtagpo ang kanilang landas at hindi naiwasan ang tawag ng pag-ibig.
Ngunit tuluyan na nga bang nailayo sa kapahamakan si Candace, o lalo lang magugulo ang buhay nya dahil sa mapanganib na mundo ng mafia boss na itinuring na siyang isang pag-aari?
At si Morgan, hanggang kailan niya kayang tikisin ang pagmamahal sa dalaga dahil lamang sa katotohanang kanyang natuklasan?
Makakayanan kaya silang protektahan at mapabuti ng kanilang pagmamahal? O kailangan nilang rendahan ang kanilang damdadin upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa isa’t-isa?
"Hindi ko kayang mabuhay sa mundo mo. Parang awa mo na, just let me go. Simple at tahimik na buhay lang naman ang gusto ko."
"And do you think you still have a life to go back to? Well, let me tell you this - you were already mine the moment I saved you. You are my property. At tandaan mo, walang ibang lalakeng pwedeng umangkin sayo.”