KABANATA 6

1183 Words
LEXY's POV Dahil weekend ngayon ay late akong gumising. Syempre napasarap din ang tulog ko rahil sa napakaganda kong panaginip. Pinalayas daw ni Hector ang asawa niyang si Raquel sa bahay nila at pinakasalan niya ako. Pagkatapos ay nag-honeymoon kami. Kaso sa panaginip ko ay puro halikan lang kami at wala akong nakitang maseselang parte. Kaya medyo bitin. Anyway, makaligo na nga at pagkatapos ay kakain na ako. Pagdating ko sa baba ay kumakain na ng lunch ang pinsan kong si Bert. Bert: Napasarap yata ang tulog mo, pinsan. Tanghali ka na gumising. In fairness gwapo ang kumag kapag ngumingiti. Lexy: Ang ganda kasi ng panaginip ko. Bert: At tungkol saan naman ang panaginip mo? Tungkol sa inyo ni Mikel? Lexy: Wala ka na roon. Kumain ka na lang diyan. Pumunta na ako ng kusina at nagsimulang mag-brunch. Oh. Sosyal. Breakfast plus lunch equals brunch. So funny. Habang kumakain ay nag-check ako ng phone ko. Natawa ako rahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Kawawang Tito Hector. Pagkatapos niya kong p*****n ng phone ay hindi na ko tumawag ulit. At least ngayon ay alam na niya ang gusto ko. Okay na 'yon. Ang mahalaga ay malaman niya ang katotohanan at kakalat na iyon sa kanyang sistema. Hahayaan ko siyang mabaliw sa akin. Hahaha! Nagbukas ako ng f*******: application sa aking phone at nakita kong may bago na namang pinagkakaguluhan sa f*******:. May bagong tayo na club na bukas lamang para sa mga couple. Tanging ang mga couple lang ang pwedeng pumasok sa loob. Sila lang din ang makakaalam ng mga bagay na ino-offer sa loob. Bigla akong na-curious. Ano naman kaya ang mga bagay na posible nilang i-offer? Naku. Dapat mapuntahan namin ito ni Mikel. Baka maging sagot na rin ito sa hinahanap kong init? One message received. Galing kay Ethan. Hmmm... Bakit... Ay! Oo nga pala. Hiningi ni Ethan ang number ko kahapon. Ano kayang kailangan niya? Binuksan ko ang message niya. "Hi, Lexy. Good morning. Itatanong ko lang sana kung mahilig ba sa surprises si Margie?" Oh. 'Yon lang pala. Tawagan ko na nga lang. Lexy: Hello? Yes, Ethan. Ayos lang naman. Okay. Regarding sa tanong mo, oo. Natutuwa si Margie kapag may mga natatanggap siyang surprise. Madali lang namang i-please si Margie. Hindi ka mahihirapan. Maliban na lang kung surprised sundutan. Eh, frigid 'yong babaeng 'yon. Lexy: Ah. Balak mo siyang dalhin doon sa bagong club. Nabasa mo rin pala 'yon. Actually, plano ko ring yayain si Mikel doon. Na-curious din kasi ako kung ano ba 'yong mga offers nila for couples. Tapos mura pa. Sana libreng demo ng iba't ibang position sa pakikipagtalik. Baka sakaling makakuha si Mikel ng tips kung paano ako paliligayahin sa kama? Lexy: Sige. Sana matuwa si Margie sa surprise mo. Kapag nagkataon, baka magkita-kita pa tayo roon sa club. Haha! ---------- Kinagabihan... Lexy: Parang matagal na 'yong huli tayong lumabas, babe, ah. Buti naisipan mo kong dalhin dito sa sinehan. At least may moment na naman tayo ngayon. Pinagapang ko ang aking kanang kamay sa kaliwang hita ni Mikel. Nagulat ito. Maya-maya ay iniangat ko ang aking kamay at isinalikop sa kanyang kaliwang kamay. Ano ba 'yan? Hindi man lang ma-gets ng boyfriend ko ang gusto kong mangyari. Kainis naman. Lexy: Babe, may bagong bukas na club for couples na sumisikat ngayon sa f*******:. Aware ka ba regarding doon? Marahas na napalingon si Mikel sa akin. Mikel: Kung gusto mong pumunta tayo roon ay hindi ako papayag, Lexy. Lexy: Ha? Bakit naman, baby ko? Mikel: Alam mo bang puro kababuyan ang offers ng club na 'yon? Kababuyan? Syet! Biglang nagningning ang mata ko. Mikel: Bago makapasok ang couple ay kailangan munang mag-kiss sa harap noong bouncer. Pagdating sa loob ay may iba't ibang offer. May live sundutan performance na pwedeng panoorin ng couple na handang makipagsabayan. Kapag nagawa nila 'yon, may perang matatanggap ang couple. May offer na candlelight dinner with matching sexy music, pero dapat ay nakahubad ang couple sa harap ng mesa. Libreng membership sa isang gym club at one hundred pesos worth shopping spree ang pwedeng makuha kapag nagawa iyon. May toys na para sa pakikipagtalik ang ibinebenta na maaari mo lamang mabili kung maipapakita ng mag-couple ang talento nila sa pakikipagtalik ng live. Shocks! Nag-iinit ako sa mga naririnig ko. Hindi na masama ang mga premyo. Makakapagtalik na kayo ng partner mo, ikaw pa ang bibigyan ng premyo. Mikel: Marami pa 'yan. Pero ang pinakamatindi talaga ay 'yong isang offer for married couple only. Raffle draw siya. Kung sino ang mabunot na married couple ay kailangang pumunta sa secluded area na silang dalawa lamang. Doon ay may mga bagay na susubok sa kanilang samahan. Kapag nalampasan nila 'yon ay makatatanggap sila ng malaking halaga at malaking bahay. Lexy: Oh. My. Gosh. Sigurado ka bang... Mikel: Yes, Lexy. Hindi tayo pupunta roon. Mas mahalaga ang dignidad ng tao kaysa sa magpakita tayo ng laman sa mga taong hayok sa laman. Ang ending ay umuwi akong hindi nakukumbinsi ang boyfriend kong may "dignity" na pumunta kami roon sa bagong club. Kainis! Hindi. Hindi ako papayag na hindi mapasok ang lugar na 'yon. Para sa mga taong malilibog ang lugar na iyon at isa akong taong malibog. Pero sino ang isasama ko? Aha! Tama! Siya nga! Kinagabihan ay nasa harap na ako ng main entrance ng bagong club na may pangalang "Aliw ng Buhay". Mga ilang sandali lang ay dumating na si Ethan. Ethan: Kanina ka pa? Lexy: No. Kararating ko lang. Biglang nag-ring ang phone niya at sinagot ito sa bandang malayo rahil maingay ang labas ng club. Ganoon na lamang ang gulat ko nang dumating si Tito Hector. Hector: Lexy? Anong... D*mn! Sinong kasama mo rito? Niloloko mo ba ang anak ko, Lexy? Napalingon ako sa direksyon ni Ethan na sinundan naman ng tingin ni Tito Hector. Hector: Son-of-a-b*tch! Susugurin niya sana si Ethan nang magsalita ako. Lexy: Sige. Gumawa ka ng eksena rito. Gusto lang naman namin malaman ni Ethan ang offers sa loob para gawing surprise sa boyfriend ko at sa girlfriend niya. May pagdududa akong tiningnan ni Tito Hector. Pero iniwan ko na siya at lumapit sa main entrance. May kausap pa rin sa phone si Ethan. Nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Paglingon ko ay si Tito Hector. Hector: Kanina ka pa ba, asawa ko? Masama ang tingin niya sa akin. May pagbabanta. Bumulong siya. Hector: Hindi ako papayag na sirain mo ang relasyon ng anak ko at ni Ethan. Wala akong tiwala sa 'yo. Sinasabi niya ito na may pekeng ngiti sa labi. Such a good actor. But two can play this game. Lexy: Akala ko hindi ka na darating, asawa ko. Halika na. Pumasok na tayo sa loob. Matalim pa rin ang tingin niya sa akin. Nakaakbay pa rin sa akin si Tito Hector hanggang makalapit kami sa bouncer. Bouncer: Do the password. Paniguradong hindi alam ni Tito Hector ang gagawin. Nang bigla kong maramdaman ang paghaklit ni Tito Hector sa ulo ko paharap sa kanya at maramdaman ko ang mga mapusok niyang labi sa labi ko. Is this really happening? ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD