"Hana nandiyan si Greyson." Kinatok ako ni Mama sa kwarto habang nagbibihis. Naalala ko yung kotse na hiniram niya, sinabi niyang ngayon niya yun ibabalik. Tumingin ako sa oras 6:15 pa lang ng umaga. 7am ang oras ng klase namin pareho ni Yana. Matapos ko magbihis ay bumaba na ko. Nakaupo sa couch si Greyson. Nakakandong sa kanya si Yana na nakasuot ng uniform nya sa school. "Hatid ko na kayo!" Sabi niya pagbaba ko. "Ha? Sige!" Kinuha niya ang bitbit kong paper bag. Kukunin ko sana ang bag ni Yana para bitbitin pero kinuha din niya yun sa kamay ko. Binuksan niya yung pinto ng backseat tsaka kami sumakay dun ni Yana. "Where do you live Dad? You're my Dad but why aren't we with you at home?" Natahimik ako sa tanong ni Yana. "Do you want me to live with you?" Tanong ni Greyson. "