(Hana's POV) "Good morning my gorgeous wife!" Agad na bati sakin ni Greyson paglabas ko ng kwarto. Naghahanda siya ng almusal. "Napakaganda naman ng asawa ko. Umaga pa lang kumpletong kumpleto na ang araw ko eh." Ngumiti siya. "Ha?! Thank you!" Feeling ko nagblush ako sa compliment niya. Hinila niya yung isang upuan at pinaupo ako dun. Porkchop ang nasa table na niluto niya. Nakaramdam ako bigla ng gutom. Naalala kong kagabi pa sa bar ang huli kong kain pero konti lang yun. Sinandukan niya ko ng pagkain sa plato ko. "How's your foot, masakit pa ba?" Tanong niya. "Hindi na. Effective yung massage mo kagabi." "Ah good. Pero sana tinawag mo pa rin ako para binuhat kita!" "Okay naman ako!" Ngumiti ako. "Ang sarap naman ng ngiti. I love your smile. Your beautiful smile makes my whole