Lumabas ako ng bahay ng makarinig ako ng sasakyan. Iniisip ko na si Greyson yun pero kotse ni Craig ang nakita ko. Bumibisita si Craig minsan sa bahay lalo kapag Sunday. Nginitian niya ko ng makita niya ko pagbaba niya ng sasakyan. Nakatayo ako sa gate. Nginitian ko din siya. Pumasok kami sa bahay. Agad lumapit sa kanya si Yana. "Ninong!" Nagpakarga si Yana kay Craig. "How are you baby?" Tanong ni Craig habang karga nya si Yana. "I'm fine!" Matamis na ngumiti si Yana. "I met my Dad." Masaya pa niyang sabi. "Really?!" "Yeah. He's also handsome like you!" Bahagya akong natawa sa sinabi ni Yana. "Are you happy?" Tanong ni Craig kay Yana. "I'm so happy coz I have a Dad now and he's a dentist." "That's nice!" Bakas sa mukha ni Craig na masaya para kay Yana. Natutuwa ako na