Tanghali na ng magising ako kinabukasan. Saturday naman kaya wala kaming pasok sa school. Nakayakap at nakadantay si Greyson sakin paggising ko. Naalala kong nakatalikod siya sakin matulog kagabi hanggang sa magising ako ng madaling araw ay walang pinagbago sa pwesto niya kaya ang saya ko ngayon na nakayakap siya sakin. Hay grabe sa babaw ang kaligayahan ko ngayon. Bumangon nako para maghanda ng almusal namin ni Greyson. Brunch na rin halos namin yun dahil tanghali na. Habang nagluluto iniisip ko kung ano pa ba ang mga dapat kong gawin para mawala ang galit niya sakin. Sinabi ko kay Greyson na gagawin ko lahat para mapatawad nya ko at sinabi niyang gawin ko yun. Hindi ko alam kung ano pa bang gusto niyang gawin ko. Matapos ko magluto at maghain sa mesa ay saktong gising na siya. Lumabas