"Ako muna maliligo late na ko!" Inunahan ko si Greyson sa pagpunta sa CR. "Male-late na rin ako eh!" Nag agawan kaming dalawa sa paggamit ng CR. Pareho kaming hindi nagising ng maaga. Same ang oras ng pasok namin. 8am. 7:15 na. Maliligo at mag aayos pa kami. Around 30 minutes ang byahe mula condo hanggang sa University kaya kailangan namin pareho magmadali. "Hindi ako nagising ng maaga dahil sa paglalato lato mo. Napakaingay hindi ako makatulog." Nainis kong sabi sa kanya. "Eh sa hindi din ako makatulog kaya naglato lato ako eh." "Pano ka makakatulog kung maglalaro ka nun pati ako dinamay mo." Umalis si Greyson sa pagkakaharang sa pinto ng CR kaya nakapasok ako pero mabilis niya kong nahawakan sa braso. "Ganito na lang para walang gulo, sabay tayo maligo." Nakangising sabi niya. "A