Malapit na mag start ang pageant. May hair and make up artist na nag aayos samin ni Tracy para sa paghohost namin. Black long dress na may slit sa magkabilang gilid ang suot ko. Naisip kong pabor din na nakacycling short ako dahil medyo mahaba ang slit nun. Tinupi ko lang yung laylayan ng short ko dahil nakikita sa slit ng dress ko. Napatingin ako sa butt sa dress na suot ni Tracy halata yung nakabakat na panty niya dahil white dress ang suot niya at fitted pa. "Sis halata bang wala akong suot na panty?" Natanong ko bigla sa kanya. Tumawa siya. "Are you serious wala kang suot na panty!?" "Eh nasa labahin kasi lahat hindi ako nakapaglaba kaya wala akong suot!" Dahilan ko na lang kahit mukhang katawa tawa talaga yun. "Grabe ka!!" Sabi niyang panay ang tawa. Maya maya ay tinitigan niya