Bigla akong nakaramdam ng antok habang pinapakinggan ang kanta. Plano ko sanang umidlip pero napamulat ako ng mga mata ng makarinig ng munting tinig na umaawit at sinasabayan yung kanta sa stereo. Bakit uhaw sa 'yong sayaw? Bakit ikaw? 'Di bibitaw, sa 'yong sa 'yo Laging ikaw Ako'y giniginaw, halika rito Dito ka lang sa tabi ko Mananatiling uhaw, uhaw, uhaw Napangiti ako ng makita ang batang babae na kumakanta habang pinagmamasdan yung mga poster ng mga ngipin na nakadikit sa wall. Natuwa ako na kabisado niya yung kanta. Kahit hindi pa malinaw yung salita niya, alam na alam niya yung tono kung paano yun kantahin. "Hi little girl. You have a nice voice!" I smiled at her. She looks at me. Mukha siyang anghel sa paningin ko. Hindi ako masyadong mahilig sa mga bata pero kakaiba ang