Bandang hapon ng magpunta kami sa grocery. Pansin kong ang dami niyang kinuhang condom. "Ang dami naman niyan?" "Iba na ang handa!" Kumindat siya sakin. Inakbayan nya ko habang namimili pa kami ng iba pang kailangan namin. Nagtitingin ako ng mga gamit ko ng mapansin ko yung komosyon ng mga kababaihan. Pagtingin ko pinagkakaguluhan nila si Greyson. Nag uunahan sila kung sino ang unang magpapapicture. Hindi ko na lang siya inistorbo. Maya maya ay sinenyasan niya kong lumapit sa kanya. "Sorry girls my wife is here!" Sambit niya sa mga babaeng gusto pang magpapicture sa kanya. Lumapit siya sakin at inakbayan ako. "Nangalay na ko sa pagngiti dun eh?" Sabi niya ng makalayo kami. "Sinabi mo pang wife mo ko baka kumalat yan!" "Ano naman kung kumalat. Wife naman talaga kita eh." Ngumiti si