Kinausap ko yung magulang niya para ipawalang bisa ang kasal namin. Ayoko na siyang makasama. Buo na ang pasya ko na hiwalayan siya ng tuluyan. Kinuwento ko sa magulang niya ang lahat. Naintindihan naman ako ng magulang niya kaya agad nilang prinocess ang annulment namin. Humingi pa ko ng paumanhin sa kanila dahil hindi ko nagawa yung gusto nilang mapagbago ko si Greyson dahil hindi pa din siya nagbago. Ayaw pumayag ni Greyson sa annulment. Pinuntahan niya ko at kinausap inulit na naman niyang sabihin sakin na walang nangyari sa kanila ni Carrie. Mas lalo akong nagalit sa kanya kaya kung ano ano ang nasabi ko. "Ang totoo niyan hindi talaga ko sigurado sa nararamdaman ko sayo. Hindi ko alam kung minahal talaga kita. Siguro naguluhan lang ako dahil parati kitang kasama." "Hana. Alam ko ma