CHAPTER 58: Greyson's Child

1299 Words

Nagmadali na kong umalis nang mabasa ko yung text ng abogado ko na nasa trial court na siya. Kaibigan ni Craig ang abogado na yun na nirefer niya sakin. Malapit lang naman ang cityhall kaya ilang minuto lang ay nandoon na ko. Nandoon na si Greyson at Lucas pagdating ko. Tumabi ako sa abogado ko. Isang mahabang mesa ang nandoon. "Hey long time no see!" Agad na sabi ni Lucas ng makita niya ko. Nginitian ko siya. Nasa tapat ko nakaupo si Greyson. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin niya. "Good morning!" Bati niya sakin. Saglit ko siyang sinulyapan. "Dinedma ka bro!" Tumatawang sabi ni Lucas. Nag aasaran silang dalawa. Iniisip ko kung tama bang pumunta pa ko dun baka puro kalokohan lang ang gagawin ng dalawang yun. "Okay let's start!" Sabi ng mediator na nakaupo sa head ng table.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD