Ngumiti si Greyson tsaka uli ako hinalikan sa labi. Biglang nag sink in sa isip ko yung tanong niya kanina kung sa kanya pa rin ako. Matapos ng lahat ng nangyari gusto pa rin niyang isipin na kanya pa rin ako. Bigla akong nakaramdam ng inis sa kanya. Pilit akong kumawala sa halik niya at tinikom ang bibig ko para hindi na niya ko mahalikan. Tinulak ko siya pero hindi siya natinag. "Ano ba Greyson!" Hinawakan niya uli ang dalawang braso ko nang pilit ko siyang itinutulak paalis sa ibabaw ko. "Hana. Hindi mo pa rin ba ko napapatawad." "Madali lang magpatawad pero yung makalimot napakahirap." "Baka naman dahilan mo lang yan. Dahil kayo ni Craig." Umigting ang panga niya. "Ano? Pwede ba huwag ako ang balingan mo. Labas si Craig dito. Sayo nagsimula ang lahat. Kayo ni Carrie. At tinuloy