Chapter 12//

2085 Words
Chapter twelve LANCE’S POV’S Umiiral nanaman ang kamanyakan ng step mother ko, naiinis lang ako dahil tingin ata niya sa akin manyak. Hindi porke paiba iba ako ng babae ay manyak na agad, hindi ba pwedeng ganda gandahan naman yung term? Ah basta hindi ako manyak kagaya niya. Palagi siyang nagsusuot ng masisikip at lumalabas yung dibdib niya, ang lamig kaya ngayon tapos ganun ang suot niya. Kahit na nandito lang siya sa bahay ay hindi naman dapat ganyan ang suotin niya. “ Lance anak.” “ Huwag mo nga akong tawaging anak.” “ Sorry, gusto ko lang naman mapalapit sayo.” Tsk, may iba siyang balak. “ Isa lang ang ituturing ko nanay.” “ Okay, naiintindihan ko naman, umm, gusto mo bang kumain? May hinanda ako dito.” Hindi ako makagimik kase naman ang lamig sa labas, kaya nakakulong lang ako dito sa bahay. Si papa natutulog at itong step mother ko walang ginawa kung hindi ang magpapansin sa akin. “ Busog ako.” “ Tikman mo lang ito, Atch!” nagulat ako ng biglang may malakas na bumagsak. Yung step mother ko pala, nadulas at mukhang nag iinarte nanaman. “ Lance help me please, hindi ako makatayo.” Nandito lang siya sa Abroad umienglish na rin siya. Hays, pasalamat ka gentleman ako. Tinulungan ko siyang tumayo kaso ang bigat niya kaya hindi ko siya maalalayan mabuti.” Ayusin mo maglakad.” “ Hindi ko kaya.” Umupo ulit siya sa sahig. “ Ang sakit dito.” Tinaas niya yung palda niya at pinakita sa akin yung buong legs niya. “ Kunin mo yung intment hilutan mo naman dito.” Halos makita na underwear niya sa sobrang pagtaas niya ng palda niya, hindi ko alam kung totoong nasaktan siya o nag iinarte. Kumuha na lang ako ng ointment at iniabot sa kanya. “ Dito banda pakilagyan.” “ May kamay ka, ikaw maglagay.” Sabi ko. “ Hindi ko mahilutan ng mabuti, ikaw na lang.” katanda na ang tanga pa rin. Napakamot ako ng ulo, sa may legs lang naman kaya nilagyan ko na lang ng ointment, ibuhos ko kaya lahat ito. Dinampi dampian ko lang. “ Dito banda Lance.” Hinawakan niya ang kamay ko at inilapat sa may malapit sa may singit na niya. “ Ano ka ba?” “ Dito yung masakit.” “ Ikaw na maglagay.” Iniabot ko sa kanya yung ointment. Kainis, ganyan siya noon pa, nagkukunwari na may kailangan tapos gusto lang magpahimas, kadiri talaga hindi ko na kaya dito. Ayoko kasama ang mantandang manyakis na ito, iba talaga pakiramdam ko sa kanya tuwing magkasama kami sa iisang bahay. Minsan pa nga maliligo siya tapos kunwari nakalimutan yung tuwalya ipapaabot sa akin pero imbes na ulo lang dapat ang nakasilip sa pinto, nilalabas niya kalahating dibdib niya, patakip takip pa kunwari gusto naman ipakita sa akin. Ang ayoko lang sa kanya ay ang paghimas niya minsan sa legs ko o kaya sa braso ko tuwing magtatabi kami. Kunwaring makikipag usap pero may ibang balak sa akin. Magpapaalam na ako kay daddy, total bukas nandito naman na yung mga personal nurse niya. Mababantayan siya ng mga yun. Mataas ang sasahurin nila kapag nagawa nila ng maayos ang trabaho nila. Ayoko magstay dito ng matagal. Never! “ Daddy.” “ Pumasok ka, mabuti at pumunta ka dito gusto kitang makausap.” “ Tungkol saan?” “ Tungkol sa ate mo.” “ Bakit po?” “ Sinabi ko na sayo diba noong nakaraang araw na napakaraming nagrereklao sa ate mo sa kompanya natin? Gusto kong bantayan mo ang ate mo para sa akin, tumulong ka na rin sa kanya sa trabaho.” Ayos! May basbas na ako ni daddy makakalaya na ako. “ Okay sige, tutulong ako.” “ Dapat lang, bantayan mo ang ate mo ah, o baka ikaw pa ang bantayan niya.” “ Ako na bahala.” Yaho! Gusto rin pala akong pauwiin ni daddy, ang saya saya naman. Walang magagawa si ate kapag umuwi ako kaya nagpabook agada ko ng flight. Goodbye pervert. Ayaw kitang makasama dito ng matagal hindi ako makakain at makakilos ng maayos kapag nakikita kita. Here we go! Going back again and again! Hindi ko pinaalam kay ate na uuwi ako, palagi naman surprise ang pag uwi ko. Nagpasundo ako kay yaya Rosing sa airport. “ Siguradong pagod ka, magpahinga ka agad pag dating natin sa bahay, mamamalengke muna ako.” “ Sasama ako yaya.” “ Hindi ka ba pagod?” “ Hindi, nakaupo lang naman ako ah.” “ Sigurado ka anak ah.” “ Opo, tagabitbit mo ko.” Ang tagal na ng huli kong punta sa palengke, bata pa ata ako noon hahaha, kaya ng mabanggit ni yaya ay nacurious ako kaya gusto kong sumama. Hindi naman ako maarte kahit iba iba ang amoy dito sa palengke. Kumakain nga ako ng ano hahaha iba iba rin amoy nun hahaha, isda ang tinutukoy ko. May malansa may hindi. Para akong bat ana sunod ng sunod kay yaya. Ang daming napapatingin sa akin tuwing dadaan ako. “ Para kang artista ngayon.” “ Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?” Natawa si yaya sa akin, nandito kami ngayon sa gulayan at ngayon lang ako nakaramdam ng hilo. Gago naman oh ngayon pa talaga? Hindi ko pinahalata kay yaya kase naman nagpumilit akong sumama, nakakahiya. Kanina pagbaba ko sa eroplano wala naman akong naramdaman na kahit ano, bakit noong nandito na ako sa palengke nahilo ako bigla. Hindi ko na mapigilan, napaupo ako at napahawak sa ulo ko. “ Lance?” naririnig ko yung boses ni yaya pero ayokong imulat ang mga mata ko. “ Lance okay ka lang ba? Dadalhin kita sa ospital.” Parang may kung anong ingay ang naririnig ko sa kabilang tenga ko, ang sakit grabe. “ Ano po nangyari sa kanya?” may mga nagtatanong na kay yaya na kasama naming namimili ng gulay. “ Mukhang nahihilo ata, Lance? Naririnig mo ba ako?” Maya maya pa ay may nag abot sa akin ng kung ano, amoy mint at naginhawaan ang ulo ko kaya unti unti kong minulat ang mga mata ko. “ Sayo na to para hindi ka mahilo.” Abot sa akin ng babae. Teka? “ Ikaw?” siya yung babae noon, yung may magandang mata. “ Ha? Kilala mo ko?” “ Ikaw nga.” Hindi niya ako natatandaan. “ Never mind, salamat dito.” Nakakaginawa itong pinaamoy niya sa akin, ang bango sobra nakakawala ng hilo. “ Magkakilala kayo?” “ Nope.” Sagot ko kay yaya. “ Sige po.” “ Thank you miss beautiful.” Sabi ko. Napahinto siya at lumingon sa akin. “ Misis na ako.” Nawala ang ngiti sa labi ko, may asawa na siya? Hays, type ko pa man din yung mata niya, naaakit ako. Makailang beses na kaming pinagtatagpo, ewan ko kung bakit. Ang lawak lawak ng Pinas pero nagkikita kaming dalawa nung babae. Tsk, anyway. Kailangan ko na lumabas dito sa palengke, nakakahiya na pinagtitinginan ako, saying pogi points. Hays, bakit ba kase nahilo pa ako. Mabuti na lang may nag offer sa akin ng ganito, nag alala tuloy si yaya sa akin. Pag uwi ko nasurpresa si ate sa akin, malamang naman aasarin ko siya dahil pikon yan, mabuti na lang hindi niya ako gaanong itinataboy. Alam naman niya na nandoon ang step mom namin at ayoko sa kanya, hindi ko lang nasasabi sa kanya yung kamanyakan na ginagawa ng babaeng yun. Hayaan na, baka lumaki pa ang gulo. Parang tigre pa man din si ate kapag nagalit. ****** FHAIDA’S POV’S Parang may kakaiba sa ikinikilos ni Jake ngayon, parang wala siya sa sarili niya simula pa ng makauwi siya dito sa bahay. Pabalik balik siya sa kusina at parang may nakakalimutang kunin. “ Jake, anong problema?” tanong ko. “ Ha?” “ Kanina ka pa palakad lakad hindi ko alam kung may kinukuha ka ba sa kusina kase pabalik balik ka diyan.” “ Wa-wala naman.” “ Kakain na tayo, saan ka pa pupunta?” “ Ah oo ng apala, kakain na.” Pawis na pawis siya at hindi makatingin ng deretso sa akin, kumakain siya pero hindi siya kagaya ng dati na palakwento. Ang tahimik namin. “ Medyo mahina yung kita sa canteen ngayon pero mas mahina pala yung kinita doon sa kabilang kainan.” “ Ah.” “ Yung iba kase nag babaon na, siguro mas mabuti kung gumawa ako ng ibang putahe? Ano sa tingin mo? Kaso nga lang mahirap ibudget.” “ Ikaw bahala.” Ang tipid niya sumagot, dati hindi siya ganyan, magsusuggest pa sya minsan at imomotivate ako, pero bakit nagkakaganyan si Jake ngayon? Gumagawa nan ga ako ng topic para mapag usapan kaso ang tipid niya magsalita. “ Maliligo na ako.” Pagkatapos niyang kumain deretso agad siya sa cr. “ Hays, ano kaya nangyari?” tanong ko sa sarili ko, ramdam na ramdam mo talaga kapag may kakaiba sa asawa mo. Para na rin kase kaming nasa iisang katawan at alam ko kung masaya ba siya o hindi, kung may problema ba siya o wala, kaso ngayon tinatanong ko palagi kung may problema siya puro wala ang sagot kahit halata naman sa ikinikilos niya na meron. May bumabagabag sa kanya pero ayaw niyang sabihin sa akin. Hihintayin ko na lang na magsabi siya ng problema niya, baka hindi niya pa kaya mag open up. [Kinabukasan] Maagang umalis si Jake dahil ang sabi niya ay tutulong daw siya sap ag aayos para sa party mamayang gabi. “ Ate sigurado kang magbubukas pa tayo? Magbeauty rest ka kaya.” Sabi ni Ella sa akin. “ Hindi JS prom ang aattendan ko. Ano ba kayo sasamahan ko si Jake hindi ako makikicontest.” “ Kase naman baka mapagod ka, ang aga mo pa nagising.” “ Kung gusto mo ate kami na lang magbantay ngayon dito, umuwi ka na kaya.” “ Nako, hindi na, salamat sa pag aalala niyo sa akin.” “ Kung sabagay, maganda ka na ate Fhaida kaya hindi mo na kailangan magbeauty rest at isa pa ang ganda ng isusuot mo.” Naalala ko nanaman yung inagawan naming customer. Galit na galit siya sa amin at gusto niya kaming sampalin isa isa pero mabuti at nandoon yung boyfriend niya na mas mabait kesa sa kanya. Paano kaya niya nahahandle yung ganung ugali? Never mind na nga lang, bakit ko ba iniisip ang ibang tao. Alas kwatro pa lang ay nagsara na kami dahil kailangan ko pa mag ayos, tinulungan ako ng mga kasama ko sa canteen na mag make up at mag ayos ng buhok ko. Sabi naman ni Jake kanina ay susunduin niya ako. Mamaya pa naman mag uumpisa yung party. “ Ate Fhai, ang ganda mo.” “ Nakamake up kase ako, natago yung pangit kong mukha.” “ Maganda ka kaya ate.” “ Oo nga, lalo yung mata mo ang ganda.” “ Maraming nakakapansin niyan.” Ang mata ko ang tinititigan nila palagi dahil maganda daw, hindi naman sa akin ang matang ito, hays, ayoko na maalala. Iniwan na ako ng mga nag ayos sa akin, hinihintay ko na lang ngayon ang asawa ko na susundo sa akin. Malapit na mag alas otso ng dumating si Jake sa bahay para sunduin ako, nakailang retouch ako ng make up kase kanina pa ako nakaready. “ Ang ganda mo talaga, bagay sayo yang suot mo, parang ngayon mo lang yan sinuot.” “ Kakabili ko lang nito.” May kasama siyang isang katrabaho niya, nakakotse sila kaya doon kami sumakay. Kinakabahan ako dahil baka ang pangit ko ngayon, baka pinupuri lang nila ako dahil nakaharap ako sa kanila. Pagdating namin sa venue parang gusto kong umatras. Nahihiya kase ako dahil napakaengrande ng party ngayon. “ Dito ka muna ha, may gagawin pa kase kami.” “ Sige lang hihintayin kita dito.” Pinunta niya ako sa bakanteng table, ako lang mag isa dito at mabuti na lang nasa bandang dulo ko, hindi kapansin pansin. Busy masyado si Jake, kasama niya yung katrabaho niya na umalis. Hindi ko alam kung saan sila papunta ngayon, baka marami pa silang hindi naihanda pero inuna niya akong sunduin. Ang sweet naman ng asawa ko. Parami na ng parami ang mga tao dito, hindi naman ako napapansin dahil may kanya kanya silang kausap, ako lang ang wala. Mag iisang oras na akong nakaupo dito pero hindi pa rin bumabalik ang asawa ko. Ang tagal naman ata niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD