Prologue

302 Words
Prologue Ang magandang buhay ni Fhaida ay nasira ng maglapit ng landas ang kanyang asawa at ang dati nitong nobya na si Ava. Si Ava ay ang first love ni Jake Valencia na asawa ni Fhaida.  Naging mahirap ang pag iwas ni Jake sa dati nitong nobya dahil nasa iisang kompanya lang sila nagtatrabaho at nagkikita sila araw araw. Wala pang asawa si Ava dahil hindi niya makalimutan ang first love nitong si Jake, kaya naman ng magkita silang muli ay hindi na nila naiwasang mahulog muli sa isat isa.  Nagkaroon ng sikretong relasyon sina Ava at Jake hanggang sa tuluyan na niyang hiniwalayan si Fhaida. Ngunit hindi sumuko si Fhaida sa kanyang asawa kahit na si Jake ay mas pinili si Ava kesa sa kanya. Lumipas ang mga araw, hindi na umuuwi si Jake sa kanilang tahanan ni Fhaida, wala silang anak kaya madali lang niyang naiwan ito at sumama sa mayamang may ari ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan.  Naging malungkot ang buhay ni Fhaida ng mawala ang kanyang asawa sa tabi niya, nakaranas siya ng depresyon at halos ikamatay niya ang pag iwan ni Jake sa kanya, pero may hindi inaasahang tao ang tumulong sa kanya na bumalik sa dati, at yun ay ang nakababatang kapatid ni Ava na si Lance. Hindi alam ni Lance na ang ex wife ng kinakasama ng kanyang ate na si Ava ay si Fhaida, kaya tinulungan niya ito maghiganti. Mahuhulog bang muli ang puso ni Jake kay Fhaida? O tuluyan na niyang iiwan ito dahil kay Ava?  Malaman kaya ni Lance na ang ate niyang si Ava ay ang kabit ng asawa ni Fhaida?  Ang dating asawa ni Jake Valencia na si Fhaida ay sya na ngayong magiging kabit niya, at ang dating kabit na si Ava ay sya na ngayong kinakasama ni Jake Valencia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD