Prologue

1397 Words
"Honey bilisan n'yo na mag bihis ng mga bata. Para maaga tayo maka punta sa simbahan baka marami na namang mga tao pagdating natin doon, " tawag n'ya sa kanyang Asawa. " Wait lang honey malapit na kaming matapos ni Mich, antay ka lang ng unti d'yan. Puntahan mo muna kaya si Cyrus doon kung tapos na ba s'yang mag bihis kanina pa 'yun sa kwarto," utos nito sa kanyang Asawa. Meet Mr. Franklin Gelacio and Mrs. Vallery Gelacio. Sila ang pinakamayaman sa buong mundo. Sila ang nangunguna sa pinakamayaman sa buong mundo, walang pang nakakalampas sa kanila. Hindi halata sa mag Asawa na sila ang pinakamayaman sa buong mundo. Dahil simple lang ito manamit di gaya sa ibang mayaman na maraming sinusuot na mga alahas at sobrang gara pa ang mga suot. Ang Pamilya nila ma ituring mo lang na may kaya lang sa buhay. Kapag umuwi sila ng Pinas, hindi talaga nila makalimutan pumunta ng Simbahan. Simbahan sila ng Quiapo nagsisimba, tuwing linggo. Araw ngayon ng linggo kaya mag Simba silang mag Pamilya. Isang linggo na sila mula naka uwi sila galing ibang bansa. Sa araw na ito birthday din ni Cyrus, excited na silang mamasyal pagkatapos nilang mag Simba. "Mommy! Mommy! Andito na ako let's go na Po," tawag ni Cyrus sa kanyang Ina. "Cy wag kang tumakbo baka mahulog ka sa hagdanan. Dahan dahan lang, lalabas na kami ng kapatid mo antayen n'yo na lang kami sa baba," sigaw nitong sabi sa anak para marinig ang sinabi n'ya. " Ok Po Mommy, wag kayong mag tagal ni Miche," sigaw din nitong sabi sa kanyang Ina. Di nag tagal bumaba na ang dalawa, kaya sumakay na agad sila sa sasakyan. Para di sila ma traffic sa daan. Samantalang ang dalawang mag kapatid kumakanta silang dalawa. Sinabayan na din sila ng kanilang magulang kumanta ang kanilang theme song na Angel Baby. ??? I need a loved to keep me sane full me from hell bring me back again. Play me the classics , something romantic give him my all way when I don't even have it. I always dreamed of a solemn face, someone who feels like a holiday. But now I'm pieces, barely believing, starting to think that I've lost all feeling. You came out the blue on a rainy night, no lie. I tell you how I almost died, while you're bringing me back to life. I just wanna live in this moment forever, cause I'm afraid living couldn't get any better. Starting giving up on the word forever, until you give up heaven so we could be together. All: You're my Angel Baby, Angel Baby Angel, You're my Angel Baby, Baby , you're my Angel Baby. Di nila na malayan na dumating na pala sila sa may Simbahan ng Quiapo. "Baby's, mag ready na kayo dahil nandito na ta'yo. Wag makulit sa simbahan mag behave lang para may rewards mamaya." Paalala n'ya sa dalawang anak. " Yeah, Yes Mommy, "sabay sabi ng dalawa. " Daddy nakahanap ka na ba ng maparkingan?" tanong n'ya sa kanyang Asawa. "Oo Mommy, ikot lang ta'yo para maka parking na ta'yo," sagot naman n'ya sa kanyang Asawa. " Kuya Ruru, excited na akong mamasyal yeahey!" Galak nitong sabi sa kanyang kuya. " Wag kang makulit Miche, baka mahulog ka sa upuan." " Sorry, kuya di na mauulit," hinging paumanhin n'ya sa kanyang kuya. " Ok lang Miche, basta sunod wag mo nang ulitin mag promise ka sa akin." " Promise Kuya, I love you Kuya Ruru, I love you Mommy and Daddy." Masayang sabi nito sa kanyang pamilya. Pagkatapos nilang mag parking pumasok agad sila sa loob ng Simbahan. Dalawang oras din ang itinagal ng Mesa sa simbahan kaya gutom na silang lahat. Pagkatapos nila mag simba nag hanap sila ng makainan bago sila mamasyal sa mall. May nakita silang, sikat na palabok stand sa Quiapo kaya pumasok sila doon para kumain. Hindi sila mahilig kumain sa mga restaurant kahit marami silang pera. Di rin sa kuripot kundi mas nasarapan pa sila sa luto sa mumurahing kainan kisa sa mamahaling restaurant. "Mommy I want palabok overload!" Pasigaw nitong sabi sa kanyang Ina, nasa counter na kasi ang kanyang Ina kaya sumigaw na ito para marinig. "Ok Baby, wag kang maingay nakakahiya sa Ibang kumakain," malumanay na sabi n'ya sa kanyang anak. Pagkatapos mag order ng pagkain si Vallery , umupo na ito. Di umabot ng ilang minuto dumating na ang kanila order. "Mom and Dad, sunod punta tayo ulit dito namiss ko ang luto ni Tita Dada's." Sabi ni Cyrus sa kanyang Ina at ama. Si Dada's s'ya ang may ari ng palabok na kinainan nila ngayon. " Wag kang mag alala anak Linggo Linggo pupunta ta'yo dito. Kapag di busy si Daddy at Mommy ok ba 'yun?" " Yeahey! " sabay sabi ng dalawang magkapatid. Masaya silang kumain mag Pamilya, pero sa araw na 'yun. Yun na pala ang last na magkasama silang apat. Pagkatapos nilang kumain lumabas na silang lahat sa kainan ni Aling Dada's. Di napansin ng mag asawa na di na nila kasama si Michelle. Akala nila sumunod ito sa kanilang likod hindi pala. Samantalang si Michelle, na aliw s'ya sa mga lobo na nakikita n'ya marami kasing nagtitinda ng mga lobo harap ng Simbahan. "Wow ang ganda! Mommy bili mo ako nito please," sabay sabi ni Michelle sa kanyang Ina. Walang sumagot sa sinabi n'ya, kaya tumingin s'ya sa likod n'ya. Laking gulat n'ya dina n'ya makita ang kanyang Pamilya. Inikot n'ya ang kanyang paningin para hanapin ang kanyang Pamilya. Wala siyang makita kahit isa man sa kanila, nataranta na s'ya dahil wala s'yang malapitan. Nag simula na tumulo ang kanyang mga luha panay iyak na ito. Dinadaanan lang s'ya ng mga tao walang pumapansin sa kanya. Maliban na lang sa mag asawa na kakalabas lang ng Simbahan. "Langga last day na natin dito sa maynila, kailan kaya ta'yo makabalik dito," malungkot na sabi n'ya sa kanyang Asawa. "Diko din alam Langga, pero wag kang mag alala kapag may ma ipun ulit tayo. Pwede na tayong bumalik dito sa maynila, ang kailangan muna natin pagtuunan kung paano natin buuhin si Junior natin," pabirong sabi nito sa Asawa. " Maloko ka talaga Langga, katandatanda muna, nag feeling binata kapa. Wag ka nang mangarap Langga dati pa tayo nag ulit wala pa ding mangyayari," malungkot nitong sabi sa kanyang Asawa. " May darating sa atin Langga maniwala ka. Bilisan na natin Langga, baka maiwan ta'yo sa barko. Kailangan andon na ta'yo bago dumating ang barko para di ta'yo maiwan." Nagmamadaling sabi nito sa Asawa n'ya. Ngayong araw din uuwi ang mag Asawa sa probinsya ng Mindanao. Sa Gusane Dumalogdog Sindangan Zamboanga del Norte. Bago man sila uuwi dumaan muna sila sa may simbahan ng Quiapo. "Mommy! Daddy! Kuya! Saan na ka'yo," umiiyak na tawag ni Michelle. Narinig ng mag Asawa ang iyak ni Michelle, kaya tumingin sila sa may likod nilang dalawa. Nasa likod lang nila si Michelle habang umiiyak ito. "Langga kawawa naman yung bata umiiyak saan kaya mga magulang n'yan," nakatingin ito kay Michelle habang sinabi n'ya sa kanyang Asawa. " Diko alam Langga, tara na Langga alis na tayo baka mahuli ta'yo sa barko," Aya n'ya sa kanyang Asawa. " Kawawa naman s'ya Langga puntahan muna natin s'ya. Di tayo ma iwan sa barko promise ko sa'yo." " Sige na nga?" Sabay nilang nilapitan si Michelle at tinanong ito kung ano ang kanyang pangalan. " Bata bakit ka umiiyak?saan mga magulang mo nawala kaba?" Tanong ni Trinidad sa kanya. Hindi nagsasalita si Michelle umiiyak lang s'ya. Kahit anong tanong ni Trinidad sa kanya nakayuko lang ito. "Paano ba yan Langga ayaw n'ya mag salita , aalis na tayo baka andon na yung barko." Pag pupumilit na sabi ni Edgar sa kanyang Asawa. " Di kaba na awa sa bata Langga." " Naawa ako sa kanya Langga pero may hinahabol tayong Oras. Baka pagdating natin doon wala na tayong maabotan." Mahabang paliwanag n'ya sa kanyang Asawa. " Sige na nga? bata hatid ka na lang namin sa may Police Station. Para kapag may naghahanap sa'yo pwede ka na nila ibigay." Sabi ni Trinidad kay Michelle. Mas lalong umiyak si Michelle sa sinabi ni aling Trinidad. Kaya walang nagawa ang mag Asawa kundi dalhin na lang si Michelle pa uwi sa probinsya. Baka maiwanan pa sila sa barko kung hindi pa sila aalis.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD