CHAPTER TWENTY-THREE

1918 Words

ABALA siya sa pag-aayos ng gamit ni Arwin na dadalhin nito sa Maynila nang bigla itong umupo sa kama at hinila siya. Napaupo siya sa kandungan ng asawa. Hindi pa naman ito umaalis ay nalulungkot na siya. Aminado siyang mamimiss niya ito. Hinalikan siya sa batok ni Arwin kung kaya nagtaasan ang kanyan mga balahibo sa ginawa ng asawa. "Sumama ka'na kaya sa Maynila?" tanong pa sa kanya ni Arwin. Gusto niya sanang sagutin na oo pero hindi pwede. Walang alam ang Lola nito tungkol sa biglaan nitong pagpapakasal. Tiyak na malalaman nito kung anong klase siyang babae. Noon pa naman ay palaging binabanggit sa kanya ni Bernard ang ugali ng lola ni Arwin. Masyado raw protective ito pagdating kay Arwin. "Alam mong hindi pwede. Baka nakakalimutan mong sekreto ang kasal natin," paalala niya rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD